Heart was expecting a happily ever after while waiting for the decree of annulment, pero habang lumilipas ang araw, pakiramdam niya ay lalo iyong tumatagal.
Tila ang pasensyosang si Heart ay naiinip sa paghihintay lalo na nang sandamakmak na tao ang nakikialam sa kanilang relasyon ni Deluxe Montesalvo, at ang pag-ungkat sa mga nakaraan nito at sa dating asawang si Diana Almonte, ang pagkabunyag ng kanyang pagkatao bilang dakila nitong kabit.Amidst the controversies, she remained strong and brave for her son, Lush, but what if one of Lux's past mistresses came back?Paano ni Heart tatapatan ang isang babaeng successful ngayon sa larangan ng business world na si Silvana dela Fuente kung siya ay nananatiling hamak na waitress lang at isang estudyante?C1"BABY shit, itigil mo na. Fuck! Fuck! Fuck!" Halos parang bangkay na itinulos si Lux sa passenger's side ng sasakyan nang hindi magawa ni Heart na itigil ang sasakyan.Sa kalituhan niya ay lalong bumilis ang takbo nila, sa halip na tumigil iyon."Jesus Christ!" Anito pa nang mawala na siya sa linya, natataranta!"Paano na? Paano na, Montesalvo?!" Tili niya nang mawala na nang tuluyan sa isip niya kung alin na ang aapakan para tumigil ang letseng sasakyan, sasakyan na may invisible break.Babaangga sila sa isa pang kotse."Baaaaaabbbby!" Tili niya sabay pikit nang sumuray-suray din ang sasakyan na nasa harap nila.Humawak si Lux sa manibela at inapakan ang paa niya. Sa isang iglap lang ay tumigil na ang sasakyan sa isang gilid.Abot hanggang langit ang kanyang kaba, humahangos siya na parang naka-sampung rounds sila sa kama.She was stiffened."Ayoko na!" Mangiyak-ngiyak na sambit niya kay Lux na natulala rin, tapos ay biglang humalakhak.Matalim na titig ang ipinukol niya sa lalakin
C2NAGMAMADALING bumaba si Heart sa sasakyan nang makarating sila sa tapat ng restaurant. Halos tumakbo siya papunta sa opisina ni Vandros. Nakangiti ang mga kaibigan niya sa kanya nang matanawan siya marahil kaya kumaway siya sa mga iyon pero isang sipol ang narinig niya kaya agad siyang napalingon.Sinong bastos ang nangahas na sumipol sa kanya?Nakangisi si Lux, "You forgot something, Mrs. Montesalvo," anito kaya agad niyang kinalkal ang bag.Anong naiwan niya?"Wala akong naiwan," aniya rito pero mas mabilis pa sa makina ang kamay nitong kumabig sa likod niya.Luminga ito saglit at nang makita na walang mga tao ay hinalikan siya kaagat."Basta lumayas e," anito kaya natawa siya at napalo ito sa dibdib."Sorry, na-excite akong makausap si Vandros."Dapat ko na ba siyang pagselosan?"Lalong napalakas ang tawa ni Heart dahil sa biro na yun ni Lux, "Sira ka talaga. Babye na. Ingat ka po. Happy na?" aniya rito para huwag na itong magtampo pa.Talagang nakalimutan niya kanina ang magpaal
C3NATIGILAN si Heart sa pagpili ng damit sa kanyang aparador nang marinig niya ang pinto na sumara."Lush?" Tawag niya sa pangalan ng anak niya pero walang sagot kaya ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawang paghalungkat.Para siyang hindi makakatulog dahil sa meeting bukas. Sanay naman siyang humarap sa tao. Hindi niya mawari kung bakit siya ninenerbyos. She's afraid not to please the franchisee. She's afraid that she might not explain the grounds so well.Hinugot niya ang isang naka-hanger na casual romper. Iyon ang napipisil niyang isuot kaya lang ay hindi siya sanay sa ganun. Parang lalo siyang kakabahan sa ganung pormahan.Paulit-ulit niya iyon na sinisipat hanggang sa may yumakap sa kanya."Ay kabayo!" Aniya nang magulat siya rito at natawa lang ito sa kanya, pero nakasipat sa damit na hawak niya."So busy," anito, "For?"Hinalikan siya ni Lux sa may tainga."Hindi ko alam ang isusuot ko bukas e. Dapat maayos ako pagharap dun sa tao.""Baby, ikaw ang franchisor. Siya ang dapat
C4NAKAILANG minuto ng wala si Heart sa paningin ni Lux ay hindi pa rin niya magawang i-abante ang sasakyan.He looked like a fool who was staring at the restaurant's door with an invisible Heart in his imagination."Daddy," Lush said behind him and so he looked in the mirror, "Mommy's inside.""Yeah," natatawa siya sa sa sarili na kailangan pa siyang paalalahanan ng anak niya at gisingin mula sa kanyang katangahan.Hindi niya rin alam kung bakit siya in love na in love kay Heart. Ganun din naman siya kay Diana noon pero kailanman ay hindi niya ginawa kay Heart ang mga bagay na ginagawa niya kay Diana noon, tulad ng pakikipagmatigasan kapag nag-aaway sila.Well then, Heart had always been so good to him from the start. Anong lakas naman ng loob niya kung babastusin niya ang isang babaeng mula umpisa ay pagpapahalaga at pagmamahal ang ibinigay sa kanya.And those three years of being in a relationship had been so easy and smooth."Move the car, Daddy," utos sa kanya ni Lush kaya naman s
