Lumipas ang dalawang araw at hindi na mapakali si Beatrice. Mag-iisang linggo na ring hindi pumapasok sa kompanya at naging usap-usapan na ito sa buong kompanya. Naghintay siya ng dalawang araw dahil baka sakaling pumasok si Blaze pero mukhang wala na talaga itong balak bumalik pa. “Magpapakamatay ba siya?” inis niya ng saad, mabilis siyang napatayo sa kinauupuan niya ng maalala niya ang sinabi noon ni Blaze. He wants to follow Eilish. “Damn it! You idiot.” Anas niya saka kinuha ang bag at lumabas na ng kompanya. Nalaglag pa ang hawak niyang susi dahil sa nararamdaman niyang panginginig. Bakit nga ba ngayon niya lang naisip na maaari nga niyang isiping magpakamatay dahil sa mga problema niya. “Kapag nagpakamatay ka talaga, ako mismo papatay sayo. Bwisit.” Wika pa niya saka mabilis na pinatakbo ang sasakyan ng makuha niya na ang nalaglag niyang susi. Wala na siyang pakialam kung over speeding na siya dahil mas ramdam niya ang takot sa didbib niya kapag naabutan niyang wala ng buhay
“Pinatay na kita dati kaya papatayin uli kita......Eilish.” anas niya sa sarili at umalis na sa pinagtataguan niya. Tiningnan niya kung nasa labas pa ba ang kotse ni Beatrice pero wala na. Nanlilisik ang mga mata niya dahil sa galit. Pabagsak niyang isinarado ang pintuan ng kotse niya saka ito pinaandar.Mahigpit ang hawak ni Beatrice sa manubela niya at nanlalabo rin ang paningin niya dahil sa mga luha niya. Paulit-ulit sa isipan niya ang lahat ng sinabi ni Blaze pero ayaw iyung paniwalaan ng puso niya. Ayaw niya ng masaktan sa pangawalang beses.Aminado siyang nag-aalala talaga siya ng sobra. Masaya siyang nahulog sa bitag niya si Blaze pero para bang hindi lang si Blaze ang nahihirapan ngayon dahil maging siya ay nahihirapan na rin.“Maling mali na bumalik pa ako rito. Maling-mali.” Anas niya, tinungo niya na ang daan patungong bahay niya. Hindi siya pwedeng dumiretso sa kompanya dahil basa siya. Sa tingin niya rin ay hindi na siya makakapagtrabaho pa ng maayos.Nang makauwi siya
“Anong ginagawa natin dito?” tanong niya kahit saan niya tingnan ay puro nitso ang nakikita niya. Hindi naman sumasagot sa kaniya si Blaze, nagpatuloy lang ang pagdadrive niya hanggang sa makarating sila sa isang malinis na lugar. Naunang bumaba si Blaze pero nanatiling nasa loob ng sasakyan si Beatrice dahil nagtataka siya kung bakit sila nasa sementeryo. Ang akala ba niya ay may ipapakilala sa kaniya si Blaze pero bakit sa sementeryo? Nagulat na lang siya nang buksan ni Blaze ang pintuan niya. “Ano bang ginagawa natin dito? Bakit dito mo ako dinala?” “Just follow me, wala akong gagawin sayo.” wika niya, bumaba naman siya. Nang hawakan siya ni Blaze sa kamay ay hinayaan niya na iyun. Inilibot niya ang paningin niya at silang dalawa lang ngayon ang nasa sementeryo dahil hindi naman araw ng mga patay para dumalaw dito. Nagpatangay na lang si Beatrice hanggang sa makarating sila sa isang puntod na may bago pang lagay na mga bulaklak. Tila ba araw-araw itong may bisita. “Sinabi ko s
Nilalaro ni Beatrice sa mga kamay niya ang hawak-hawak niyang ballpen. Salubong ang mga kilay, iniisip kung ano ba talaga ang purpose ng pagbabalik niya? Maging siya ay mas lalong nalito. Imposible namang gagawa lang ng kwento si Blaze gayong hindi niya naman alam na si Eilish ang kausap niya, imposibleng magsisinungaling siya sa taong nagngangalang Beatrice?“Ano ba talaga ang totoo? Ano ba talagang nangyari? Ano ang hindi ko alam?” naguguluhan niyang tanong sa sarili niya. Ilang araw ng gumugulo iyun sa isipan niya pero wala siyang makuhang sagot.Simula ng mangyari ang pangyayari sa sementeryo ay hindi na siya nakatulog ng maayos dahil oras-oras iyun ang tumatakbo sa isip niya.“Wala ba talagang kasalanan si Blaze? Hindi ko na alam kung anong dapat kong alamin. Saan ba dapat ako magsisimula?” napasabunot na lang siya sa sarili niya dahil kahit anong gawin niya walang sino man ang makakasagot sa mga tanong niya.Napaayos siya ng upo at inayos ang nagulo niyang buhok ng maalala niya
