Diana's POVAnim na tao ang kasya sa bawat lamesa. Bukod sa aming apat nina Stephan, Ryan, at Lisa, nandoon din ang mag-asawang sina Dumas at Carol Klein. May-ari sila ng pinakamalaking sardine factory sa Pilipinas, ang kanilang pabrika, andito mismo sa Dumaran.Ang mga huling sariwang isda sa mayamang karagatan ng Palawan at West Philippine Sea ay agad pino-proseso dito at pagkatapos ay inililipad sa iba’t-ibang parte ng bansa. Bukod sa kanilang canning business ay may stake din ang mga Kleins sa paggawa ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng toyo, suka, ketchup, oyster sauce, at marami pang iba.Nang maupo kami ay siniguro ni Stephan na mailayo ako sa side ni Ryan kaya naman katabi ko sa pag-upo si ginang Carol. Sa edad na halos singkwenta-anyos ay parang nasa late 30s lang ang hitsura nito. Siguradong maalaga ito sa katawan dahil healthy-looking, makinis, at animo’y kumikinang ang balat nito.Mabait din ito at palangiti. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Naisip ko tulo
“Ryan, let’s break up.”“Huh?” Habang kumakain ako ng binili kong banana cue ay nagulat ako sa sinabi ni Diana, ang girlfriend ko.Ni hindi ko na nagawang nguyain pa yung kalahating saging na umuusok pa sa init. Sa pagkabigla ko ay nilunok ko na agad.“Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya habang pilit nilalabanan ang nakakapasong init sa dila ko.“Sabi ko, maghiwalay na tayo.” Tugon nya sabay abot ng binili kong stick ng hotdog. Tender Juicy, ito ang palagi nyang binabanggit na paborito nya. Kaya kapag may sobrang pera lang ako ay binibilhan ko talaga siya nito.Tulad ngayon. Banana cue para sa akin at hotdog on stick naman para sa mahal ko. Kung dati, excited siyang kainin agad ang binibigay ko, ngayon ay biglang wala siyang gana. Ni hindi man lang nya ito tinikman, bagkus ay isinauli pa sa akin.“Wait---- What? I mean… Why?”Alam kong meron akong mga pagkukulang. Hindi ako tulad ng ibang boyfriend na galante sa mga kasintahan nila. Wala pa kasi akong sapat na pera at kelangan ko pang
Diana’s POV “Goodbye, Ryan. I love you. Only you.” Mula sa maliit na siwang ng kurtina, pinagmasdan ko si Ryan habang naglalakad itong papalayo sa apartment. Pilit kong inuukit sa aking isipan ang malungkot nitong pigura at agad akong nakaramdam ng labis na dalamhati. Ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. Hinayaan kong umagos ang aking luha. Akala ko ay naubos ko na ang luha ko kahapon, pero may natira pa pala ngayon. Ewan ko lang kung magagawa ko pang makabangon mula sa pighating nararamdaman. Parang ang hirap. Parang imposible. Kung nahihirapan ako, paano na lang si Ryan? Pumasok ako sa mapayapa nyang buhay at ginulo lamang ito. He doesn’t deserve all of this pain. Bakit kailangang mangyari ito sa aming dalawa? Pareho lang naman kaming nagmahal ah? “Is he worth it?” I didn’t need to look back to know it was Jade. Jade, my childhood friend. My ever-loyal friend. “He is worth more than my everything.” I said under my breath. Last year, nang sinabihan ako ng aking pamilya n
Ryan’s POV Two days akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako lumabas. Ni hindi ako kumain. Ngayon ang ikatlong araw magmula nang iwan ako ni Diana. Ewan kung paano ko nagagawang bumangon pa rin at ipagpatuloy ang buhay. “Kring… kring…” As soon as I turned my phone on, pumasok agad ang maraming text messages. Karamihan mula sa mga professors ko sa art class, at ang iilan ay sa mga kaklase ko. Lahat ay nagtatanong kung anong nangyari sa akin at kung kelan ako babalik sa klase. “Kumusta na? Okay ka lang? Blah… Blah… Blah…” Hindi ko na binasa pa ang lahat. Wala ako sa mood. Nag-scroll down ako at hinanap ang pangalan ni Diana sa mga nagpadala ng mensahe. Baka naman, kasi, pero talagang wala. Wala ni isa man lang. Agad ko na namang naramdaman ang bigat ng dibdib. Ang realidad na wala na nga sa buhay ko si Diana. I was about to turn my phone off nang bigla itong nag-ring. May tumatawag. Si Manang Flor, ang may-ari ng pinapasukan kong food delivery and restaurant. “Mabuti naman at sinago
