C4NAKAILANG minuto ng wala si Heart sa paningin ni Lux ay hindi pa rin niya magawang i-abante ang sasakyan.He looked like a fool who was staring at the restaurant's door with an invisible Heart in his imagination."Daddy," Lush said behind him and so he looked in the mirror, "Mommy's inside.""Yeah," natatawa siya sa sa sarili na kailangan pa siyang paalalahanan ng anak niya at gisingin mula sa kanyang katangahan.Hindi niya rin alam kung bakit siya in love na in love kay Heart. Ganun din naman siya kay Diana noon pero kailanman ay hindi niya ginawa kay Heart ang mga bagay na ginagawa niya kay Diana noon, tulad ng pakikipagmatigasan kapag nag-aaway sila.Well then, Heart had always been so good to him from the start. Anong lakas naman ng loob niya kung babastusin niya ang isang babaeng mula umpisa ay pagpapahalaga at pagmamahal ang ibinigay sa kanya.And those three years of being in a relationship had been so easy and smooth."Move the car, Daddy," utos sa kanya ni Lush kaya naman s
C5HUMAHANGOS na dumating si Lux sa restaurant, nagmamadali. Itinulak nun ang pintuan kahit na may gwardiya naman na tagabukas. Tulad na tulad ito ni Vandros at halos magkasunuran lang dalawa ng isang pilik-mata.Tumayo siya mula sa counter at naglakad para makapag-usap sila sa may opisina ni Vandros."Sorry, baby," agad na hingi ng paumanhin ni Lux sa kanya, hinila siya sa braso pero ewan ba niya kung bakit parang ang tamlay na niya.Mula nang marinig niya ang salitang hindi naman siya ang asawa nito, para na siyang sinaksakan sa leeg ng punyal.Niyakap siya ni Lux, "Sorry talaga. Di ko nakita yung tawag mo.""Okay lang," matabang na sagot niya pero hindi naman ito ang ipinagngi-ngitngit ng kanyang kalooban.Kanina ay nagkukwentuhan sila habang inaayos ng mga abogado ang papel nila. Nakaramdam siya ng inggit sa dating waitress ng Macho. Napaka-successful na ng babae. Akala niya ay umaasa lang yun sa boyfriend na mayaman pero hindi pala. Tumama raw iyon sa Lotto ng bilyong halaga kay
C6NAKANGITING bumaba si Heart sa sasakyan nang makita na sumasalubong na kaagad si Carmenzita sa kanila.Wala siyang imik kanina pa, mula ng sunduin siya ng mag-ama niya sa restaurant. Tulog na si Lush sa kandungan niya at maagap na kinarga ni Lux, na nakikiramdam sa kanya kanina pa.Pamasid-masid ito at sa takot siguro na magtopak siya ay hindi na lang din umiimik. Hindi rin naman kasi siya sumasagot kapag tinatanong siya kung anong mali. Hindi niya alam kung anong mali. Baka utak niya ang mali dahil kung anu-ano na naman ang sumasagi sa isip niya."Congratulations," ani Carmen sa kanya kaya napakunot noo siya. Nasa pinto pa lang sila ay parang excited ito na sobra sa kung anong bagay."Para saan po, Ma?" Tanong niya sa matanda, na inakay na siya matapos halikan si Lush sa noo."Well, sabi nitong asawa mo ay nakakuha ka ng kauna-unahang franchise ng Macho Cafe," sumulyap iyon kay Lux na pangiti-ngiti naman, "He was so proud of you, iha. He couldn't stop talking over the phone. Nagpah
C7LUMINGON si Heart sa sasakyan at ngumiti sa anak nila nang sumigaw si Lush."Bye, Mommy! Babyu, Mommy!" Pagkasabi nun ay isang flying kiss ang ginawa ng bata para sa ina."Bye, baby. I love you, too. Pakabait ka!" Anito kay Lush saka kumaway.Siya ay nanatiling nakatitig lang sa asawa hanggang sa mapabuntong hininga siya, nang tuluyan na iyong pumasok sa loob ng building ng eskwelahan. He feels so damn guilty for a crime he committed a long time ago, for bedding several women and that includes, Silvana Jones. But what he's more guilty about is that he wasn't able to tell Heart everything.Naghahanap pa siya ng tyempo na masabi niya. Kagabi ay may sumpong yun kaya ayaw niyang dagdagan pa.Hindi nito maalala na si Silvana ay nakilala na nila sa Albay nang pumunta sila sa isang isla. But that was so long ago. Buntis pa nun si Heart.Kung susumahin pala talaga ay halos apat na taon na silang naghihintay na ma-annulled siya. Ginawa na naman niya ang lahat. Ang hindi lang niya nagawa ay
