Share

The Billionaire's Secret Wife
The Billionaire's Secret Wife
Author: angbabaingsuplada

Chapter 1

Amanda's POV

"Amanda lumabas ka na dyan, marami ng customer ang naghihintay sa labas."

Tawag ni Mama Jessa, ang pinakamanager ng mga babaing nagtatrabaho dito sa bar. Mabait si Mama Jessa, pumayag rin siya na hindi muna ako itable ng customers dahil baguhan pa lang ako. Ngayon gabi ay taga serve lang ako ng drinks sa mga customer sa labas.

"Hindi po ba masyadong maikli?"

Tanong ko kay Mama Jessa ng lumabas ako mula sa dressing room. Nakasuot ako ng maikling pulang palda at black tube na pinatungan ng white na long sleeve na nakatali ang dulo sa unahan. Ganito ang uniform ng mga babae dito sa bar.

"Hindi naman, ang ganda ganda mo nga. Bagay sayo. Para kang manika. Halika ka na sa labas. Sigurado akong magugustuhan ka ng mga customer natin ngayong gabi."

Nakangiting sambit niya sa akin.

Nang lumabas ako ay marami ng customers at lahat sila ay napatingin ng maglakad ako papunta sa bar counter. Unang araw ko ngayon kaya hindi pa ako masyadong kumportable sa paligid. Kumuha ako ng alak sa counter at lumapit sa ilang customers habang inaalok sila ng anak. Kapag kasi nag order sila ay magkakaroon ako ng comission, may mga galante ding customers na nagbibigay ng tips at dahil unang araw ko nga ngayon ay magpeperform ako sa stage, okay na rin yun kaysa naman IVIP agad ako.

10pm na at ako na ang sunod na sasayaw sa stage. Habang nagpapalit ay napansin kong malaki talaga ang kitaan dito. Almost 10k agad ang kinita ko. Yun ay galing lang sa pagaalok ng alak at tip ng customers. Nagpalit na ako ng damit. I wear a black fitted dress na saktong sakto lang sa aking katawan. Malalim ang dibdib nito at kaunting galaw lang ay sigurado akong makikita ang hinaharap ko. Kaya naman sinuot ko ulit ang tube na hinubad ko kanina.

"Ano ayos ka lang ba? Galingan mo sa performance ha para maraming magbigay sayo mamaya. Yung mga tinuro ko sayo, gawin mo mamaya ha."

Utos sa akin ni Jenna, kaibigan ko. Siya nga pala ang nagsama sa akin dito. Nabanggit ko kasi sa kanya na kailangan ko ng trabaho.

"Oo na, gagalingan ko promise."

Nakangiti kong sambit sa kanya.

Ilang minuto lang pagkatapos kong lumabas ay tinawag na agad ako sa stage para magperform. Kinakabahan pa akong umakyat pero nawala rin yun dahil iniisip kong gagawin ko 'to para kay Papa, para sa operasyon nya.

Nang magsimulang iplay ang music ay agad akong umayos ng pwesto sa gitna at nagsimulang gumiling. Sanay naman akong sumayaw, pero this time ay ibang sayaw ang ginagawa ko. I'm dancing unbothered habang nang-aakit ng mga mata ng customer. Maya maya pa ay may lumapit sa aking customer at nilagay sa bewang ko ang perang hawak niya. Pagkatapos noon ay mas lalo ko pang ginalingan ang pagsasayaw ko at sunod sunod na ang mga customers na lumalapit sa akin para magsingit ng pera sa may bewang ko. Ang iba ay pinipisil pa ang katawan ko, pero hindi ko na lang pinansin. Itinuloy ko lang aking pagsasayaw at bago matapos ang tugtog ay nagsplit pa ako sa gitna.

Nang matapos ay malakas na sigawan at palakpakan ang aking nataggap. Pagkatapos kong magpasalamat ay agad akong dumiretso sa cr at umiyak. Ilang minuto din ang tinagal ko sa loob at saka lang ako lumabas ng katukin ni Jenna ang pintuan ng cubicle ko.

