Share

Chapter 4

Diana’s POV

It has been three weeks since I left Dumaran. Wala namang masyadong nagbago sa buhay ko, maliban na lang sa mga gabing masyadong nami-miss ko si Ryan.

Sa unang linggo ko nga sa bahay ay palagi akong pagod. Siguro sa dami ng dinadala kong bigat sa dibdib ay parang gusto na lang ng katawan ko na magpahinga.

May napansin pa akong kakaiba sa katawan ko. Maliban sa pagod ay parang palagi akong nakakaramdam ng gutom. Nakaka-dalawang servings ako ng pagkain, minsan ay tatlo pa nga, pero ang masama, in between meals ay gusto ko na namang kumain ulit.

Kaya lang hindi maaari ito. Mahigpit ang sinusunod na alituntunin ng pamilya namin pagdating sa pagkain. May tamang oras ang kada meal, at hindi rin pwedeng magpakabusog nang husto.

Parte daw ito ng pagiging aristocrat ng pamilya Miller, at bilang ‘young lady of the house’ kelangan kong sumunod sa alituntuning ito.

Buti na lang pumapasyal si Jade sa akin at palihim akong dinadalhan ng mga junk food at chocolates. Ito rin ang request ko sa kanya nang huli syang bumisita ito.

“Depressed ka lang, Sis.” Ito ang conclusion ni Jade, na sinang-ayunan ko rin. Matamlay pa rin kasi ang bawat araw ko.

“Yan ang nabasa ko sa internet. May mga tao daw talaga na kapag inatake ng depression, ang natural na reaksyon ng katawan ay kumain nang kumain.” Dagdag pa nito.

“Pero sis Nadia, you have to prevent binge eating from becoming a habit. Masama yan in the long run.”

“I know,” sabi ko, habang masaya kong nilalantakan ang dala nyang tsokolate. “Mahigit dalawang linggo pa lang naman. Am I not allowed to be gloomy for at least this long?”

I pretended to give her a sad look, but she was not buying it anymore. Alam nya na nag-iinarte lang ako para magpuslit pa siya ulit ng mas marami pang pagkain.

She sighed and gave up on giving me advice. “At least try to eat less. Look at yourself in the mirror. You are already gaining weight.”

“Am I?” Hindi ako kumbinsido. “Parang hindi naman, ah.”

“Hindi ka d’yan. Sige ka, baka umayaw na ang fiancé mo sa iyo.”

Nagkatawanan kami sa panunukso nya. As if gusto kong matali sa gunggong na iyon!

Simple lang din ang sagot ko, “Mabuti nga kung umayaw na siya. Magdilang-anghel ka sana.”

“So did he meet you na?”

“Sino, si Brandon?”

Tumango si Jade. Ayoko man na pag-usapan ang Brandon na iyon ay wala akong magagawa kung nasa ‘Marites’ mode itong kaibigan ko.

“Yup, the other day, bumisita sya.”

“And how was he? Did he make your heart flutter?” Jade was teasing me again, pero kahit naiinis ako hinayaan ko na lang ito.

“No, of course not. He still looked disgusting in my eyes.” I said frowning, then when I remembered his expression nang makita nya ako ay di ko mapigilang mapangiti.

“But the good thing is, parang hindi siya impressed sa looks ko.”

“Why, let me guess. Did you make sure to look your worst?”

“Yes, nang bumisita kasi sya, wala si Mama kaya walang nagpursige sa akin na mag-ayos. Naghanap ako ng pinaka baduy na dress at yun ang sinuot ko. Hindi rin ako nagsuklay man lang.”

Pinipigilan kong hindi matawa, pero talagang nakakatawa yung nangyari.

“He must have been shocked?”

“Shock is an understatement. Nagkukumahog nga siyang umuwi na parang nakakita ng multo.”

Naputol ang aming tawanan nang may kumatok sa pinto. Magiliw na pumasok si Mama pero nawala ang ngiti nito nang makita ang nagkalat na mga wrapper ng junk food at chocolate sa loob ng kwarto ko.

