Share

Kabanata 6

Ilang beses ng pabalik balik ang dalagang si Hailey sa kanyang kwarto, mabuti na lang at wala siyang pasok at day off niya naman sa trabaho. Hindi siya magkandaugaga dahil ito na ang araw na sinabi ni Killian na kailangan niyang magbayad dito pero wala pa siyang sapat na pera.

Iniisip niya na paano kung takasan niya na lang ito, pero alam niyang hindi niya 'yon pwedeng gawin dahil mahahanap at mahahanap lang siya nito. Ano nga ba ang magagawa niya.

Ilang oras pa ang nakalipas bago niya napagpasyahan na harapin si Killian at kausapin, hihingi siya na palugit dito dahil wala naman siyang iba lang choice. Sana lang ay maging mabait ito sa kanya ulit gaya nung una nilang pagkikita.

Agad na nag ayos si Hailey para napuntahan na agad ang binata, alam niyang nasa opisina ito dahil martes  pa lang kaya doon na lang siya didiretso. Bago pa siya umalis sa kanyang tinutuluyan ay nagpadala muna ito ng mensahe sa kanyang kaibigan na sa hapon na lang sila magkita dahil may importante siyang pupuntahan, hindi niya na sinabi dito na si Killian talaga ang sasadyain niya.

Matagal tagal din bago niya narating ang Neilsen Company dahil sa nagcommute lang ito, pagkapasok niya ay agad siyang nagtanong kung nasaan ang opisina ni Killian at mabuti na lang ay mababait ang mga empleyado dito hindi kagaya ng boss nila.

 

Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 20th floor dahil nandoon ang opisina ng binata. Nang marating niya ito ay dali dali siyang lumabas at nadatnan ang sekretarya nito.

"Ahm, excuse Miss goodmorning  andiyan ba si Killian?" tanong niya

"Yes, May appointment kaba?"  nito

"Ah eh, wala eh."

"Kung wala kang appointment bawal mong kausapin si Mr. Neilsen, busy siya at hindi siya tumatanggap ng kung sino sino lang na bisita," mataray na saad nito

Nagulat naman si Hailey dahil dito, tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang babae. Nasa isip niya kung ganito ba talaga ang sekretarya ni Killian kung makapagdamit akala mo naubusan ng tela sa sobrang iksi.

Magsasalita pa sana siya ng bumukas ang pinto ng opisina ni Killian at lumabas dito ang isang lalaki.

"Ano na namang ginagawa mo dito Bea? Bumalik kana doon sa trabaho mo. Hindi 'yong tinatambayan mo ang pwesto ko, gusto mo ba mawalan ng trabaho pag nalaman ni Sir?"  biglang saad ng lalaki

Agad naman sumimangot ang babae at nagmartsa paalis, inirapan pa ako nito ng mapadaan siya sa pwesto ko.

'Kita mo ang babaeng 'yon, hindi naman pala siya ang sekretarya kung makaasta kanina akala mo kung sino. Ang sarap sabunutan.' isip ni Hailey

"Goodmorning ma'am. Pagpasensiyan niyo na po si Bea kung ano man ang mga nasabi niya. May kailangan po ba kayo kay Sir?" nakangiting turan ng lalaki na mukhang sekretarya ni Killian

"Naku ayos lang, Nandiyan ba ngayon si Killian? I mean Mr. Neilsen," malumanay na tanong nito

"Nasa loob po ma'am, may appointment ba kayo? Pagkakaalam ko kasi wala namang meeting si Sir." 

"Naku wala po eh," nahihiyang anas niya

"Gano'n po ba? Magpaschedule na lang kayo ng appointment Ma'am, busy kasi ngayon si Sir at hindi siya tumatanggap ng bisita," sabi nito at bumalik nasa kanyang ginagawa

"P-pwede bang kahit sandali lang kuya? Pakisabi naman sa kanya na nandito si Hailey oh, kailangan ko lang kasi siyang makausap."

Napakamot naman sa ulo ang sekretarya. "Sandali lang ma'am ha titingnan ko muna, maupo muna kayo."

Naglakad ulit ang binata papasok sa opisina ni Killia  at maya maya pa ay lumabas din ito.

