🫰❤️
EVERY NIGHT that went by, Xandra was silently sobbing. Patago niyang dinaramdam ang pighating bumabalot sa kaniyang kalooban. Anim na buwan na ang nakalipas simula nang ipinagbubuntis niya ang supling na nasa kaniyang sinapupunan, at gano'n na rin katagal na hindi niya nasilayan si Nathan. She was frustrated, tila ba gusto niyang kalimutan ang lahat at bumalik na lang sa mga braso ng kaniyang asawa. Ilang taon na silang magkasama ni Dexter, pero wala talaga siyang kahit na anong pagtingin dito sa kabila ng walang hanggang pagmamahal nito sa kaniya. Mugto ang kaniyang mga mata habang naghihintay sa bukana nang pintuan. Gabi na tuwing umuuwi sa kanilang tahanan ang lalaking kasama niya. Babad na babad kasi ito sa trabaho at palaging kaharap ang mga sandamakmak na papel tungkol sa mga crucial cases. Binuksan ng guwardiya ang matayog nilang gate at lumitaw mula roon ang sasakyan ng lalaking kanina pa niya hinihintay. Agaran ang kaniyang pagtayo. Hindi na niya inalintana pa ang patul
KASAL NA sila dati pa. Ngunit hindi tunay ang intensyon niya noon. During that time, all she wanted was to take her revenge on him. Gusto niyang masaktan ito dahil sa pagtaboy nito sa kaniya nang mga panahong hirap na hirap siyang maghanap ng salapi pampagamot sa Baby Nathaniel nila na inaapoy ng lagnat. Aside from that, they were not married in church. Nang mga panahong 'yon ay ang mga tao lang na naninirahan sa islang kanilang pinagtataguan ang nagsilbing tagasaksi sa pag-iisa nila sa pamamahala ng isang judge. Take note also that their marriage was kind of rushed because of the danger that served as their shadow back then. Nakabalik siya mula sa kaniyang mahabang pagmumuni-muni. Pinalis niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi bago humalukipkip upang maiwasan ang panginginig ng kaniyang mga palad. She strengthened her facial expression before responding to the man who was waiting patiently for her answer. "No..." panimula niya. Isang salita na sobrang bigat at hirap na b
HINAWAKAN NIYA nang mahigpit ang kamay ni Dexter na parang dito siya humuhugot ng kaniyang lakas. She was sweating all over her forehead, pero nariyan ang lalaki sa kaniyang tabi upang punasan siya. Umiri si Xandra sa huling pagkakataon bago nila marinig ang pag-iyak ng sanggol na kaniyang iniluwal sa araw na iyon. "Sarah," malamyos niyang tugon nang tinanong siya ng babae kung ano ang pangalan ng bata. Matapos niyon ay tuluyan na siyang tinangay ng kadiliman. NAGSUOT SIYA ng sumbrero upang hindi mabatid ang kaniyang pagkakakilanlan. Dinampot niya pagkatapos ang susi ng sasakyan na nakalatag sa lamesa. Sa katunayan ay hiniram lamang niya iyon sa kumpare niyang mayaman. He has no money or anything at the moment. "Thanthan, baliw ka na talaga," bungad sa kaniya ni Ashton na nasa driver's seat nang siya ay makatungtong doon. "Dinamay mo pa ako sa katangahan mo. Sinaktan ka na nga ng babaeng 'yon tapos ngayon para kang adik na stalker sa buhay niya. Mangilabot ka nga riyan!" sermon pa
TRIGGER WARNING: FROM THIS CHAPTER 33 TO CHAPTER 39 MAY CONTAIN VIOLENCE, ABUSE, SEXUAL HARRASSMENT, SELF-HARM, AND SO ON THAT MAY ENCOUNTER. READ AT YOUR OWN RISK."ANO?! SAAN ka na naman galing?! Siguro patago ka na namang nakipagkita sa Nathan na 'yon, 'no?!" galit nitong sigaw matapos niyang sampalin nang malakas ang mukha ni Xandra.Napahinga nang malalim ang babae. Pagod na siyang magpaliwanag pa rito. Palagi na lang ganito ang nagiging bungad sa kaniya sa tuwing may nilalakaran siya. Nakakasawa na. Pinunasan niya ang dugong nagmula sa kaniyang labi bago ipakita sa lalaki ang mga basket na may lamang mga pagkain at kung ano-ano pa. "Namalengke lang ako. At saka, puwede ba? Hindi ko na nga nakikita pa si Nathan, matagal na kaming tapos niyon. Ikaw nga 'tong kasama ko ngayon, ng mga anak natin, kaya bakit ka ba nagdududa riyan? Kung ako sa 'yo, itigil mo na 'yang false accusations mo dahil wala kang mapapalang maganda riyan," sumbat niya rito. Dismayado pa siyang napailing-iling