“Ayan, kaya hindi ka pumapayat dahil dyan sa mga junk food na yan. Nadia, I’m warning you. Don’t embarrass the family again. Last time that Brandon came, I heard hindi ka man lang nag-effort mag-ayos. My God, Nadia! Your wedding is months away. You need to be conscious and strive to look your best all the time.”

After nya akong masermonan ay binaling nya ang kanyang atensyon kay Jade na aligaga sa aking tabi.

“And you Jade, stop spoiling Nadia. As a friend, I hope you’ll think of what’s best for her.”

“Sorry po, Tita. Hindi na po mauulit.” Tipid na sagot ni Jade.

“Dapat lang. Simula ngayon ay may magmomonitor na sa timbang mo Nadia. Kaya makinig kayong dalawa. Kapag sinabi ni Dr. Martel na ito lang kainin mo sa buong araw, you’d better follow it to a T. At ikaw Jade, kapag nakita mong hindi sumusunod sa utos itong kaibigan mo, you tell me or Dr. Martel right away. Aside from a medical specialist, she’s also a nutritionist so she should know what’s best for Nadia.”

Si Dr. Martel ay siguro nasa mid-50s na. Maaliwalas ang aura nya at palangiti. Habang nagtatanong siya sa akin ay nagkukwento din ito ng kahit ano, siguro to make me more comfortable.

Wala naman daw problema sa BP ko at outwardly, ay at least wala naman akong health issues. But to be certain ay nag-suggest sya kay mama ng konting blood sample for a simple laboratory test ‘daw’ to make sure na angkop yung weight loss program na gagawin para sa akin.

After na makuha ang sample ng dugo ko, umalis na si Dr. Martel but not before telling me to stop eating junk food. Sabi nya ay babalik sya after a few hours to give us an update sa results ng lab test. Sabay silang lumabas ng kwarto ni Mama at naiwan kami ni Jade sa loob.

Dahil nga buong umaga akong sinamahan ni Jade, after ng kwentuhan namin nang ilang oras ay nagpa-alam na ulit ito. Nag-iwan pa ito ng isang cellphone, kasi sabi nya baka daw maghigpit na ang mama ko sa akin lalo na’t nahuli nya kami na kumakain ng mga bawal.

“Just in case they take your phone away. Kita mo si Tita ngayon, mukhang determined na gawin ang lahat para i-transform ka into a perfect bride. Or, baka imo-monitor na ang phone mo, so to be safe ito na gamitin mo para i-contact ako, okay Sis?”

With that, she hugged me and together, we went out of my room. Hinatid ko sya sa labas ng bahay sa may gate.

Pagkapasok ko ng bahay ay muli akong nakaramdam ng pananamlay. Mukhang sobra talaga akong depressed dahil nakaramdam na naman ako ng gutom.

Nevertheless, wala na akong magagawa dahil pinagbawalan na nga ako, at kinumpiska na lahat ng extra food na bigay ni Jade. Kaya umakyat na ako sa kwarto at nagpahinga na lang. Pero hindi ako makatulog kaya bumangon ako at nanood na lang ng movies sa laptop.

Mga alas kwatro ng hapon nang magulantang ako nang padabog na pumasok ng kwarto ko si Mama.

Nanggagalaiti ito sa galit.

Without a word, hinawakan nya ang buhok ko at hinatak ako nang sobrang lakas. Napatayo ako sabay sinubukan kong pinigilan syang hablutin ang buhok ko.

“Mama, arayyy! Bakit po?” Ang tanong ko habang namimilipit sa sakit.

Isang malakas na sampal ang isinagot ni Mama sa akin.

“Nadia, sabihin mo! Sino ang lalaking nakabuntis sa iyo, ha?!” Nanlilisik ang mga mata nya sa galit.

“Po…? Hindi po ako buntis.” Nanlaki ang mata ko sa pagkagulat.

“Nagmamaang-maangan ka pang m*****a ka!” Sinampal nya ulit ako sa pisngi at idiniin sa mukha ko ang isang piraso ng papel.