C5HUMAHANGOS na dumating si Lux sa restaurant, nagmamadali. Itinulak nun ang pintuan kahit na may gwardiya naman na tagabukas. Tulad na tulad ito ni Vandros at halos magkasunuran lang dalawa ng isang pilik-mata.Tumayo siya mula sa counter at naglakad para makapag-usap sila sa may opisina ni Vandros."Sorry, baby," agad na hingi ng paumanhin ni Lux sa kanya, hinila siya sa braso pero ewan ba niya kung bakit parang ang tamlay na niya.Mula nang marinig niya ang salitang hindi naman siya ang asawa nito, para na siyang sinaksakan sa leeg ng punyal.Niyakap siya ni Lux, "Sorry talaga. Di ko nakita yung tawag mo.""Okay lang," matabang na sagot niya pero hindi naman ito ang ipinagngi-ngitngit ng kanyang kalooban.Kanina ay nagkukwentuhan sila habang inaayos ng mga abogado ang papel nila. Nakaramdam siya ng inggit sa dating waitress ng Macho. Napaka-successful na ng babae. Akala niya ay umaasa lang yun sa boyfriend na mayaman pero hindi pala. Tumama raw iyon sa Lotto ng bilyong halaga kay
C6NAKANGITING bumaba si Heart sa sasakyan nang makita na sumasalubong na kaagad si Carmenzita sa kanila.Wala siyang imik kanina pa, mula ng sunduin siya ng mag-ama niya sa restaurant. Tulog na si Lush sa kandungan niya at maagap na kinarga ni Lux, na nakikiramdam sa kanya kanina pa.Pamasid-masid ito at sa takot siguro na magtopak siya ay hindi na lang din umiimik. Hindi rin naman kasi siya sumasagot kapag tinatanong siya kung anong mali. Hindi niya alam kung anong mali. Baka utak niya ang mali dahil kung anu-ano na naman ang sumasagi sa isip niya."Congratulations," ani Carmen sa kanya kaya napakunot noo siya. Nasa pinto pa lang sila ay parang excited ito na sobra sa kung anong bagay."Para saan po, Ma?" Tanong niya sa matanda, na inakay na siya matapos halikan si Lush sa noo."Well, sabi nitong asawa mo ay nakakuha ka ng kauna-unahang franchise ng Macho Cafe," sumulyap iyon kay Lux na pangiti-ngiti naman, "He was so proud of you, iha. He couldn't stop talking over the phone. Nagpah
C7LUMINGON si Heart sa sasakyan at ngumiti sa anak nila nang sumigaw si Lush."Bye, Mommy! Babyu, Mommy!" Pagkasabi nun ay isang flying kiss ang ginawa ng bata para sa ina."Bye, baby. I love you, too. Pakabait ka!" Anito kay Lush saka kumaway.Siya ay nanatiling nakatitig lang sa asawa hanggang sa mapabuntong hininga siya, nang tuluyan na iyong pumasok sa loob ng building ng eskwelahan. He feels so damn guilty for a crime he committed a long time ago, for bedding several women and that includes, Silvana Jones. But what he's more guilty about is that he wasn't able to tell Heart everything.Naghahanap pa siya ng tyempo na masabi niya. Kagabi ay may sumpong yun kaya ayaw niyang dagdagan pa.Hindi nito maalala na si Silvana ay nakilala na nila sa Albay nang pumunta sila sa isang isla. But that was so long ago. Buntis pa nun si Heart.Kung susumahin pala talaga ay halos apat na taon na silang naghihintay na ma-annulled siya. Ginawa na naman niya ang lahat. Ang hindi lang niya nagawa ay
C8HEART smiled when she saw Silvana enter the restaurant. Naka-uniform pa siya at hindi pa nagpapalit dahil dumiretso kaagad siya sa pagkakahera, matapos ang klase niya."Aiz," she nodded at her friend.Lumapit iyon kaagad sa counter para humalili ulit. Sinalubong niya si Silvana na seryoso ang mukha."Hi," aniya sa babae na tumango lang.Iginiya niya ito papunta sa receiving area sa may opisina ni Vandros para dun na lang sila mag-usap."Kumusta?" Aniya kay Silvana nang naglalakad sila, "your papers are okay. Isang linggo at nasa'yo na ang mga gamit.""I'm not good, Heart," anito sa kanya kaya nakatingin lang siya rito.Naupo sila sa sofa at nakasunod kaagad si Ella, dala ang isang tray ng juice and snacks."Thank you," aniya sa babae na nakatitig sa kanya."Ma'am," aniyon kaya umarko ang mga kilay niya, "Pwede ko po bang makausap si sir Vandros? May itatanong lang po sana ako. Hihingi po ako ng tulong."Bumuka ang bibig niya para sana magtanong kung anong problema nun pero nagsalita