Ryan / Matthew's POVAfter several months, I finally saw Diana again.Hindi ko inaasahan na sa pagpunta ko sa Lumina para pag-usapan ang posibleng kooperasyon ng dalawang kumpanya namin, doon ko pa siya makikita.Hindi ako makapaniwala at lalong hindi handa ang puso ko na makita siyang muli. Sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita agad.I couldn’t help but stare at her as my heart was pounding in my chest. Diana’s beautiful face, her expressive eyes, and her lips that I’ve longed to kiss—she was so near, yet so far.Gusto ko siyang lapitan at yakapin, pero mayroon nang isang malapad na pader na nakaharang sa amin. Pader na sadyang itinayo ni Diana upang itaboy ako palayo sa kanyang mundo.Ang sakit. Sobrang sakit. Pero ako naman ang may kasalanan. Kahit magsisi pa ako ay wala na akong magagawa. Nangyari na ang lahat. Lubos ko silang nasaktan ng aming anak. Hindi ko alam kung mapapatawad pa nila ako, o kung may pagkakataon pa akong mapalapit ulit kay Diana.Ngayon, nalaman ko na marami
Diana's POVUmaayon ang lahat sa plano. Ito ang lumabas sa report na ibinigay ni Selena sa akin. Tatlong linggo na magmula nang mailipat sa pangalan ng Lumina ang ilan sa mga lupain na dating pagmamay-ari ng mga Collins.Ayon sa napagkasunduan, nakakuha ang Lumina ng mahigit sa sampung ektaryang lupa sa silangang bahagi ng Dumaran, specifically sa barangay ng Danleg.Pinili namin ang lugar na ito dahil sa malawak na beachfront nito na angkop sa plano naming pagpapatayo ng daungan in the future. Kapag nangyari ito ay didiretso na sa Danleg ang barko ni Mang Danny mula sa biyahe nito sa isla, imbis na dadaan pa sa main port ng Dumaran.Inaasahan namin na kapag tuluyan nang magiging 100% operational ang Lumina dito sa Danleg, dadami ang mga matang tututok sa aming aktibidad. Marami kaming lihim na operasyong gagawin kaya magpapatayo ang Lumina ng sarili nitong port para mapigilan ang mga may masasamang balak.Bukod pa dito, ang pribadong airstrip para sa private jets at helicopters ay ka
Diana's POVI checked House Ritz’s charitable works on their website. They were mainly focused on giving scholarships to poor students and sponsoring talented youths in several artistic and literary fields like music, arts, and literature.Maraming mga iskolar ang House Ritz na napagtapos nito sa pamamagitan ng kanilang scholarships. Ang ilan nga sa mga ito ay nagkamit na ng hindi matatawarang katanyagan sa iba’t-ibang larangan sa buong mundo.Naisip ko na masusing pag-aralan ang kanilang mga pamamaraan para kung sakali mang maisakatuparan ko ang planong pagpapatayo ng sariling foundation para sa mga single moms and abandoned children, may ideya na ako kung paano ito gawin nang maayos.Tiningnan ko rin ang proseso ng mga nakaraang charitable auctions nila. Maaari palang mag-donate ng mamahaling gamit ang mga bisita para i-auction sa event. Ang proceeds na makukuha ay mapupunta sa funding ng House Ritz sa ilalim ng pangalan ng taong nag-donate ng gamit.May mga naitabi akong mga bagay
Diana's POVThe last person I want to encounter right now is Ryan, but here he is. Despite his frightening expression, I could not help but hold my breath.For a second, my mind blanked out and I didn’t know what to do.Mathilda was holding my right hand, and Ryan was holding the other one.Ang awkward ng situation ko. At bakit parang galit ito kay Lisa? Shouldn’t he be on his fiancée’s side?Also, bakit ang lagkit ng tingin nya sa akin? Hindi ko gustong magkaroon pa ang ibang tao ng idea tungkol sa aming dalawa.I’m certain na alam na ni Lisa ang tunay na ugnayan namin ni Ryan, na may nakaraan kami, considering that she is targeting me this way.I tried to pry my hand away from Ryan’s grasp, pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.“Lisa, didn’t I warn you not to bother Diana?” Ryan repeated his words, but this time his gaze was fully directed at Lisa.His eyes were cold and full of explosiveness, even I could feel na galit na galit siya. But why?Umiwas ng tingin si Lisa pero nag