NAABUTAN NI Dexter ang kaniyang kasintahan na nakahilatay malapit sa bukana ng pintuan nang siya ay nakabalik na. No'ng una ay hindi niya pinagtuonan ng pansin ang babae at akmang lalampasan lang sana niya ito na parang hangin, pero kalauna'y nagsalubong ang kaniyang kilay nang mapadako ang kaniyang tingin sa may kalakihang maleta. Inside it, he could see the necessities for his wife and kids.His jaw clenched as he uttered endless curses. "Xariel Cassandra!" pasigaw niyang tawag dito, nangangalati sa galit. Dahan-dahan itong nagmulat ng kaniyang pupungay-pungay na mga mata. Their eyes met. "Ano'ng ibig sabihin ng maletang 'yan?! Huh?! Lalayas ka, tapos isasama mo 'yong mga anak natin?!" Sinipa niya ito nang marahas. Paulit-ulit niya iyong ginawa na para bang isang punching bag si Xandra at hindi tao, habang ang kawawang babae naman ay prinotektahan lang ang sarili nito sa pamamagitan ng pagsangga ng mga atake gamit ang kaniyang mga palad.Hinihingal at halos kapusin ng hininga nang
MAHIMBING SIYANG natutulog nang may biglang tumampal sa kaniyang mukha. Bumungad sa paningin niya si Dexter na bagong ligo lang. "Magbihis ka. 'Yong mga peste mong kaibigan, hinahanap ka palagi sa akin. Nakakasawa na ang pangungulit nila kaya pagbibigyan ko na lang." His voice was irritated. Hindi maitatago kung gaano kasaya si Xandra nang marinig niya iyon. Buong akala talaga niya ay nakalimutan na siya ng mga nakakakilala sa kaniya noon, pero hindi pa pala. There were still a few people who were concerned about her. "S-sige. Maraming s-salamat." She was so eager to be free, even if it was just temporary. Ngunit kung sakali mang magsumbong siya sa kasakimang nararanasan niya ay handa kaya ang mga ito na siya ay tulungan? Iyon ang laman ng kaniyang isipan sa mga oras na 'yon, pero naglaho rin nang mapagmasdan niya ang kunot-noong mukha ng lalaki na hindi pa rin pala umaalis sa kaniyang harapan hanggang ngayon. "Hindi ko gusto 'yang ngiting 'yan, Xariel Cassandra. Kapag may bina
HALOS LAHAT sila ay napainom ng tubig dahil sa nasaksihan. They couldn't believe what they had seen. Ang dating makinis niyang balat ay naglaho na at napalitan ng mga pasa."Ano'ng nangyari diyan? Sinong gumawa niyan sa 'yo? That's terrible!" Halos mangiyak-iyak na turan ni Ella. Habang si Brenda naman ay hindi pa rin nakababawi sa gulat.Hinawakan niya ang kamay nito kahit na siya ay nanginginig. "Please, t-tulungan ninyo akong makalaya. Palagi niya akong sinasaktan at binababoy. Since I last saw you guys, he's been torturing me. And it's not true that I went on vacation, dahil ang totoo niyan ay kinulong niya ako sa pagmamay-ari ng kaniyang pamilya sa isang private island. Walang ibang nakakaalam niyon kun'di sila lang," she informed them of the truth behind her awful scars."But who? Sana nagpatulong ka man lang kay Dexter! He's a great judge, you know? Mabibigyan ka niya ng hustisya." They all nodded as they agreed with Belle.Napailing siya rito. "H-hindi puwede. Paano ako magpap
PINABAYAAN SIYA ng lalaki roon nang ito ay lumisan at nagtungo sa kanilang kuwarto. Akala niya ay mapag-iisa na talaga siya, ngunit hindi pa pala nang bigla na lang itong lumitaw ulit na parang isang multo.Ngayon ay may hawak-hawak na itong isang kadenang walang duda na gawa iyon sa bakal. His anger was raging like a wildfire. Walang ibang makakapigil niyon."P-para saan 'yan?" Kinakabahan siya pero hindi niya 'yon ipinahalata. He only smirked. Halos maihi si Xandra dahil sa takot na nag-uumapaw sa kaniyang sistema. She had enough with his bullsh!t. Humakbang ito palapit sa kaniyang gawi. Hindi niya maiwasang mapaatras papalayo, pero kung minamalas nga naman ay wala na siyang ibang mapupuntahan pa nang maramdaman niya ang paglapat ng malamig na pader sa kaniyang likuran. She could no longer escape, na hindi na rin naman bago sa kaniya.She screamed in anguish when Dexter started placing her frail body on the chain he was holding. Nagpumiglas siya sa abot ng kaniyang makakaya, pero s