Share

CHAPTER 4: LOVE AND LIES

PAGSAPIT NG TANGHALI ay naabutan niyang hawak ni Lucia ang baked macaroni na pinaghirapan niyang gawin ngunit hindi man lang natikman ni Noah.

“M-Manang Lucia!” tawag niya habang nakatitig sa hawak ng ginang. “Saan niyo po dadalhin 'yan?"

“Ibibigay ko na sana—“

“’Wag na lang po!” pigil niya agad.

Parang biglang nagbago ang isip nito nang makaramdam siya ng konting kirot sa dibdib habang nakatingin sa pagkaing pinaghirapan niyang gawin.

“Akin na po, para sana ‘to kay Noah. Kumuha na lang po kayo ng dalawang tub ng ice cream sa fridge para maging dessert ninyong lahat.”

“Gano’n ba? Pero hindi naman mahilig si Sir Noah sa mga mamantikang pagkain,” saad pa ng katulong.

Alam niya naman iyon kaya nga sinigurado niyang katamtaman lamang at hindi nakakaumay ang timpla nang hinanda niyang baked macaroni. Sinadya nga nitong olive oil ang gamitin dahil gusto nitong ma-appreciate ng asawa ang niluto niya at hindi ito maumay mula sa sobrang mantika.

“Kakainin niyo pong mag-isa lahat, Ma’am? Pero hindi niyo mauubos ‘yan,” hindi makapaniwalang tanong ni Lucia.

“Kaya ko po,” ani Nicole.

“Kung ibigay na lang kaya natin ang kalahati sa iba, Ma'am?” agap pa nito.

“Ayoko po!" mabilis niyang sagot.

Wala itong nagawa kung hindi ibigay sa kaniya ang hawak kahit mahahalata sa mukha ng ginang ang pag-aalala. Mas pinili rin nitong huwag na lamang umimik hanggang makabalik siya sa kwarto nilang mag-asawa.

“‘Yung pagbibigyan ko nga mapupunta na sa iba pati ba naman ‘tong baked macaroni na pinaghirapan ko ipapamigay rin?” litanya niya saka hinayaang lumandas sa mga pisngi ang luha.

Nilapag niya sa table ang hawak at inumpisahan iyong kainin. Uubusin niya ito kahit na anong mangyari, kahit siya iyong tipo ng taong mabilis mabusog kahit sa tubig lamang.

“’Wag ka sanang maging iyakin tulad ko, baby,” kausap niya sa anak. "Dapat maging strong ka kahit na anong mangyari dahil hindi na natin makakasama ang daddy mo oras na lumabas ka,” hikbi pa niya kahit punong-puno na ang bibig ng pagkain.

Sinubukan niyang lunukin ang laman ng bibig ngunit bigla siyang naubo. Nagmamadali itong pumanhik at nagtungo sa banyo para sumuka.

Nawala sa isipan nitong may allergy siya sa dairy products tulad ng cheese. Imbes na kumalma ay mas lalo tuloy siyang naiyak sa sinapit.

Buti na lang talaga at handa siya sa ganitong bagay. Nakapagpa-konsulta na siya nang maaga sa doctor kung anong gamot ang pwede niyang inumin na hindi makakaapekto sa batang dinadala.

Matapos bumuti ang pakiramdam ay minabuti niyang lumabas muna para magpahangin. Ramdam nitong kailangang-kailangan niya ng oras para mapag-isa dahil numero unong ipinagbawal ng doctor sa kaniya ang stress.

Hindi naman pwedeng madamay ang batang dinadala niya sa kung ano mang pinagdadaanan nilang dalawa ni Noah, lalo na't ito na lamang ang nag-iisang kayamanang mayroon siya.

Ayaw na nitong abalahin ang family driver kaya mas pinili niyang magmaneho na lamang. Nagawa na nitong mapuntahan lahat ng mga kilalang cafe malapit sa tinutuluyan nilang mag-asawa kaya minabuti niyang puntahan ang sweet korean cafe na trending ngayon sa social media.

