Chapter 57HINDI mapalagay si Lux habang nakamasid sa lalaking matiyagang nag-aabang kay Heart. Hindi niya talaga gusto ang karakas ni Franco, and thank Go umiiwas naman si Heart dun.Sumakay ang dalaga sa taxi dahil may instruction siya roon. Ililibot ito sakali ng kanyang tauhan para hindi makasunod si Franco. And he would keep an eye on the man.Nakasakay siya sa sasakyan niya, hawak ang kanyang smartphone para abisuhan si Jestoni kung sakaling susunod ang lalaki. Sumakay din iyon sa motor at bumuntot kaya pinausad din niya ang sasakyan. Mas makulit pa sa alipunga ang hinayupak.He remained watching until the taxi turned left while Franco turned right. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi naman pala susunod ang lalaki. Medyo lasing pa naman si Heart sa tantya niya.At natatawa siya dahil si Vandros ang nagsabi na may tama na ang dalaga. Tinanong niya kung nakailan, naka dalawang baso raw.Jesus.Nakakalasing na pala ang dalawang baso. Sabi raw ni Gigi ay first time uminom. Naligawan
Chapter 58 - HeartNagtatawanan ang mga kaibigan ni Heart habang nagbibihis sila para sa pag-attend sa party.Siya ay nasa harap ng salamin nakaupo. Sinusuklay ang mahaba at itim na buhok niya. Naglagay lang siya ng clip sa buhok, na may mga kumikinang na fake na bato. Yun lang ang accessory niya at wala ng iba pa.Si Katy ay kanina pa chat nang chat sa kanya kung papunta na siya. Si Lux naman ay parang wala pa ring alam sa nangyari sa kanila ni Diana, walang nababanggit iyon na kung ano. At hindi niya alam kung anong magiging ekspresyon ng mukha nun kapag nalaman, kaya hindi niya masyadong kinakausap.Uunahan na niya iyong sungitan.Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pananapak niya ng bag sa asawa ni Lux. Sobra na ang inis niya sa babaeng iyon kanina. Noong una na nakiihi siya, hinamak na siya kahit di naman niya inaano. Kanina ay hindi niya rin naman inaano pero sinaktan siya. Aba, hindi naman pwedeng ganun."Divisoria bag lang pala ang ka-level ng pagmumukha ni Miss D!" Tumatawang k
Chapter 59- HeartSOBRANG dami ng tao sa loob ng bakuran ng mga Montesalvo at parang umaatake na naman ang masakit na tagiliran ni Heart. Hindi niya alam kung dala yun ng kaunting nerbyos niya o may iba pa."Oh my G! Ate Heart!" Iyon ang tili ni Katy na agad na nagpangiti sa kanya at nagpalingon.Ang ganda ni Katy na sobra, at ang pogi na sobra ng kasama nitong lalaki.Bigla siyang niyakap ng desi seis anyos na dalaga pero ang mga mata niya ay nasa kay Lux, na agad din niyang inalis."Good evening po, sir Lux!" Bati ng mga kasama niya."Evening, ladies. Sis, pakilala mo naman ako sa magandang babae na 'yan."Susko. Kilig na kilig na naman ang mga kaibigan niya sa mga pa-style ni Montesalvo pero siya ay hindi ito pinapansin."Magpa-annul ka na muna!"Halos matawa siya sa pabirong sagot ni Katy sa kapatid."Isasako na kita mamaya pa, Katyleene Anne. You better take them to their seats now.""Opo, sir Lux."Natatawa siya sa mga asaran ng magkapatid. Parang na-miss niya tuloy ang mga kamba
Chapter 60 - LuxNAKUKUNTENTO si Lux sa pagmasid kay Heart sa di kalayuan. He was smiling inwardly, kilig pa rin sa pagsabi nitong mahal din siya.God.He has to thank God for finding someone like her in his darkest days. Hindi na siya nagsisisi ngayon sa pagpapalipas niya ng oras sa mga babae tuwing naghahanap siya ng mapupuntahan sa tuwing nasasaktan na sobra kay Diana.Pero kahit na ganun siya, ngayon ay hindi niya kayang magpalipas ng oras sa iba kung sakali man na magkakatampuhan silang dalawa. Isipin pa lang niya na maghahanap siya ng iba ay siya na ang nasasaktan. Hindi niya kaya. He's so faithful to Heart. Alam niyang ganun din ito sa kanya.Mahal na mahal niya ito at sisiguruhin niyang hindi ito magdududa sa katapatan niya. Malayo ang mga katangian ni Heart kay Diana, sobra."Kanina po pa tinititigan 'yang naka-off shoulder na itim, na may clip sa buhok," puna sa kanya ni Destiny.Hindi siya nag-abala na tanggalin ang mga mata niya sa dalagang hindi na nilulubayan ni Katy.Ma