"Sige ma'am pasok na kayo," nakangiting amsaad nito.

Killian POV

Maaga akong pumasok sa opisina dahil sa may mga kailangan akong ayusin. Habang abala ako sa pagpirma ng mga papeles ng biglang pumasok ang sekretarya ko.

"What is it?" tanong ko

"Sir may magandang naghahanap sa inyo sa labas."

"Sabihin mo sa kung sino man 'yan ay busy ako kaya wala akong panahon na makipag usap." wika ko

"Pero sir kailangan niya daw kayong makausap. Hailey ang pangalan."

Agad naman akong napatingin sa sekretarya ko ng dahil sa binanggit niyang pangalan. "Hailey?" pag uulit ko para makasiguradong tama ang narinig ko.

Mabilis naman itong tumango. Isang babae lang ang kilala ko sa pangalan na 'yon, agad naman sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Sige papasukin mo," sabi ko

Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at tumalikod para tingnan ang view sa labas ng opisina habang hinihintay ang pagpasok ni Hailey.

Narinig kung bumukas at nagsara ang pinto senyales na nakapasok na ito.

Agad naman akong bumalik sa upuan ko at humarap sa kanya. "Have a seat Hailey, what brings you here?"

Umupo naman ito at tumingin sa akin. "Nandito ako para kausapin ka tungkol sa utang ko sa 'yo." diretsong anas niya

"Magbabayad kana ba? Well, sakto lang naman dahil ito din naman ang araw ng sinabi ko sa 'yo."

"Gusto ko sanang makiusap sa'yo ma kung pwede bigyan mo pa ako ng sapat pang araw para mabayaran ka. Masyadong maiksi ang isang linggo para makahanap ako ng pambayad sa'yo," nakayukong wika niya

"Deadline is deadline Hailey. Kailangan mo akong bayaran o ipapakulong kita."

"W-what? Sinabi ko naman na babayaran kita huwag lang ngayon dahil wala akong sapat na pera. Kahit ano pang pilit mo sa akin ay wala kang makukuha. Just give me time Killian at mababayaran din kita," aniya

"At kailan naman 'yon? Hindi sapat ang kinikita mo sa pagpapartime para mabayaran mo ako."

"Alam mo, hahanap ako ng paraan para mabayaran ka," sagot nito

"I want it now Hailey."

"Geeez! Hindi mo ba maintindihan? Kaya ako nagpunta dito para makiusap sa'yo," anas niya

Tumayo naman si Killian sa kanyang pagkakaupo.  "Since hindi mo ako mababayaran, you can be my slave, gagawin at susundin mo lahat ng iuutos ko sayo hanggang sa makabayad ka sa utang mo" 

"A-ano? Nababaliw kana ba? Nag aaral ako at may trabaho pa ako kaya hindi pwede 'yang gusto mo. At isa pa mababayaran kita hindi ko kailangan maging slave mo!" inis na turan niya

Natawa naman si Killian. "If that's the case then I will give you three days, three day Hailey para makabayad."

"Tatlong araw? Seryoso ka? Sa tingin mo makakahanap ako ng gano'n kalaking halaga sa loob lang ng 3 days?"

"Iyan lang ang kaya kung palugit na maibibigay sa'yo. Kailangan ko ang pers Hailey."

"Hoy Killian sa yaman mong 'yan kailangan mo ng pera? Huwag mo nga akong pinaglolokong damuho ka!" duro nito sa kanya.

"Ako ang masusunod dahil ikaw ang humihingi ng pabor dito. You will pay me after three days or be my slave."

"At anong akala mo sa akin, ha? Hindi ako papayag na maging alipin mo. Hindi ko ibababa ang dignidad ko dahil lang sa pera," irap nito

"Then Marry me at bayad kana sa utang mo."

"A-ano?!"

Halos manlaki ang mga mata ni Hailey dahil sa sinabi ng binata, hinintay niya pang bawiin nito ang kanya sinabi o kaya sabihing nagbibiro lang ito pero mukhang seryoso talaga ito sa sinabi.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tanggapin mo na lang kasi hailey ang inaalok sayo ni killian na magpakasal ka sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status