Share

The Billionaire's First Love Has a Secret Child
The Billionaire's First Love Has a Secret Child
Author: Jops Writes

Chapter 1

“Ryan, let’s break up.”

“Huh?” Habang kumakain ako ng binili kong banana cue ay nagulat ako sa sinabi ni Diana, ang girlfriend ko.

Ni hindi ko na nagawang nguyain pa yung kalahating saging na umuusok pa sa init. Sa pagkabigla ko ay nilunok ko na agad.

“Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya habang pilit nilalabanan ang nakakapasong init sa dila ko.

“Sabi ko, maghiwalay na tayo.” Tugon nya sabay abot ng binili kong stick ng hotdog. Tender Juicy, ito ang palagi nyang binabanggit na paborito nya. Kaya kapag may sobrang pera lang ako ay binibilhan ko talaga siya nito.

Tulad ngayon. Banana cue para sa akin at hotdog on stick naman para sa mahal ko. Kung dati, excited siyang kainin agad ang binibigay ko, ngayon ay biglang wala siyang gana. Ni hindi man lang nya ito tinikman, bagkus ay isinauli pa sa akin.

“Wait---- What? I mean…  Why?”

Alam kong meron akong mga pagkukulang. Hindi ako tulad ng ibang boyfriend na galante sa mga kasintahan nila. Wala pa kasi akong sapat na pera at kelangan ko pang magtrabaho ng iilang part-time jobs para lang makapag-aral ako.

Pero mabuti akong boyfriend. Maayos akong tao. At higit sa lahat, hindi ako yung tipo na nakikipaglaro lang.

“There’s no why, Ryan. Hindi lang tayo bagay.” Ang simpleng tugon nya.

“Putcha naman Diana. One year na tayong magkasintahan. Tapos yan lang sasabihin mo, ‘Hindi tayo bagay?’

“So, ano ang gusto mong marinig?”

“Yung totoo. At least yung maiintindihan ko.”

Something tells me, na hindi ko magugustuhan kung anuman ang sasabihin ni Diana. Muntik na akong panghinaan ng loob. Kumalabog ang dibdib ko na parang nabibingi ako sa lakas ng tibok ng aking puso.

May hinala akong masasaktan lang ako, pero ganyan ako eh. Gusto kong pagsabihan ako ng diretso.

“Yung totoo?! Huh!” Kinuha nya ulit ang stick ng hotdog mula sa aking kamay at padabog na itinapon sa lupa.

“Yan ang totoo, Ryan. I’ve been lying to you. Ang mga sinabi kong gusto at paborito ko, sinabi ko lang ang mga iyon dahil hanggang doon lang naman ang kaya mo. But the truth is, you are pathetic, poor and so way below my league.”

Para akong nabulunan sa narinig ko. Mapagkumbaba at mahinahon- ito ang pagkakakilala ko kay Diana. For the first time, ibang-ibang Diana ang kaharap ko.

“Ano, ha? Gusto mo pa? Ito. Ang akala mo, galing ako sa isang middle class family diba? Sabi ko, ang papa ko ay may munting negosyo at yung mama ko ay isang housekeeper. Naalala mo? Puwes, lahat din yun, hindi totoo. My family’s filthy rich, so rich, they could buy out our school in a heartbeat. This lousy street? Hah! My family can take all of this land and turn it into an entertainment hub, any time. That’s how rich my family is. Now, Ryan, tell me, do you understand why I said na hindi tayo bagay?”

Napailing lang ako at hindi makapaniwala.

“You’re lying, right?” A part of me was still hoping that Diana was just joking and that everything was nothing but an elaborate prank.

“No, Ryan. This is the real me, and Diana’s not even my real name.” Nang makita nya na talagang nagulat ako sa rebelasyon, hindi nito napigilang tumawa.

“I just told you. Everything is possible with money. Getting into a third-rate university under a fictitious name is never difficult for someone like me.”

After a good laugh, she sighed and seriously looked at me.

“I know you’re smart, Ryan. But sorry, hindi tayo magka-level. So do yourself a favor and forget about me. And also, I’m already betrothed to someone. I’m going back home to marry him. Don’t ever try to find me after today. This is goodbye.”

Pagkatapos nito ay tumayo na si Diana sa pagkakaupo sa tabi ko at nagsimulang maglakad patungo sa gilid ng kalsada.

“Bakit, Diana? Bakit ka pa pumayag na maging girlfriend ko kung hindi mo pala ako minahal?”

Hindi ko namalayan, umagos na pala ang luha ko dulot ng magkahalong poot at panliliit sa sarili.

Sandali syang tumigil at tumingin sa malayo.

“No reason. I just thought it was fun. Bagong experience, yun lang. Don’t flatter yourself, Ryan. It could have been anyone. Swerte mo nga at ikaw ang natipuhan ko.”

