“You’re really tough at this, huh? Hindi mo man lamang nilabas ‘yong asawa mo. Halos maghapon na ‘yon sa labas, ah? Noong umalis ako kaninang umaga, nandoon na ‘yon. Pagdating ko ngayong hapon, nandoon pa rin. Hindi mo nilabas?”I heaved a deep sigh before I looked away. “Hindi ko nilabas,” tanging sagot ko sa tanong ni Aziel. Hindi ko naman talaga nilabas si Dylan kahit na halos maghapon na siyang nagtatawag na kausapin ko siya. Hindi ko siya nilabas pero… sinilip ko lang sa bintana. “Bakit hindi? Ayaw mo man lang bang kausapin? Hayaang magpaliwanag?” Malakas akong bumuntong hininga at nagbaba ng tingin. “Hindi pa ako handang kausapin siya, Aziel. Baka may masabi lang akong masasamang bagay kung kakausapin ko siya ngayon. Mas lalo lang lalala ang problema kapag kinausap ko siya habang galit ako,” giit ko. God knows how I badly want to go out of Aziel’s house to talk to Dylan. Main
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa pagtatanong. Did you cheat on our cousin, huh, Kaia?” Agad na tumaas ang isa kong kilay nang marinig ang tanong niya. Gustong-gusto ko na siyang sagutin pabalik ngunit pilit kong pinakalma ang aking sarili dahil baka may masabi pa akong masama tungkol sa kaniya o sa kanilang magpipinsan. They’ve been good to me. Bukod kay Dylan, tinanggap nila ako sa pamilya nila nang buong puso. Maybe I would not consider marrying Dylan at all without them. At ayaw kong makapagbitiw ng mga masasamang salita sa kanila lalo pa’t baka dumating ang araw na pagsisisihan ko rin ang mga nasabi ko. Ang hindi ko lang matanggap, bakit ang dali para sa kanilang husgahan ako nang ganito? Inisiip talaga nilang magloloko ako sa pinsan nila? Really, huh? Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago muling nag-angat ng tingin sa kanila. “Why don’t you go inside first? Sa
“Uuwi ka na sa inyo?” Nag-angat ako ng tingin kay Aziel at itinigil ang panunuklay ng buhok. I heaved a deep sigh before looking away from him. Tumingin ako sa salamin at nagkibit balikat. “I’m just going to talk to him. Babalik din naman ako rito,” kaswal na sagot ko sa kaniya. “Sure kang babalik ka? Sus. Kilala kita—““Alam mo rin na hindi ako marupok, Aziel,” I cut his words off. Inayos ko ang maikli at kulot kong buhok bago ko ibinalik ang aking tingin kay Aziel. “You know what, sorry to burst your bubble pero hangga’t hindi naaayos ni Brielle ang gulong ginawa niya, hindi ako aalis dito at hahayaan kayong magsama. That girl already hurt me before, Aziel. Hindi ako papayag na pati ikaw, mabilog na naman ang utak.” Napailing siya dahil sa sinabi ko kaya’t umismid ako. Ewan ko ba pero hindi ko alam kung baliw ba siya o ano. Why the fuck would he fall In love to his fiancé who CHEATED on him? Baliw ba
“He wants a divorce? Really?”I rolled my eyes and heaved a deep sigh upon hearing Aziel’s question. “Nasabi ko na nga sa ‘yo, ‘di ba? Bakit nagtatanong ka na naman? Oo nga. He wants a divorce! Nakapirma na nga siya sa divorce papers. Do you want me to send a photo for proof?” inis na sambit ko pabalik. Malakas akong bumuntong hininga at itinapon sa kama ang ibinigay na divorce papers sa akin ni Dylan. There’s no way I’ll sign those. Hindi ako papayag. “And? Pinirmahan mo na kaagad?” Aziel asked once again. I heard him sigh on the other line. “Kaia, don’t make a decision hastily! Baka naman hindi niya rin pinag-isipan nang mabuti noong pinirmahan niya ang divorce paper. Ano ‘yon? Sumusuko na kaagad ‘yang asawa mo? Do you want me to talk to him?”“Baliw ka ba? Tingin mo talaga ay pipirmahan ko ang letseng divorce papers na ‘yon? Siyempre, hindi. At ano? Pababayaan ko siyang maging masaya kasama ‘yong babae niya? Hel