Hindi inabot ng isang oras ang biyahe at narating niya ang destinasyon. Bahagya pa siyang napangiti matapos maiparada ang sasakyan sa hindi kalayuan.

Ngunit hindi pa man ito nakakapasok sa cafe ay bigla na lamang itong nasemento sa kinatatayuan.

"Noah?"

Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili ngunit mas lalo lamang gumuho ang mundo niya nang makita ang asawang nakangiti na para bang may hinahanap.

Mabigat ang mga yapak siyang bumalik ng sasakyan hanggang sa napaluha na lamang siya.

Bakit kailangan nitong magsinungaling?

Bakit nagkunwari pa itong may business conference ngayong makikipagkita lang naman pala ito sa dating nobya?

MINABUTI niyang bumalik ng mansyon dahil alam nitong mas lalo lamang siyang masasaktan oras na makita nitong magkasama ang asawa at ang babaeng minahal nito ng mahabang panahon.

'The one that got away,' Iyon pa nga ang tawag ni Noah kay Ella noon.

“Nakabalik na nga talaga siya,” mapait na lamang siyang napangiti saka napabuntong-hininga.

Minsan niya lang itong nakita ngunit hindi na kailan man naalis sa alaala niya ang babae.

Dahil sa hitsura at social status pa lang ay wala na siyang panama. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit sumuko na lamang siyang ipaglaban ang dalawang taong pinagsamahan nilang dalawa ni Noah.

Ano nga ba namang laban niya kay Ella?

Siya nga ang asawa pero hindi naman siya ang mahal.

Mas mainam na rin sigurong hindi nito nasabing buntis siya at baka mas lalo lamang siyang masaktan kung ito pa rin ang pipiliin ni Noah kahit magkaka-anak na silang dalawa.

Hindi nagtagal ay muli na naman siyang naiyak. Epekto marahil ng pagbubuntis kaya lagi siyang emosyonal.

Paano niya kaya maiiwasan ang stress kung ito naman ang habol nang habol sa kaniya?

Nang mapagod sa pag-iyak ay naligo siya para maalis ang panlalagkit ng katawan. Pagkatapos matuyo ang buhok ay agad siyang ginambala ng isang phone call.

Tiningnan niya kung sino ang caller at nagtaka kung bakit tumatawag si Miguel, ang matalik na kaibigan ni Noah.

“Hello?”

“Hello, Nicole. Pwede ka bang bumaba dito sa sala? Si Noah kasi lasing na lasing. Ayoko namang isama sa pauwi dahil hindi naman siya chicks. Tutulungan na lang kitang dalhin siya sa kwarto ninyong mag-asawa.”

Nagmamadali siyang bumaba kahit nagtataka pa rin kung bakit ang dalawa ang magkasama sa halip na si Ella.

Impossible naman yatang sa isang sweet Korean cafe nagkita ang mga ito dahil kung pagbabasehan ang tamis ng ngiti ng asawa, alam niyang hindi iyon magagawa ni Noah para sa isang kaibigan lamang.

Ilang pulgada pa ang layo nito sa dalawa ngunit nananakit na ang kaniyang ilong mula sa pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo.

Sa paglapit ay tinaasan pa siya ng kilay ni Miguel. “Look at how wasted he is, Nicole. Makakalbo yata ako nang wala sa oras dahil sa asawa mo!"

Binalewala niya ito at tiningnan ang natutulog na asawa. Nakahalukipkip ito at de-kwatrong upo sa sofa.

Mukha pa ring matinong tingnan si Noah kahit lasing. Kung pwede niya nga lang i-describe ang itsura nito ay isa lang ang masasabi niya… perfect.

“Ano bang nangyari at nag-inuman kayong dalawa? Saka, nasaan si Ella? Hindi ba't silang dalawa ang magkasama ni Noah kanina?” sunod-sunod na tanong niya kay Miguel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status