Share

The Billionaire's Captive
The Billionaire's Captive
Author: Resurgence

Kabanata 1

Devil

"Nandito siya."

Kaagad akong napasimangot nang mahagilap ng mga mata ko ang imahe ng lalaking talagang nagpapasira palagi ng araw ko. I was even thankful that I didn't saw him yesterday. I was hoping na magtuloy-tuloy na iyon, ngunit nagpakita na naman ngayon. Bwisit. Sobrang nakakabwisit. Parang gusto ko na tuloy umuwi.

Hiraya, my bestfriend, only laughed after seeing my unpleased reaction.

"Alam mo, Zari. We've been bestfriends for years, pero may mga bagay pa rin talaga akong hindi nalalaman sayo. Kagaya nalang ng rason kung bakit ayaw na ayaw mo kay Xavier Consunji. Like, hindi pa ba halata? He's freaking crazy for you. Palagi ka ngang sinusundan sa lahat ng gimik mo. Kahapon lang naman siya sa absent. Hindi na siya perfect attendance." Halakhak pa nito na siyang aking ikinangiwi. I don't really like her jokes sometimes. Nakakasuka at hindi nakakatuwa.

Napairap nalang ako bago umiling. "Kung ang mga Consunji nalang ang natitirang mga lalaki sa mundo, I'd rather die single and virgin than get fooled by those womanizers."

I don't like playboys. Iyong tipong ginagawang laruan ang mga babae. Iyong tipong kayang-kaya nilang palitan lahat sa isang iglap lang. I hate those kind. Their kinds. Hindi naman ako man hater. But eversince my sperm donor cheated with my Mom, I started avoiding boys. Men in general. Well, friendships are entertained, pero sa oras na lumabag ka doon ay awtomatikong hindi na kita papansinin kinabukasan.

Hiraya bit her lower lip. "Tama ka naman doon, pero..." She pouted and looked at Xavier's direction again. My eyes immediately followed ngunit kaagad ding nagsisi nang makita ang mapupungay at parang inaantok na mga mata ni Xavier habang nakatingin sa akin. I looked away. "Nakakaawa siya, in all fairness. Hindi mo kasi pinapansin e."

I rolled my eyes and sighed. "Hindi siya nakakaawa. Nagwa-gwapuhan ka lang."

Humalakhak si Hiraya. We stayed on our table for a bit before we decided to go to the dancefloor. I was already a bit tipsy, but thanks God it was still tolerable kaya nakikilala ko pa rin naman ang mga taong nakakaharap ko. There are actors, singers, and etc. I'm a model, maging si Hiraya, kaya marami kaming kilala sa industriya. Ang iba naman ay familiar lang at hindi namin talaga naka-interact in person.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatiling sumasayaw, but when I feel dizzy ay kaagad ko nang niyaya si Hiraya na bumalik sa aming table, but she refused. Susunod nalang daw siya kung kaya ay wala akong choice kundi ang bumalik sa table namin ng mag-isa. Ilang beses pa akong hinarang ng ibang mga kakilala kaya medyo natagalan ako sa pagbalik sa aming upuan. Bago ako makabalik ay napatingin pa ako sa banda kung nasaan ang lalaking kinaiinisan ko. Only to find two girls beside him.

Napabuga ako ng isang iritadong hininga at mabilis na nag-iwas ng tingin. Padabog akong umupo sa sofa bago diretsahang ininom ang isang beer. Napapikit pa ako nang gumuhit ang pait nito sa aking lalamunan.

Gusto ako? Gusto daw ako? E bakit nang-e-entertain pa rin siya ng ibang babae kung gano'n? Wala ba siyang isang salita? Katulad talaga siya ng magaling kong ama na walang ibang ginawa kundi ang ikumpara ako sa step daughter niyang wala naman akong pakialam. Walang isang salita.

Napaismid ako at napailing sa sarili. Why am I even thinking about him? I shouldn't be. Dapat hayaan ko na lang ang demonyong 'yan kung ano man ang gawin niya sa buhay. Pakialam ko ba kung kabi-kabila ang mga babae niya? I shouldn't care, right? I freaking shouldn't. But why am I... bothered? O baka... naninibago lang ako dahil wala sa akin ang atensyon niya ngayon?

I nodded to myself. Yeah. It's just that. It's freaking just that.

I tried to focus on drinking. Hindi na muli akong lumingon pa sa kung nasaan ang Consunji na iyon dahil baka tuluyan na talagang masira ang gabi ko. Nang makaramdam na parang maiihi ako ay kaagad akong tumayo at nagtungo sa comfort room. I did my thing before I got out and washed my hands. Nag-retouch na rin ako, at habang ginagawa ko iyon ay napaigtad ako at mahinang napasigaw nang biglang padaskol na bumukas ang pinto ng CR. I am alone and it really freaked me out to the bones!

"Fuck you!" Ang naisigaw ko nalang. Nabitawan ko pa ang hawak na lipstick. Tumataas-baba ang aking dibdib sa sobrang gulat at nang makita kung sino ang pumasok ay walang pasubali akong lumapit sa lalaki at kaagad na sinampal ang mukha niya. The sound of the slap echoed around the four corners of the comfort room. His head slightly tilted. Namula pa ang pisngi nito kung saan ko siya sinampal. I blinked my eyes. Pakiramdam ko ay nagmarka ang kamay ko sa pisngi niyang iyon.

"Damn it." He cursed huskily. He doesn't sound angry at all, but there was darkness in his voice that slightly startled me. "Not only your tongue stings, but your hand too, huh?"

Gusto kong makaramdam ng konsensiya sa ginawa ngunit nang makita ang dahan-dahan nitong pagngisi ay kaagad na naglaho ang konsensiya ko. Demonyo talaga.

I rolled my eyes at him, turning my back. Humarap akong muli sa salamin at inayos nalang ang buhok.

"Just get out, Xavier. Get the fuck out."

"Hmm?" He smirked. Nakita ko mula sa repleksyon ng salamin sa harap ang pagpulot nito sa lipstick kong nalaglag sa sahig bago umayos ng tayo. I quickly looked away as I swallowed lightly.

Lumapit ito sa likod ko. He stood too close behind me that I can almost feel his breathing on my exposed nape.

"Why?" He uttered huskily as he slowly crawled his hand to my waist. I watched how his left arm possessively snaked around my stomach, like it was marking his territory. I let out a soft gasp. "Why do you hate me so much, Zaria?"

I didn't like how my body reacted to his touch. I fucking hate the fact that he can easily affect me like this! I hate him so much!

I gritted my teeth while glaring at him. "Stop touching me, Xavier. You're invading my privacy. I don't even know why you're always following me."

His piercing deep set of green eyes almost burned my skin. He pulled me impossibly closer to him as his face made way to my collarbone. He licked it. He licked it freaking three times without taking his eyes off me from our reflection in the mirror!

Naisara ko ang sariling mga kamay habang nakatitig sa kaniyang may maliit na ngisi sa kaniyang labi. Parang akong na-istatuwa sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya kayang itulak. Parang kontrolado niya ang sarili kong katawan!

"You're calling me Xavier now, huh?" May panunuya sa boses nito nang itanong iyon. "I remembered, that's not how you called me when you were writhing in pleasure while I was inside you though." He smirked.

Putangina ka, Consunji! Demonyo talaga! He's a freaking devil! Pinaalala na naman niya ang pangyayaring matagal ko nang gustong-gustong kalimutan!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status