Diana’s POVIt has been three weeks since I left Dumaran. Wala namang masyadong nagbago sa buhay ko, maliban na lang sa mga gabing masyadong nami-miss ko si Ryan.Sa unang linggo ko nga sa bahay ay palagi akong pagod. Siguro sa dami ng dinadala kong bigat sa dibdib ay parang gusto na lang ng katawan ko na magpahinga.May napansin pa akong kakaiba sa katawan ko. Maliban sa pagod ay parang palagi akong nakakaramdam ng gutom. Nakaka-dalawang servings ako ng pagkain, minsan ay tatlo pa nga, pero ang masama, in between meals ay gusto ko na namang kumain ulit.Kaya lang hindi maaari ito. Mahigpit ang sinusunod na alituntunin ng pamilya namin pagdating sa pagkain. May tamang oras ang kada meal, at hindi rin pwedeng magpakabusog nang husto.Parte daw ito ng pagiging aristocrat ng pamilya Miller, at bilang ‘young lady of the house’ kelangan kong sumunod sa alituntuning ito.Buti na lang pumapasyal si Jade sa akin at palihim akong dinadalhan ng mga junk food at chocolates. Ito rin ang request k
Third Person POV “Krriinggg…” Agad sinagot ni Diana ang telepono pagkatapos niyang mabasa na si Jade ang tumatawag. “Jade, please help me.” Agad naiyak si Diana nang marinig ang boses ng kaibigan sa kabilang linya. “Sis, kagagaling ko lang sa inyo. Ano ba’ng nangyari? Totoo ba yung text mo?” Ang tanong ni Jade na halatang nagulat sa nabalitaan. “Oo, seryoso. Buntis ako, Jade. Dinadala ko ang magiging anak namin ni Ryan. Pero gusto ni Dad na magpa-abort ako. Nag-usap sila ni Dr. Martel and after three days, ooperahan daw ako. I don’t want to kill my baby, please Jade ikaw lang ang makakatulong sa akin.” Kahit umiiyak, pilit hinihinaan ni Diana ang boses dahil baka may makarinig na iba. Halos malunod ito sa sariling pinipigilang luha. “What the fuck Diana? I can’t believe it. Ano bang sabi ni Tita? Hindi man lang ba siya tumutol?” Tanong ni Jade. “No. Wala akong kakampi dito. Mom agrees with Dad. Plantsado na lahat. Kakilalang doktor daw ni Dr. Martel ang magsasagawa ng operasyo
Third Person POV“Okay. Everything is ready. From here on out, we’re on our own, Diana.”Jade turned off the phone at pinaharurot ang dalang sasakyan. May isang oras pa sila bago marating ang pier ng karatig bayan.Mabuti na lang at walang naging aberya sa daan. Habang nagbibiyahe sila ay umidlip sandali si Diana.Medyo madilim na ang paligid nang maalimpungatan si Diana sa pagyugyog ni Jade.“Diana, gising. Andito na tayo.”Nagpunas ng mata si Diana at inayos ang sarili. Daglian silang nagsuot ng sombrero at face mask bago bumaba ng sasakyan.Medyo matao ang lugar dahil nagkataong may long holiday at maraming pasaherong bumibiyahe pabalik sa mga probinsya nila.Magandang balita ito para sa kanila dahil madali silang makakahalubilo sa karamihan at mas mahirap silang mapansin kung mangyari mang may maghanap sa kanila.Pero habang nagbabayad si Jade ng ticket ay tumunog ang cellphone nito.“Shit!” Kinabahan si Jade nang mabasa ang text message ni Troy.“Ano’ng sabi?” Ang tanong ni Diana
Dianna’s POV--- Seven Years Later at Dumaran, Palawan port----Pagkadaong ng barko sa pantalan ay agad akong nakadama ng magkahalong saya at lungkot.Ibang-iba na kasi ang itsura ng lugar na ito; yung dating mga puno at luntiang tanawin ay napalitan na ng mga gusali. Dumami na rin ang mga tao. Wala na ang dating tahimik at mapayapang kapaligiran.Nanlumo ako nang mapagtanto na parang hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang napag-iwanan na ng panahon ang memoryang nakaukit sa aking puso.Kumusta na kaya si Ryan? Andito pa kaya siya? Hindi ko maiwasang mapaisip.I smiled bitterly and tried to push away such meaningless thoughts. Tapos na ang lahat, at inaamin kong sobrang nasaktan ko si Ryan noon. Malamang ay may sarili na rin itong pamilya.Katulad ko- pagkatapos ng mga unos sa buhay ay may sariling pamilya na rin- si Freslin ang nag-iisa kong anak.Magiliw kong tiningnan si Freslin, ang bibong bata na bunga ng isang gabing kapusukan namin ni Ryan. Ang kapusukang nagpabago