Share

Chapter Three

I woke up the next day feeling light headed. Ilang beses din akong gumising to check Mr. Montreal's situation. Nang makabangon ay doon ko lamang natanto na wala na si Mr. Montreal sa kanyang kama. I looked at the big clock on the wall. Alas nuebe na pala!

Lumabas ako sa silid at ang unang sumalubong sa akin ay ang napakalawak na sala. Hindi ko 'to masyadong napagtuunan nang pansin kagabi dahil okupado ang utak ko. Sobrang laki ng condo na 'to. Sala palang pero triple ata ang laki sa boung bahay na namin.

Naglakad ako at hinanap ang kusina dahil may naaamoy akong masarap na luto. When I finally found the doorway of the kitchen, I saw Mr. Montreal on a table. Wala nang swero na nakakabit sa kanya kaya malaya siyang naghihiwa ng ingredients.

He probably felt my presence so he raised his head and met my eyes. Admittedly, ang gwapo ng lalaki. Ayokong magpaka ipokrita, legit na gwapo siya. Bagsak ang itim niyang buhok na tila nagpapaamo sa mukha niya. His brows are perfectly shaped. Parang kilay is life. His eyes are dark in color, tila kapag tumitig ka ay malulunod ka. I like how pointed his nose is, hindi OA sa tangos. His lips looks luscious too. Upper look palang, busog ka na. Ano nalang kung pati katawan pa?

"Done examining me?" Tanong niya.

I rolled my eyes. "Duh." I whispered. "Sabi ng doktor 'wag kang masyadong gumalaw-galaw muna." Sabi ko at tiningnan ang ginagawa niya.

"I'm used to eating breakfast. I waited for you to wake up and cook me one but you're snoring like a cow."

Inirapan ko ang lalaki. "Mukha ba akong katulong?"

"But you're my mistress now. You should atleast cook for me."

"Who told you I said yes to being your mistress?" Tanong ko. Ang aga-aga napapa-english ako. Bakit ba ang englishero ng mga mayayaman. Nadala ako!

"You stay with me all night so I guess it's a yes?" Sabi ng lalaki at nagsimulang maghalo-halo ng mga hiniwa niyang carrots, pipino at lettuce.

"I stayed because my conscience can't bear leaving you alone. Duh. Wag advance mag-isip," nang-aasar na sabi ko.

"Wonder why I want you to be my mistress?" Tanong ng lalaki.

I rolled my eyes on him. "Not interested."

"Stop rolling your eyes, will you?" 

"Inaano ka ng mata ko?" Supladang tanong ko.

"Whenever you roll your eyes, I can't help but think of you under me while I thrust hard. You know, some women roll their eyes because of too much orgasm."

My mouth parted. I looked at him unbelievably. "Bastos!" I yelled. Ang sarap batuhin ng tasa na nasa harap ko.

"What?" Patay-malisyang tanong ng lalaki. "I was just explaining why I want you to stop rolling your eyes."

Kumibot-kibot ang labi ko. Parang ang sarap niyang murahin pero ayoko namang masira ang araw ko at magmumukha lang akong pikon.

"I have to leave," sabi ko na lamang.

"Name your price," biglang sambit ng lalaki.

"What?"

"Be my mistress. In behalf, I'll pay you. Kahit magkano. Just be my mistress and make my wife broke up with me. "

"Didn't I tell you that I refused to be your toy? Ayoko. Wag ako," sabi ko at bumalik sa kwarto para kunin ang bag ko. Hinanap ko ang daan palabas. 

When I finally found the way out and found the elevator, muntik na akong maloka nang makitang nasa 120th floor pala kami. Argh! 

I entered the elevator. Buti nalang wala pang tao. Ni hindi man lang ako nakapaghilamos. While inside, nag book ako ng Grab Taxi. 

Nakakainis! Ang lakas maka-badtrip ng araw ang lalaking 'yon. Ayaw niya talaga tigilan ang pag-offer na maging kabit niya. And may pa name-your-price pa! 

Pagkalabas ko ng building ay may mangilan-ngilang napatingin sa akin. I know what's running on their mind.

Anong ginagawa ng isang dukhang katulad ko sa lugar na nagsusumigaw ng karangyaan. 

I waited for the taxi that I booked and when it finally arrived, pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Para akong na-drain bigla pagkaupo ko sa taxi.

