Share

Chapter 35

ANGELA

Pagpasok ko sa loob ng building ay napatingin pa rin sila sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin at tumuloy na ako sa office ko. Limang minuto bago mag ala-una ng tanghali ay nasa table na ako at nandun na rin si Rose.

“Bakit?” Kunot noo na tanong ko kay Rose nakanguso kasi ito.

“Wala po Ma’am Marinor. Hindi kasi kumain si Sir Mathew kaya nagmadali din akong bumalik baka kasi kailanganin niya ako.” Paliwanag niya. Ibinaba ko ang bag ko upang puntahan siya. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Nag-angat siya ng tingin nang lumapit ako sa kanya.

“Hindi ka daw kumain? Ano pong gusto niyo, mag-oorder na lang po ako sa labas.” Magalang na tanong ko sa kanya.

“Hindi na kailangan, hindi naman ako nagugutom.”

Hindi ko maiwasan na taasan siya ng kilay. Kanina lang niyaya niya akong kumain tapos nang hindi ako pumayag ay ayaw na rin niyang kumain.

“Sir, mahaba pa po ang araw. Kung gusto niyo samahan ko kayo dito kumain lang kayo.” Paki-usap ko sa kanya. Nakita ko ang pagliwanag sa kany
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status