Share

Chapter Twenty Six: Threat

NANG mga sumunod na araw ay hindi ko pa rin pinapansin si Wesley. Sinasadya kong matulog ng maaga at gumising ng late kaya naman wala ng chance na magkausap kami. Pareho rin silang abala ng kanyang ina sa kompanya kung kaya't nitong mga nakalipas na araw ay maluwag akong nakakahinga sa mansiyon. Tanging si Aling Bebang lang ang palagi kong kasama at aminado akong nag-eenjoy ako.

"Oh, hindi pa rin kayo nag-uusap ni Wesley?" anang matanda habang sabay kaming nag-aalmusal.

"Hindi pa po eh."

"Mag-iisang linggo na kayong hindi nagpapansinan baka naman humantong na 'yan sa kung saan."

"Hmm...huwag kang mag-alala 'nay. Magiging okay din kami. Sinusulit ko lang 'yong mga pagkakataon na busy silang mag-ina kasi sa oras na magkabati kami ni Wesley ay paniguradong pipilitin niya na naman akong makisalamuha sa kanyang ina at paniguradong mai-stress na naman ako no'n." walang buhay na paliwanag ko.

"Sabagay. Pero naawa ako sa'yo. Nakangiti ka nga pero deep inside ay nasasaktan ka na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status