“Tingnan mo yang lab test result. Kaya pala tumataba ka dahil nag-dadalangtao kang haliparot ka! You’re three weeks pregnant! Pumunta ka ba sa malayo para lang makipag-lampungan? Answer me, sinong hayop na lalaki ang gumawa nito sa iyo?”

Parang na-blangko ako sandali. Sa gitna ng mga sampal ni Mama sa akin ay pilit kong tinitingnan ang piraso ng papel na halos nakadikit na sa mukha ko.

Pregnancy Test: Positive

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. Ako, buntis? By instinct, ay hinawakan ko ang tiyan ko. May buhay sa loob ng sinapupunan ko? Paano nangyari ito?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Isang beses. Isang beses lang may nangyari sa amin ni Ryan. Hindi ako makapaniwala na mabubuo ang isang buhay nang dahil lang sa isang gabi ng p********k namin.

“Mom, let me explain,” ang sabi ko.

“Go ahead, tell me. How did you end up pregnant while you were away? Who is the father?”

“M-om, I’m sorry. Hindi ako sigurado.” Nagpasya akong magsinungaling. This is to protect Ryan. Otherwise, kapag nalaman ng pamilya ko ay baka kung anong gawin nila sa kanya.

“I was in a party. I got drunk and slept with a stranger. It was the night before I came home. I wanted to have fun for the last time. I’m sorry, Mom na tinago ko. I didn’t want to disappoint you and Dad.” I added while sobbing.

Natatakot ako para sa aking sarili kaya nagsimula na akong maiyak. I also didn’t want to implicate Ryan dahil wala naman siyang alam sa nangyari.

“Well, you’ve already disappointed us! Ang laking problema nitong binigay mo sa amin ng Dad mo, Nadia. Ano na lang ang gagawin natin kapag nalaman ito ng mga Compton, ha? You know how cruel they can be if you get on their bad side. Maaapektuhan pa ang investments nila sa kumpanya natin pag nagkataon!”

Ngayon ko lang nakita si mama na ganito kagalit. If I was not her daughter ay baka napatay na niya ako nang dahil sa galit nya sa akin. Sumama lang ang loob ko, dahil parang mas matimbang pa ang negosyo para sa kanila kaysa sa akin na anak nila.

“Don’t come out of this room. No one is allowed to visit you, not even that Jade. Especially her! If I knew you’d turn out like this, sana hindi na kita pinayagang mag-aral sa malayo. Ang give me your phone, now!”

Wala akong nagawa kundi ibigay kay mama ang phone ko. Fortunately, ay dinelete ko na lahat ng pictures namin ni Ryan doon. Also, I already changed SIM cards so, bago lahat ng contacts ko.

Alam kong titingnan nila ang laman ng phone ko. Buti na lang, sinunod ko ang payo ni Jade at tinanggal ko lahat ng may kinalaman sa amin ni Ryan- messages, photos, and videos.

Kumalabog ang pintuan nang lumabas na si Mom. Apart from my phone, binitbit din nya pati ang laptop ko.

Inside the room, it was totally silent and I was crying my heart out.

Nadia, ano ba itong pinasok mo? Akala ko ba, walang magiging problema? Mukhang mas naging kumplikado pa ang lahat.

Without anyone to talk to, I took out the phone that Jade gave to me earlier.

“Jade, may malaking problema. It turns out, buntis ako. What should I do?” I typed in distress. As I was waiting for her reply, I heard heavy footsteps outside the door.

Mabilis kong pinatay ang phone at tinago ito sa ilalim ng kubre-kama. Bumukas ang pinto at bumungad ang nakasimangot na mukha ng aking ama. Kasama niyang pumasok si mama at si Dr. Martel.

Matalim ang tingin ni Dad sa akin. Pero hindi nya ako kinausap, bagkus nakatuon ang pansin nya kay Dr. Martel.

“Are you one hundred percent sure na buntis si Nadia?” Tanong nya.