At muli syang naglakad papalayo sa akin. Parang dinurog ang puso ko. Pinulbos ng mga salitang iyon. So, swerte pa ako nito? Paano naging mapalad ang isang dukha na niyurakan na nga ang pagkatao nya, ay dinurog pa ang puso nang pinong-pino?

Natanaw ko ang isang magarang sports car na huminto sa tabi ng kalsada malapit kay Diana. Bumukas ang pinto ng driver’s seat at lumabas ang isang matangkad na lalaki na kulay ginto ang buhok. May kagwapuhan ito na pinatingkad pa ng suot nitong mamahaling damit.

“Nadia!” Ang magiliw nitong sabi sabay kaway kay Diana.

Nadia! Ito ba ang tunay na pangalan ni Diana?

Nakaramdam ako ng matinding kurot sa dibdib nang pumasok na si Diana sa loob ng kotse. Nanginginig ang kalamnan ko dahil gusto ko siyang pigilan, magmakaawa na h’wag akong iwan, pero parang naubos na ang lakas ko sa lahat ng mga natuklasan ko ngayong araw.

Napatingin ang lalaki sa may gawi ko. Nagkatinginan kaming dalawa. May kung ano sa mga titig nya na hindi ko mawari. Napabuntong-hininga pa ito at umiling bago pumasok muli sa loob.

Agad humarurot ang kotse habang naiwan akong nakatanaw sa papalayong imahe ng sasakyang lulan ang mahal ko. Ang matingkad at kumikinang-kinang na kulay ng kotse ay parang isang punyal na tumarak sa damdamin kong naghihingalo.

I just sat there the whole time like a frozen piece of wood. My mind was a total mess. I totally lost track of time.

Nagulantang na lang ako nang tumunog ang telepono ko. Noon ko lang napansin na madilim na pala ang paligid.

Si Diana! Baka siya ang tumatawag. Baka gusto nyang makipagbalikan. Baka nga naman nagbibiro lang siya kanina. Baka… Baka…

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang aking telepono. Agad akong nanlumo nang makita ko kung sino ang tumatawag. Si Jade. Ang kaibigang matalik at roommate ni Diana.

“H-ello.” Ang matamlay kong sabi.

“Ryan, pwede bang puntahan mo ako dito sa apartment?” ang diretsong tugon ng nasa kabilang linya.

“Jade, andyan ba si Diana? Pwede ba siyang makausap?” Nagbabakasakali kong tanong.

“Sorry, Ryan. Wala na dito si Diana. Umalis na siya, pinauwi na ng mga magulang nya.” Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga bago nagpatuloy. “At h’wag mo na siyang hahanapin. Hindi na siya babalik pa.”

Nanlumo ako at naramdaman kong gumuho ang mundo ko, kasama na ang mga pangarap na binuong kasama siya at ang pag-asa ng masayang bukas.

“Ano pa ang silbi kung pupunta ako d’yan, kung nakaalis na pala siya?”

Matagal na natahimik si Jade bago muling nagsalita.

“Alam kong nasaktan ka, Ryan. Bukas, aalis na rin ako. Hindi na tayo magkikita. Wala ka bang gustong malaman tungkol kay Diana? Kung wala pala, ay…”

“Wait. Jade, pupunta ako dyan. Hintayin mo ako.”

--------

Ilang bote na ng beer ang naubos namin ni Jade. Nang dumating ako sa apartment na inuupahan nila ni Diana ay may nakahanda nang inumin.

Gulong-gulo ang isip ko. Ang dami ko pang nalaman tungkol kay Diana mula kay Jade. Pareho pala silang dalawa na galing sa mayamang pamilya. Magkababata sina Jade at Diana. Si Diana ay unica hija ng kanyang pamilya at matagal nang nakatakdang ikasal sa isa sa pinakamayamang binata sa kanilang lugar.

Hindi ko ugaling maglasing, pero ngayon ay nais ko talagang mawala sa aking sarili. Hindi ko na mabilang ilang beses akong napaiyak, lalo na nang mapansin ko na wala na ngang natitirang bakas man lang naming dalawa ni Diana sa loob ng kwarto nito.

Ang mga litrato namin sa ibabaw ng cabinet, ang mga regalo ko na mumurahing stuffed toys na dati ay nasa kama nya. Wala na ang mga ito.

Kahit na pinigilan ako ni Jade ay pilit kong pinasok ang kwarto ni Diana dahil hindi ko lubos maisip na talagang iniwan na nya ako.

“Itinapon na lahat ni Diana.” Ang maikling sabi ni Jade sa akin.

“Bakit? Bakit, mo ginawa sa akin ito Diana? Bakit?” Sa labis na dalamhati at kalasingan ay tuluyan nang umikot ang paningin ko kasabay nang pagdilim ng aking paligid.

----------

Naalimpungatan ako sa langitngit ng umuugang kama. Kasabay nito ang isang mahinang ungol ng isang babae.

Babae?