I arrive home after an hour dahil sa traffic. Sobrang tahimik ng bahay. Nakakapagtataka. Usually by 10, nasa bahay na si mama. Madalas 'yun magpatugtog kapag umuuwi. She'd play Victor Wood songs all the time kaya nga pakiramdam ko ay namimiss niya si Papa kasi paboritong tugtugin niya 'yon.

Pumasok ako sa loob at dumiretso sa banyo para maligo. Ang lagkit-lagkit ng pakiramdam ko. Nang matapos sa pagligo at pagbihis ay lumabas ako ng kanto para bumili ng pares. Kailangan ko ng mainit na sabaw para kalmahin ang sarili ko.

I was eating my breakfast while watching k-drama on my phone when it suddenly rang. Tumatawag si mama which she normally don't do kaya mabilis na sinagot ko 'yon.

"Ma? Nasaan ka?" Tanong ko.

I didn't hear her voice. Bagkus ibang boses ang narinig ko.

"Anak ka ba ni Marigold?"

Napatayo ako. Hindi ko alam pero binalot ako ng kaba.

"Sino 'to? Nasaan ang mama ko?"

My phone fell on the floor after hearing what the man said. Pakiramdam ko nabingi ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang cellphone. Hindi ako makapagsalita. Tila may bikig ang lalamunan ko. Sunod- sunod na pumatak ang luha ko.

"B-baka n-nagkakamali l-lang p-po kayo," sabi ko.

"Pasensya na hija, alam kong mahirap itong tanggapin. Pumunta ka nalang dito para maasikaso mo ang labi ng mama mo."

Napasalampak ako sa sahig. Lord, Hindi naman siguro si mama 'yon diba? Baka nagkamali lang ang mga police. Baka ibang katawan 'yon tapos nilagyan lang ng identification card ni mama.

May biglang kumatok sa pinto ng bahay namin tapos pumasok agad. When I looked at who it was, pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi.

"Rafael..."

"Amarah, I saw some photos circulating on social media. H-hindi n-naman si Tita 'yon diba?"

Napahagulhol ako bigla. Rafael went near me and pulled me for a hug. Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng ulo. 

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa crime scene. Tila nagpaanod lang ako sa tulong ni Rafael. Nang marating namin ang maputik na lote, napakaraming tao. May mga pulis na nagbabantay sa kordon. Nanginginig ang mga paang humakbang ako palapit. Sinubukan akong pigilan ni Rafael but I insist.

And then I saw her. I saw my mom's lifeless body. She was completely naked. Her hands and feet are tied. Her eyes are wide open. Kitang-kita ko din ang napakaraming saksak sa dibdib niya. 

"M-ma," pagtawag ko. "Mama!"

I don't know what to feel. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Sino ang may gawa nito? Why did they do this to my mom? And why are the police letting the people take some pictures? Hindi ba nila alam ang salitang respeto?

"M-ma," pagtawag ko. Sinubukan kong lumapit sa bangkay but the police was fast enough to block my way. Hindi ko pa daw pwedeng lapitan dahil baka ma-contaminate ang crime scene. Hindi ba nila ako naiintindihan? I want to see my mom! I want to get near her! Baka prank lang 'to. Baka naasar lang siya kasi nag walk-out ako kagabi.

"Amarah,  let the police investigate first," sabi ni Rafael at hinila ako. 

But I want to be with mama.

I was crying so hard while trying to reach for my mom but Rafael was strong enough to pull me away.

I felt him hugging me tightly. "Kalma ka muna."

Sinubukan kong magpumiglas ngunit malakas siya. I keep on crying while calling my mom hanggang sa pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Ang sikip-sikip ng dibdib ko.

"Amarah! Amarah!"

Naramdaman ko ang pagtapik ni Rafael sa pisngi ko kasabay nang paglambot ng tuhod ko. I can't breath. Sa tuwing naiisip ko ang itsura ng bangkay ni mama ay para akong dinadaganan sa dibdib.

"Give some space!"

"Medic!"

"Paypayan niyo!"

"Amarah, wake up!"

I closed my eyes. Parang gusto kong magpakain sa dilim. I want to sleep. Baka sa paggising ko, panaginip lang ang lahat ng 'to. I cannot bear this kind of scene. Hindi ko kakayanin. 


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status