Diana's POVNakasunod na pala sa likuran ko si Clarissa at narinig nito ang mga pinagsasabi ni Mathilda laban sa akin.“Okay ka lang, Diana?” nag-aalalang tanong nito sa akin.“Don’t worry, Clarissa. Okay lang ako.”Nang masigurong walang naging problema sa akin ay ibinaling ni Clarissa ang atensyon nya sa dalawang babae na sumugod sa akin kani-kanina lang.“House Ritz gave your families invitation, pero kayo ang ipinadala nila dito? Unbelievable! Didn’t your families tell you to behave when you come to my turf?”As expected of a young lady from a first-rate family, may kakaibang aura nga itong si Clarissa kapag nagsasalita. Sa loob ng room kanina ay malumanay ang kilos at pananalita nito. Akala ko ay ganito talaga ang natural demeanor nito sa lahat ng pagkakataon—soft-spoken na akala mo’y hindi makabasag- pinggan.Mali pala ako. Depende pala ito sa kaharap niya.Confronting the two brats, Clarissa displayed the true bearing of an elite member of the society. Standing straight, she ad
Ryan / Matthew's POVAs the CEO of Collins Holdings, kasama talaga sa responsibilidad ko ang dumalo sa mga importanteng social functions. Tulad ng charity auction ng House Ritz sa Century Hotel ngayong gabi.I would have preferred to go alone pero palaging nakabuntot sa akin si Lisa. Nang tinanggihan ko ito ay agad itong nag-drama sa harap ng aking ama.My father is still muddle-headed, akala pa rin nya na si Lisa ang perfect daughter-in-law nya. He has no recollection that I already have a son with Diana. And it’s difficult to go against his wishes lalo na’t mahina pa rin ang katawan nito.So, I had no choice but to bring Lisa to the auction as my date. But I had no intention of being seen interacting with her intimately.Kaya naman nang dumating na kami sa venue ay agad akong naghanap ng paraan to ditch her. I found some familiar business partners and approached them, then I told Lisa to find our table and wait for me there because I would be discussing confidential matters with som
Diana's POVAnim na tao ang kasya sa bawat lamesa. Bukod sa aming apat nina Stephan, Ryan, at Lisa, nandoon din ang mag-asawang sina Dumas at Carol Klein. May-ari sila ng pinakamalaking sardine factory sa Pilipinas, ang kanilang pabrika, andito mismo sa Dumaran.Ang mga huling sariwang isda sa mayamang karagatan ng Palawan at West Philippine Sea ay agad pino-proseso dito at pagkatapos ay inililipad sa iba’t-ibang parte ng bansa. Bukod sa kanilang canning business ay may stake din ang mga Kleins sa paggawa ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng toyo, suka, ketchup, oyster sauce, at marami pang iba.Nang maupo kami ay siniguro ni Stephan na mailayo ako sa side ni Ryan kaya naman katabi ko sa pag-upo si ginang Carol. Sa edad na halos singkwenta-anyos ay parang nasa late 30s lang ang hitsura nito. Siguradong maalaga ito sa katawan dahil healthy-looking, makinis, at animo’y kumikinang ang balat nito.Mabait din ito at palangiti. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Naisip ko tulo
“Ryan, let’s break up.”“Huh?” Habang kumakain ako ng binili kong banana cue ay nagulat ako sa sinabi ni Diana, ang girlfriend ko.Ni hindi ko na nagawang nguyain pa yung kalahating saging na umuusok pa sa init. Sa pagkabigla ko ay nilunok ko na agad.“Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya habang pilit nilalabanan ang nakakapasong init sa dila ko.“Sabi ko, maghiwalay na tayo.” Tugon nya sabay abot ng binili kong stick ng hotdog. Tender Juicy, ito ang palagi nyang binabanggit na paborito nya. Kaya kapag may sobrang pera lang ako ay binibilhan ko talaga siya nito.Tulad ngayon. Banana cue para sa akin at hotdog on stick naman para sa mahal ko. Kung dati, excited siyang kainin agad ang binibigay ko, ngayon ay biglang wala siyang gana. Ni hindi man lang nya ito tinikman, bagkus ay isinauli pa sa akin.“Wait---- What? I mean… Why?”Alam kong meron akong mga pagkukulang. Hindi ako tulad ng ibang boyfriend na galante sa mga kasintahan nila. Wala pa kasi akong sapat na pera at kelangan ko pang