Mula sa mahinang ilaw ng lampshade sa tabi ng kama, napagmasdan ko ang ganda ng babaeng nakatitig lang sa akin nang buong pagmamahal habang magkasugpong ang aming mga katawan.

“Diana, ikaw ba yan?” Agad umagos ang luha sa aking mga mata. “H’wag mo akong iwan, please?”

Tumango siya at dumampi ang kanyang mapupulang labi sa aking bibig.

“Oo, Ryan. Hindi kita iiwan. Iyung-iyo ako ngayong gabi.” Ang sabi pa nya.

Naiyak na ako nang tuluyan dahil naisip ko na imposibleng mangyari ito. Lasing ako at panaginip lang ito.

Pero, kahit panaginip lang, hindi ko nais na matapos pa ang gabing ito.

Niyapos ko siya nang sobrang higpit. Naramdaman ko rin ang sobrang init ng katawan ko. Para akong sinisilaban. Kusang kumilos ang aking katawan. Sumasabay ito sa pagtaas-baba ni Diana sa akin.

Bawat galaw nya ay sinasalubong ko. Papalakas nang papalakas ang salpukan ng aming mga katawan.

Nakakaakit ang kanyang ganda. Ang hubog ng kanyang katawan, ang kinis ng kanyang kutis, ang liit ng kanyang bewang, at ang nakakabaliw na boses nyang dumuduyan sa aking kamalayan.

Nagmarka ang lahat nang ito sa aking isipan. Ang gandang panaginip naman nito.

At nang sabay naming narating ang r***k ng kaligayahan, lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang inaasam kong marinig muli.

“Mahal kita, Ryan. Ikaw lang.” Umagos mula sa gilid ng kanyang mga mata ang masaganang luha na pumatak sa aking pisngi.

“H’wag kang umiyak, mahal ko.”

Paulit-ulit ko siyang pinapatahan, habang magkayakap kami. Ayaw ko pa sanang matapos ang panaginip na ito. Pero dinalaw na ako ng antok dulot ng pagod at kalasingan.

_____

Umaaray ako sa sakit ng ulo nang magising kinaumagahan. Napabalikwas ako nang maalala ko ang panaginip ko kagabi. Sa sobrang linaw ay parang totoo.

Bumilis ang pintig ng puso ko nang mapansin kong wala akong suot na damit sa loob ng kubre-kama.

“What the? Totoo ba lahat yung nangyari kagabi?”

Then, napansin ko ang bakas ng dugo sa bedsheet.

Si Diana nga ba yung kasiping ko kagabi?

“Diana?!” Napasigaw ako at nagkukumahog na pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig. Para akong tinurukan ng adrenaline sa aking mga ugat. Walang pagsidlan ang aking saya.

“Diana? Nasaan ka? Dianaaaaaaa!” Sigaw ako nang sigaw. Halos matumba ako dahil sa pagmamadali kong maisuot ang aking damit.

Tama nga ako, hindi ako magagawang iwan ni Diana dahil tunay na mahal nya ako.

Biglang pumihit ang hawakan ng pintuan ng banyo. Ang kwartong ito ni Diana ay may kasamang private bath. Bakas sa mukha ko ang galak at pagkasabik na masilayang muli ang mukha ni Diana. Nakapako lang ang tingin ko sa nakasaradong pinto. Ang dami kong gustong sabihin sa mahal ko.

At nang tuluyan na ngang bumukas ang pinto ay naiwan sa dulo ng dila ko ang lahat ng gusto kong sabihin.

“J-jade? How? Why?” Parang umikot ang mundo ko.

Si Jade ang katalik ko kagabi?

Basa ang buhok ni Jade at ang katawan nya, nakatapis lang ng tuwalya. Nakakunot ang noo nito at madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Jade, si Diana?” Tanong ko.

“Baliw ka ba? Tayong dalawa nga lang dito.” Inis na naglakad ito at inayos ang magulong kama.

Nang makita nito ang marka ng dugo sa bedsheet ay mas lalong kumunot ang noo nito.

“Did we…?” Kahit halos sigurado akong may nangyari nga sa amin ni Jade kagabi ay hindi ko pa rin maiwasang magtanong.

“Yes, we did.” I heard her flat voice.

“We were drunk. You were so sad. I was kinda sympathetic so it happened.” She added.

“The blood... Was it your first time?” I managed to ask, then instantly regretted it.

If her looks could kill, I would have died more than a hundred times already.

“Pwede ba Ryan, bilisan mong magbihis? And get out of the house. Gusto kong mapag-isa!”

I didn’t know how I got out of the house. Para akong hilo sa mga nangyari. Pero bago ako umalis ay tinitigan kong maigi ang buong bahay, pilit na inaalala ang mahal kong si Diana. 

Isang taong pagsasama, naglahong parang bula.

Perhaps, this is really goodbye. Naglakad ako papalayo na parang buhat-buhat ang buong mundo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status