C8HEART smiled when she saw Silvana enter the restaurant. Naka-uniform pa siya at hindi pa nagpapalit dahil dumiretso kaagad siya sa pagkakahera, matapos ang klase niya."Aiz," she nodded at her friend.Lumapit iyon kaagad sa counter para humalili ulit. Sinalubong niya si Silvana na seryoso ang mukha."Hi," aniya sa babae na tumango lang.Iginiya niya ito papunta sa receiving area sa may opisina ni Vandros para dun na lang sila mag-usap."Kumusta?" Aniya kay Silvana nang naglalakad sila, "your papers are okay. Isang linggo at nasa'yo na ang mga gamit.""I'm not good, Heart," anito sa kanya kaya nakatingin lang siya rito.Naupo sila sa sofa at nakasunod kaagad si Ella, dala ang isang tray ng juice and snacks."Thank you," aniya sa babae na nakatitig sa kanya."Ma'am," aniyon kaya umarko ang mga kilay niya, "Pwede ko po bang makausap si sir Vandros? May itatanong lang po sana ako. Hihingi po ako ng tulong."Bumuka ang bibig niya para sana magtanong kung anong problema nun pero nagsalita
C9MABILIS na sumunod si Heart kay Vandros sa loob ng opisina, ora mismo nang lumayas si Silvana.She stepped inside, acting so casual but her heart was roaring."Anong kailangan ni Ella?" Tanong niya sa lalaki.Ayaw niyang magmukhang nakikialam sa negosyo ni Lux pero hindi naman siya nakikialam. Gusto lang niyang malaman kung anong kailangan ng babae.Ayaw niyang ma-praning pero hindi niya maiwasan lalo na at maganda si Ella. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya pero dahil sa narinig niyang sinabi ni Silvana, bumalik ang lahat ng nangyari noon."Humingi lang ng tulong para raw sa pantubos ng palayan na mareremata na.""At anong tulong ang makukuha niya?" Masungit na tanong niya rito kaya napaawang ang labi nito."'Wag mo akong ngangahan, sir Vandros. Sinasabi ko sa'yo!" Duro niya sa mukha nito kaya agad naman nitong naisara ang bibig."Sagutin mo ang tanong ko. Anong tulong ang iaalok mo? Tatawag ka sa boss, at si Ella…" napatigil siya at maluha-luha na kaagad sa selos."Hin
C10TAHIMIK na pumasok si Heart sa kwarto nila at dumiretso siya sa walk-in closet. Ramdam niya ang paghabol ng titig ni Lux sa kanya pero nag-iipon lang siya ng lakas ng loob na magtanong.She's getting herself ready to hear his words and answers to all the questions she will fire at him. Sana, magsabi ito ng totoo. Ang tanong, handa ba siyang marinig ang totoo kung sakaling masakit iyon?Pumasok siya sa banyo para maligo na muna. Paglabas niya ay may nakahandang pagkain sa bedside table. Nilapitan niya iyon at tahimik siyang kumain. Kinuha rin ni Lux ang isang plato sa tray at kumain din ito habang nakaupo naman sa kama.Wala silang imikan na dalawa hanggang sa matapos siya. Kinuha niya ang mga pinagkainan nila."Ako na," anito pero nagpatuloy lang siya at lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa kusina ay naramdaman niya na nakabuntot si Lux sa kanya."Baby, galit ka," anito sa kanya.Sumandal ito sa may malapit sa kanya pero nagpatuloy siya sa paghuhugas ng plato, sa halip na isaksak
C11NAKAMASID si Lux nang bumaba ang mag-ina niya sa hagdan. Nakahanda na si Heart sa pagpasok. May pasok din ang anak nila sa play school ngayon para sa socialization. Magkaklase ito at ang anak ni Katy na si Megumi.Kanina pa siya kinukulit ng kapatid niya kung magbabantay daw ba si Heart sa eskwelahan ng mga bata para raw makapag-bonding ang dalawa. Naiinis siya sa kulit ng kapatid niya. Kung anu-anong isina-suggest. Kesyo malapit na raw ang semestral break at pwede raw silang mag-beach. Baka raw magkaanak pa sila ni Heart ng isa pa.Kung makapag-akit si Katy ay para bang wala silang inaasikaso. Isa pa, paano niya mapapapayag si Heart sa ganun ay galit nga ito sa kanya.It's just temporary. Hindi siya papayag na magtagal iyon. Sa inis niya sa kulit ng kapatid niya ay sinabi niya na choppy yun, sabay patay niya sa tawag."Let's have breakfast," nakangiting sabi niya sa mag-ina niya.Nakatayo siya sa kaliwa ni Lush, nakatingin din sa mesa. Nasa kabila naman si Heart, tahimik lang.Tu