Tumango si Dr. Martel at ipinaliwanag ang proseso ng blood pregnancy test. Sinabi pa nyang kaya medyo natagalan siyang ipaalam sa mama ko ang resulta dahil inulit pa nya, just to confirm na tama ang naunang lumabas na assessment.

Mas lalong dumilim ang mukha ng ama ko. Alam kong galit na nga ito. Pero hindi pa rin nya ako kinausap. Nagtanong pa sya nang ilang bagay tungkol sa pagdadalang-tao ko, like yung eksaktong tagal na nang pagbubuntis ko, kung healthy ba ang bata, at kung okay ba ang state of health ko.

I was feeling glad na kahit mukhang galit si Daddy ay concerned naman ito sa kalagayan ko, but I was shocked to hear his next words.

“So, tell me Doc, with Nadia’s overall health, safe ba kung ipapalaglag nya ang bata at this point?”

Dr. Martel looked at my stunned face and sighed, but she still answered my father.

“Although I don’t recommend it because of the risk involved, it can be safely done. But not by me. I can refer you to someone who could operate, though. And don’t worry, he’s very professional and can keep a secret.”

Nagpatuloy silang mag-usap para plantsahin ang detalye ng pagpapalaglag ko.

I just sat there on the bed, looking at the scene completely dumbfounded. Sobra akong natulala sa takbo ng mga pangyayari kung kaya matagal bago nag-register sa utak ko ang plano nilang gawin sa akin at sa magiging baby ko. I couldn’t believe it.

“W-wait, Dad are you planning to have my child aborted? Ang sarili mong apo? Dad, this is a precious life we’re talking about,” pagsusumamo ko pa.

“Kung hindi ka naging suwail, hindi sana tayo aabot sa ganito! And besides, that one you are carrying is not my grandchild. Never! It’s just a clot of dirty blood. Ni hindi mo nga alam kung sino ang ama, diba? So this time, be obedient and proceed with the operation. Mabuti na lang at maaga pa lang ay nalaman na natin kaagad. This way, maaga ring magagawan ng paraan.”

“But Dad---“

“No buts, Nadia! Must I remind you? You have no right to complain here. Reputasyon ng pamilya natin ang nakataya dito. Not to mention na kapag nalaman ng mga Compton ay malamang mapurnada pa ang mga business arrangements ng mga kompanya natin.”

Tumingin sya sa akin at binalaan ako.

“I’m warning you, Nadia. H’wag matigas ang ulo. I’m doing this for your own good.”

After that ay hindi na ako kinausap pang muli ng aking ama. Sila na lang dalawa ni Dr. Martel ang nagpatuloy sa nauna nilang plano.

Tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa mata ko lalo na nang nakita ko sa mukha ng mama ko ang pagkayamot sa akin. Wala na talaga akong kakampi sa pamamahay na ito.

Pagkatapos ay lumabas na sila ng kwarto at iniwan nila akong umiiyak. Hindi man lang ako kinausap pang muli ng mga magulang ko para pagaanin ang loob ko.

Gusto kong sumigaw na hindi ako papayag sa gusto nila, pero wala akong magagawa dahil hindi maitatanggi na hawak nila maging ang buong buhay ko. Paano na ito?

No, hindi pwede ito.

Nang maisip ko na ang batang nasa sinapupunan ko ay bunga ng pagmamahalan namin ni Ryan, bigla akong nagkaroon ng kakaibang lakas.

I can’t let anything bad happen to our child, Ryan. I silently promised.

Agad kong pinahid ang luha ko at kinuha ang cellphone mula sa ilalim ng bedsheet.

Hindi pa rin nababasa ni Jade yung naunang message ko. Nag-type ulit ako ng bagong mensahe.

“Jade, I need help. Please. Gusto nila mama na magpalaglag ako. A couple of days from now. Si Dr. Martel ang mag-aasikaso. Ikaw na lang ang pag-asa ko, Jade. Please get me out of here. Ikamamatay ko kapag nawala itong baby namin ni Ryan.”

I pressed send and waited for Jade to respond, praying na sana makahanap ng solusyon ang kaibigan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status