“You’re going to leave?” I groaned before looking towards Aziel exasperatedly. “Maka-leave ka naman, akala mo naman hindi na ako babalik. Magbabakasyon nga lang ako, ano ka ba?” Naiiling na tanong ko sa kaniya pabalik. “And you want me to…” “Siyempre, ikaw ang umayos ng trip ko,” pagputol ko sa sasabihin niya at tipid siyang nginitian. “Wala akong pera, duh.” Aziel let out a harsh groan. “Wala kang pera tapos gusto mong magbakasyon? Really, Kaia? Really?”“Saka para saan pa at naging kaibigan kita kung hindi mo ako ililibre? Come on. Saka may trabaho ka naman, ang ganda na nga ng trabaho mo, ‘di ba? Hindi ka na inalis ng Dad mo? Kaya dali na, ilibre mo na ako, please? Consider yourself forgiven for what you did, all right? Basta ilibre mo lang ako, kakalimutan na natin na naging kab—““Oo na, oo na,” pagputol ni Aziel sa dapat ay sasabihin ko kaya’t lihim akong napangiti. Tu
“Why are you carrying that much luggage? Uuwi ka na rito?”Malakas akong bumuntong hininga dahil sa bungad na tanong sa akin ni Dylan nang makapasok ako sa bahay. He’s tying his neck tie and was getting ready for… I don’t know. Hindi ko alam kung bakit siya nakaayos. I slowly shake my head as a sign of disagreement. Agad din namang nawala ang kulay sa mukha niya dahil sa sagot ko. Hindi ko naisip kanina na baka isipin niyang babalik na ako rito dahil dinala ko na ang mga gamit ko. Hindi rin naman sinabi sa akin ni Aziel kaya’t hindi ko inaaasahan na ganito ang magiging reaksiyon ni Dylan. “I’m actually leaving tomorrow.” “Leaving?” Marahan akong tumango at nilampasan siya habang hila ang aking maleta. Inilagay ko iyon sa may gilid ng hagdan para hindi na ako mahirapan bukas. “Pupunta ako sa Batangas. Doon muna ako pansamantala,” I lied. Gust
It took me four hours to land in Surigao City. Sa loob ng apat na oras na iyon ay natulog lamang ako sa eroplano dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi habang magkatabi at yakap ako ni Dylan. Nagpanggap lamang akong tulog sa mga sandaling iyon dahil ayaw kong isipin niya na maging ako ay nagdadalawang isip na umalis. Unbeknownst to Dylan, I can hear him cry last night. Ramdam ko noong niyakap niya ako at ibinaon ang aking mukha sa kaniyang dibdib upang hindi ko siya makitang umiiyak kung sakali mang imulat ko ang aking mga mata. But he’s not successful. I can sense him crying… silently. He muttered a lot of words—he said sorry and he also told me that he will never forgive himself if he really did such thing. “Kung hindi lang kita mahal, hindi kita hahayaang umalis.” I heard him saying that phrase and it somehow struck me. Siguro isa rin iyon sa
DYLAN FONTANILLA POINT OF VIEW “You’re going home early because of what?” “Because my wife might go home early,” I answered Iverson while fixing my stuffs. I lifted my head up to glance towards him. “She’s probably going back home now after Brielle’s confession.” His left brow lifted a bit before he crossed his arms over his chest. “Brielle’s confession? What did she say?”“That I am not a cheater,” I answered in a matter of fact tone and casually lifted my shoulder in a half shrug. “You’re not a… what?” tanong niya sa akin at agad na lumapit papunta sa direksiyon ko habang nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. “You didn’t cheat on her?” This time, my brows rose up and looked towards him. “And you really believed that I’m capable of cheating on my wife? Really, Iverson? Kaia told me that you believed what she told you. Sina Danielle at Maurice lang ang kumam