"Okay ka lang ba?"

Nag-aalalang tanong nito.

"Okay lang ako. Just give 5 minutes lalabas na rin ako."

Sagot ko naman sa kanya. Lumabas ako ng nasiguro kong wala na siya. Ayokong makita niyang umiyak ako. Saglit kong inayos ang make up na nagkalat sa aking mukha dahil sa aking pag-iyak pagkatapos ay lumabas na rin ako. Naabutan kong hinihintay ako ni Jenna sa labas.

"Ang galing mo kanina ha."

"Salamat ha. Napakalaking tulong nito para sa operasyon ni Papa."

At ipinakita ko sa kanya ang mga perang galing sa cutomers kanina.

"Sabi ko naman sayo eh malaki ang kitaan dito. Hayaan mo kapag pwede ka ng itable, hindi lang ganyan kalaki ang perang kikitain mo. Triple pa dyan."

Paliwanag niya sa akin.

"Talaga?"

Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo, lalo na kapag VIP clients tapos kapag nagustuhan ka nila gabi gabing ikaw na ang irerequest nila kay Mama Jessa. Kaya alam mo kapag ready ka na. Sa VIP client ka kaagad ha. Para kahit isang gabi lang solve na agad ang problema mo sa pera. Siya sige na magpeperform din ako maya maya. Magbihis ka na at mag alok ka ulit ng alak sa customers para marami kang kita ngayong gabi."

Paliwanag niya sa akin pagkatapos ay umalis na siya. Dumiretso naman ako sa dressing room at nagpalit ulit ng uniform na sout ko kanina.

3am na nagsara ang bar at pagkatapos noon ay inayos ko na ang aking mga gamit dahil uuwi na kami ni Jenna pero bago kami umuwi ay binilang ko ang perang kinita ko ngayong gabi. Almost 20k ang kinita ko at halos mangiyak ngiyak ako habang nagbibilang ng pera. Napakalaking tulong na nito sa gastusin namin. Bago tuluyang umalis ay nagpaalam na kami kay Mama Jessa.

"Hoy Amanda, wag kang aabsent bukas ng gabi ha. Weekend mas maraming customers."

Paalala nito sa akin.

"Opo Mama Jessa, sige uuwi na kami. Salamat po."

"Sige sige ingat kayo."

Nag-abang kami ng dyip sa may sakayan at dumiretso sa hospital.

Nadatnan kong nakabantay si Mama sa labas ng kwarto ni Papa habang nakatingin sa loob. Nang mapansin niya ako ay lumapit siya sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya.

PAK.

Isang malakas na sampal ang binitawan ni Mama ng makalapit ako sa kanya. Namanhid ang kaliwang pisngi ko sa ginawa nya. Alam kong alam na nya ang ginagawa ko. Pero anong gagawin ko, ito lang ang natatanging paraan para mabilis na kumita ng pera dahil kahit ilang trabaho pa ang pasukin ko hindi ako makakaipon ng pera para sa operasyon ni Papa. I have no choice kailangan kong gawin 'to mabuhay lang si Papa dahil hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Anong ginawa mo?"

Umiiyak nyang sambit habang hinahampas ang braso ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya at hindi umiimik.

"Bakit kailangan mong ibenta ang katawan mo para sa pera. Kahit kailan hindi ko pinangarap na gawin mo ang ginagawa ko noon. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao, na pinalaki kita para maging p*ta."

Galit nyang sambit sa harap ko.

"Ma naman, ngayon pa ba natin iisipin ang sasabihin ng ibang tao sa akin. Mas mahalaga pa ba yun kaysa sa buhay ni Papa. Kailangan kong kumita ng pera at lahat gagawin ko matuloy lang ang operasyon niya."