Habang abala si Beatrice sa trabaho niya sa kompanya ay narinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Kinuha niya ito para basahin ang mensahe. Napakunot na lang ang noo niya ng number ni Blaze ang nakarehistro. [Can you go here? I really need you Beatrice. Please.] basa niya sa message mula kay Blaze. “Ano bang problema nito? Bakit hindi ang asawa niya ang tawagan niya para puntahan siya? tsss.” Ibinaba niya na ang cellphone niya at muling ipinagpatuloy ang ang ginagawa niya nang muli niyang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Hindi niya na sana ito papansinin pero nabibingi na siya sa paulit-ulit nitong pagtunog kaya inis niyang kinuha ang cellphone niya. [Please I need you. I want to see you for the last time. Kahit ngayon na lang, ito na ang huling kukulitin kita. I promise.] napairap si Beatrice dahil sa mga sinasabi ni Blaze sa text. “Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo na akong idamay!” inis niyang sigaw saka ibinaba ang cellphone. Kunot noo na siyang nakatingin ngay
“Hayop ka, ginawa mo yun sa sarili mong kapatid?!” halos gusto niya ng sumabog sa galit pero hindi siya makakilos dahil sa nguso ng baril na nakatutok sa kaniya. Gusto niya ng sugurin ang kapatid niya pero hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya kapag itinuloy na paputukin ni Camilla ang hawak niyang baril.“Oo, nagawa ko yun dahil sa pagmamahal ko kay Blaze.”“Pagmamahal? Paano mo nagawang magtiis sa kaniya ng ganiyan katagal kung ikaw ang boyfriend niya?” baling niya sa lalaking nakatayo lang sa gilid.“Para sa anak namin, para sa magandang kinabukasan ng anak namin.” kibit balikat niya lang na saad. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Beatrice. Anak? Kung ganun ang binabanggit niya ay si Khian?Si Khian lang naman ang tanging anak ni Camilla.“Paano mo nagawa ang lahat ng ito, Ate? Magkapatid tayo pero bakit mo ako nagawang patayin? Paano mo nagawang sirain ang pamilya ko?!”“Pamilya mo na dapat ay akin Eilish! Nagpursigi ako sa ibang bansa, dalawang course ang kinuha ko para
Nakarating silang dalawa sa pinakamataas na lugar nanaman kung saan palaging pinupuntahan ni Blaze. Pareho silang tahimik, nasa labas ng kotse si Blaze at nakapamaymang ang dalawa niyang kamay habang nasa malayo ang tingin niya.Napabuntong hininga si Beatrice at hindi alam kung paano sisimulan ang pag-uusap nilang dalawa ni Blaze. She lied to everyone especially to her husband. Lumabas siya ng kotse at nagtungo sa ilalim ng puno ilang metro lang ang layo mula kay Blaze.Paano ba niya sasabihin ang lahat, imposibleng hindi narinig ni Blaze ang lahat ng pag-uusap nilang dalawa ni Camilla. Muling tiningnan ni Beatrice ang mukha ni Blaze at blangko lang itong nakatingin sa kung saan, nagtataka rin siya kung paanong napapunta ron si Blaze.Alam na ni Camilla ang lahat, tungkol sa pagkatao ni Beatrice at kahit na alam niya na ang katotohanan hindi pa rin siya nagdalawang isip na muling ipapatay ang sarili niyang kapatid. Hilaw siyang natawa sa isipan niya, ang taong sumira ng buhay niya ay
“Anong klaseng kapatid ba meron ka? How about Blaze? is he okay?” umiling naman si Beatrice.“I don’t know. Hindi ko napansin na may tama pala siya ng bala.” Pagod niya ng aniya.“Magpahinga ka na muna, go and clean yourself then rest. Don’t worry about your son, he’s with Jayson.” Napatango-tango na lang siya at naglakad na paakyat ng kwarto niya. Dumiretso na siya ng banyo para makaligo at malinis niya ang sarili niya.Nang matapos siya ay napansin niya ang cellphone ni Blaze na kinuha niya kanina sa warehouse. Paanong nakuha ito ni Camilla kay Blaze?Naupo siya at binuksan ang cellphone, wala itong lock kaya mabilis niyang nabuksan. Tiningnan niya naman sa message pero walang masyadong message dun. Tiningnan pa niya ang ilang apps hanggang sa mapansin niya ang isang tila diary app na may lock.Sinubukan niya ang birthday ni Blaze pero hindi pa rin bumukas. Ang anniversary nila ni Camilla pero hindi pa rin, sinubukan niya ang anniversary nila dati pero hindi rin. Wala na siyang mais