Chapter 61"PALAKPAKAN naman d'yan! I am 8 weeks pregnant! To calculate it, hindi na nine months ang ipaghihintay ni Mama para sa kanyang apo!" Sigaw pa ni Diana sa mic at ganun naman ang ginawa ng ibang tao na walang alam sa sitwasyon.Sa mga sandaling iyon ay tila nakakabingi para kay Heart ang mga palakpakan at hiyawan ng mga tao.Napahikbi siya nang lihim hanggang sa maramdaman niya ang paghawak ni Katy sa kamay niya. Mas lalo siyang naiiyak nang tingnan ang mukha nitong nakikisimpatya sa sakit ng kanyang kalooban."Smile, Ate," Katy mouthed and she nodded.Napakahirap. Kailangan niyang magpanggap na hindi siya nasasaktan kahit na sa totoong buhay ay parang piniga na ang puso niya nang sabihin iyon ni Diana.Pwede naman talagang mabuntis si Diana. Halos nasa iisang bwan pa lang naman silang magkakilala ni Lux. Imposible na hindi nagtatalik ang dalawa nang mga panahon na hindi pa siya binabayaran para maging parausan.Wala na. Napawi na ang kasiyahan na nararamdaman niya nang sabihi
Chapter 62KUMAWALA ang mga luha sa mata ni Lux habang naghihintay sa resulta ng pag-eksamin ng resident doctor sa isang ospital na hindi sikat sa Maynila ngayon at bagong tayo pa lamang.Lalaki nga ang duktor pero wala siyang pakialam. Nakasandal siya sa pader at masama man na sabihin, naghihintay siya sa text ni Heart.Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit wala siyang kasiyahan na nararamdaman sa pagbubuntis ni Diana…biglaang pagbubuntis, take note.He's suppressing his damn self to stop thinking inappropriate thoughts about her pregnancy. Baka nga totoong buntis naman at siya talaga ang ama, napakalaki ng kasalanan niya sa anak nila dahil sa kung anu-anong kaisipan ang tumatakbo ngayon sa buong sistema niya.The doctor went out of the room and so he stood up."Mister Montesalvo, right?" Tanong ng lalaki sa kanya.This guy looks damn familiar."Yes.""I'm doctor Christian Mayor. Your baby is safe.""Thank God," nausal niya."Please take care of the mother. Medyo maselan siya. M
Chapter 63 - HeartNAPATDA si Heart sa may pintuan nang buksan niya iyon, at walang tulog na itsura ni Lux ang nabungaran niya.Nakaupo ito sa isang bato, nakatulala sa may carpet. Wala ito sa kaayusan at agad na napatayo nang makita siya.Parang first time iyon sa pakiramdam ni Heart, may kaba."B-Bakit ka nandito? A-Aalis na ako mamaya."Nagpakailing-iling si Lux sa kanya at agad na kinuha ang kamay niya, "No. You stay here."Maluha-luha ang mga mata nito at ipinasok siya sa loob, saka siya hinalikan sa labi. Hindi siya nakatutol pero hindi rin siya nakatugon."You love me, right?" He asked."P-Pero magkakaanak na kayo at ayokong alisan ng tatay ang bata na yun. Ginagawa ko yun…" napalunok siya dahil namuo ang mga luha niya, "kasi…kasi para rin sa sarili ko. Ayokong kagaya mo ay sumbatan ako ng magiging anak mo dahil inagaw kita sa kanila.""No!" Tumaas ang boses ni Lux at napatalikod saka humawak sa may baywang, "Wala kang inagaw, tandaan mo 'yan. It was my decision to take you, ma
Chapter 64 - HeartBUNTONG hininga ang sagot ni Heart sa tanong ni Gigi kung kumusta na siya. Naglalakad silang dalawa papauwi, dumistansya sa karamihan ng mga kaibigan at sabi nila ay may pupuntahan silang dalawa.Dahil sa pagod ay hindi na rin sumama ang mga iyon."Andito, nagpapakatatag kasi feeling ko ang hina niya ngayon.""Mahal ka kasi niya at pakiramdam niya ay mawawala ka na dahil sa sinambulat ng asawa niya. Pero paano kung totoong buntis, kaya mo ba talagang tanggapin?"Hindi siya sumagot dahil sa totoo lang, nasasaktan din siya. Hindi naman siya Santa na may perpektong pagkatao. Kahit na ilang ulit niyang sabihin na okay lang na buntis si Diana, sa isip at puso niya ay may selos siyang nararamdaman, inggit at pait. Iba na kapag lumabas na ang anak ng dalawa. Lux will spend quality time with the baby and she doesn't know how she will deal with it.Ayaw niyang magpanggap na hindi siya apektado dahil sa totoo ay nilalamon ang buong sistema niya ng matinding selos at takot."Hi