Sagot ko sa kanya pagkatapos ay umalis ako at lumabas ng hospital. Hindi ko naman ginusto 'to, wala lang akong choice. Kailangan ko ng malaking pera at kahit magtrabaho pa ako araw gabi, hindi ko kikitain ang perang kinikita ko ngayon sa bar. Kung dati nagtatrabaho ako bilang cashier sa convience store sa umaga at waitress sa gabi, kahit na pagsamahin ko ang kita ko hindi pa rin sapat. Pero ngayon kaya kong kumita ng libo, wala pang isang araw. Ngayon pa ba ako mag iinarte eh kailangan kong mabuo ang 500 thousands pesos para sa operasyon ni Papa. at dahil ayoko ng makipagtalo pa kay Mama ay umuwi na lang ako sa bahay para makapagpahinga.

Kasama ko pa rin si Jenna at sa bahay raw niya gustong magpahinga. Nang makaligo ako at makapagpalit ng damit pangbahay ay kumain kami ng pagkaing binili namin kanina pagkatapos ay sabay na kaming natulog sa aking kama.

Saktong 8pm ng magising kami ni Jenna, pagkatapos maligo at kumain ay umalis na rin kami dahil pupunta na ulit kami sa bar. Kanina pa kami tinitext at tinatawagan ni Mama Jessa, nagpaalam kami saglit na dadaan kami ng hospital. Gusto kong bisitahin ulit si Papa.

Nang makarating sa hospital ay nagpaiwan na sa baba ni Jenna kaya ako na lang ang umakyat sa taas.

"Ma."

Tawag ko kay mama dahil nakalikod siya sa akin. Nang humarap siya ay napansin kong umiiyak na naman sya at bilang anak nya nasasaktan din ako kapag nakikita kong umiiyak si mama.

"Wag na po kayong mag-alala ha. Gagawa po ako ng paraan. Maooperahan din po si Papa."

Pagpapakalma ko sa kanya kahit na hindi ko alam kung mabubuo ko ba ang perang gagamitin sa operasyon ni Papa dahil sa totoo wala pa sa kalahati ang perang hawak ko ngayon at malaki laki pa ang kulang nito.

Naglalakad kami ni Jenna papunta sa sakayan ng dyip ng tanungin ko siya.

"Sigurado ka bang malaki ang kitaan kapag napunta ako sa VIP client?"

Naniniguradong tanong ko sa kanya.

"Aba oo naman lalo na kapag nagustuhan nila ang performance mo. Paulit ulit ka nilang babalikan. Gusto mo na ba sa VIP client. Sigurado akong maraming naghihintay sayo, mga tingin pa lang nila kahapon eh makikita mong gusto ka talaga nila."

Sagot naman niya sa akin.

"Oo sana, kailangang kailangan ko na talaga ng pera eh."

"Magsabi ka lang kay Mama Jessa, wag kalimutang gumamit ng protection ha. Mahirap na."

Habol pa niya bago kami tuluyang sumakay sa dyip na tumigil sa aming harapan.

Boung byahe kong pinag isipan ang sinabi ng kaibigan ko. Pero natatakot ako, baka kung ano ang ipagawa nila sa akin at hindi ko kayanin. I'm still a virgin at yun ang dahilan kung bakit natatakot ako. Sinabi ko pa naman noon sa sarili ko na ibibigay ko lang yun sa taong mahal ko.

Pero bou na ang desisyon ko. Simula ng tinanggap ko ang trabahong 'to. Inihanda ko na ang aking sarili sa mga bagay na pwedeng mangyari. Ang sakit lang isipin na gagawin yun dahil kailangan ko ng pera at hindi ko naman pwedeng hayaan na lang si Papa. Utang ko sa kanya ang buhay ko, siguro kung hindi dahil sa kanya wala na ako sa mundong ito. He's the one who saved me sa mga taong gustong pumatay sa akin noon at malaki ang pasasalamat ko dahil inampon nila ako ni Mama at itinuring na tunay na anak. Kaya this time, gusto ko na ako naman ang tumulong sa kanila. Sa lahat ng mga sakripisyo at kabutihang ginawa nila sa akin. I will do everything para lang gumaling sya. Lahat gagawin ko kahit na ibenta ko pa ang katawan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status