XANDRA SLOWLY opened her eyes. She had no memory of anything at first, but as she looked about the strange room, memories from yesterday before she had passed out quickly returned. Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya, medyo nahilo pa siya nang kaunti dahil sa ginawa niyang iyon.Mula sa kaniyang tabi ay may nahulog na basang bimpo. Nagtaka siya roon kaya naman hinawakan niya ang kaniyang noo at doon niya unti-unting napagtanto na kasalukuyan pala siyang inaapoy ng lagnat. Ngunit ipinagsawalang-bahala niya iyon dahil kailangan na niyang bumalik sa kaniyang trabaho.Tatayo pa lang sana siya pero biglang bumukas ang pintuan ng silid na iyon. Iniluwa niyon ang isang pamilyar na tao sa kaniyang paningin. "Ashton?" patanong niyang banggit sa pangalan nito. Nagagalak siyang makakita ng taong galing sa kaniyang nakaraan. Matagal-tagal na rin talaga ang nakalipas simula noon. Para sa kaniya ay itinuring niyang kaibigan ito dahil kahit na papaano ay may pinagsamahan din sila bilang magkaibi
MULA SA hindi kalayuan ay kanina pa pinagmamasdan ng lalaki si Caroline. Alam niyang wala silang matinong mapag-uusapan kung sariwa pa rin sa isipan ng babae ang nasaksihan nito kanina sa kaniyang opisina, kaya palilipasin na muna nito ang araw na iyon. Saka na lang siya magpapaliwanag kapag kalmado na ito, at kapag hindi lasing. Aminado rin naman siya sa kaniyang sarili na kahit saang banda ay maling-mali talaga ang kaniyang nagawa. Una ay ang pag-iwan niya rito sa restaurant, at pangalawa ay noong magtangka siyang halikan ang dati nitong asawa. Nahihibang na nga yata talaga siya.Caroline is the one who saved him from his tragic life. Noong mga panahong nagluluksa siya sa paglisan ni Xandra sa kaniya ay ito ang palaging nariyan para damayan siya. Hindi ito kailanman nawala sa kaniyang tabi. Ngunit para sa kaniya ay tanging kapatid na babae lang ang turing niya rito, hanggang sa pinilit niya kalaunan ang kaniyang sarili na mahalin ang babae pabalik para matugunan ang nararamdaman ni
NAPALUNOK ito kasabay ng pag-iling niya. Oo nga't hobby niya ang magkama ng kung sino-sinong mga babae, ngunit pagdating kay Caroline ay parang hindi niya iyon kaya. "I can't. I respect you as a woman and-----" Pinutol siya ng babae sa pamamagitan ng paghalik niya rito. Muntikan nang madala si Nathan ngunit sa huli ay marahan niya itong pinalayo sa kaniya. "Stop it, Caroline. Umuwi na tayo, ihahatid kita sa inyo," matigas nitong saad. Ngumisi lang ito sa kaniya bago tanggalin ang zipper ng kaniyang dress dahilan upang malaglag sa sahig ang kaniyang kasuotan. Tanging ang bra at underwear na lamang ang mga saplot na bumabalot sa hubog nitong katawan. "You can go ahead if you don't want to. Hindi lang naman ikaw ang lalaki sa lugar na 'to ngayon, isa na lang sa kanila ang iimbitahin ko kung ayaw mo." Parang pagbabanta tuloy ang naging dating niyon sa kaniya. Naging mahirap para kay Nathan na magdesisyon. Kahit na halos kita na ang kaluluwa ng babae ay hindi pa rin niya ito binigyan ng
NAIBUGA ni May ang iniinom nitong tubig nang marinig nang buo ang kuwento ni Xandra sa kaniya kung bakit ito umiyak kanina. Mabuti na lang dahil hindi nagising ang mga anak nito sapagkat mahimbing na silang natutulog ngayon. Samantalang ang dalawang magkaibigan naman ay abala sa paghahanda para sa pupuntahan nilang bar."Hala? May babaeng buhat-buhat iyong boss mo na dati mo ring asawa kamo?" She nodded at her. "Ito naman, masyado kang selosa. Baka naman kadugo niya lang 'yon," komento nito na inilingan lang niya."Sa tingin ko ay hindi. Pero hayaan mo na, kadugo man o kasintahan niya iyon ay labas na ako roon. Ang mga anak ko ang importante ngayon sa akin," pinal nitong sagot matapos niyang masuot iyong boots na required niyang suotin. Maikling black skirt ang suot nito habang ang pang-itaas naman niya ay croptop na itim din ngunit halatang may kamahalan. Iyon daw kasi ang kailangan nilang outfit upang mas lalong mahikayat ang mga manonood.She gave her a teasing glare. Hindi pa siy
NAGTUNGO siya sa lababo para maghilamos nang sa gayon ay mahimasmasan man lang ito. Mahina niyang tinampal ang kaniyang sarili. "Ano ka ba, Xandra! Huwag ka nga munang mag-isip ng tungkol doon. 'Tsaka ano naman ang pakialam ko kung ginawa niya iyon, e hindi naman kami nasa relasyon o ano. Boss mo siya, okay? Hanggang doon lang 'yon, huwag ka nang lalagpas pa. Hindi ka na niyon m-mahal." She talked to herself while staring intently at the mirror. Wala na siyang pakialam pa kung mapagkamalan siyang baliw sa kaniyang ginagawa. Kumuha siya ng tissue para punasan ang kaniyang basang kamay. Matapos gamitin ay itinapon na niya iyon sa basurahan. But something suddenly caught her attention. May nakita itong bote ng gamot na naroon. Dulot ng kaniyang kuryosidad ay dinampot niya 'yon. She was surprised to learn that it was a bottle of poison after carefully reading the included instructions that were written on it. May ideyang sumagi sa kaniyang isipan kaya sa huli ay napagpasyahan niyang ib
NAKAPATONG ang ulo ni Xandra sa balikat ni Nathan habang nasa byahe silang apat pauwi sa bahay ng babae. Si Ashton ang nasa driver's seat at ang katabi naman nito roon ay si May, habang ang dalawa ay nakapuwesto sa kanilang likuran.Nathan has caught May's meaningful glare at him numerous times already. Noong una ay hindi niya iyon pinansin pero kalaunan ay napapadalas na talaga ang paglingon nito sa rearview mirror kaya pinuna na niya iyon. He did feel uneasy about it."Is there any problem, Miss?" tanong niya nang hindi na nakapagpigil pa. Bahagyang nabigla ito, hindi inaasahang magsasalita ang dating asawa ni Xandra. Pero hindi rin naman nagtagal ay nakabawi rin siya kaya napatawa ito nang wala sa oras.Napakunot ang noo ng lalaki kasabay ng pagsalubong ng makakapal niyang kilay, hindi nito alam kung ano ang nakakatawa sa simpleng tanong niya. By that time, he thought that the woman was already crazy, given her weird actions.Si Ashton naman ay nadala sa nakakahawang tawa ng babae
NAPASULYAP si Nathan sa natutulog na si Xandra nang naramdaman niyang gumalaw ang kamay nito. Pero natuon ding muli ang kaniyang atensyon sa harapan sapagkat kailangan niyang linawin ang bagay na iyon."Hey, look. It is not what you think it is. I and Caroline are just good friends. Magtigil na kayo riyan at baka magising pa si Xandra," suway nito. Pinunasan niya ang kaniyang labi dahil sa kaunting natapon na tubig kanina ro'n.Ashton groaned. "Dine-deny mo na ngayon si Caroline? Akala ko ba ay girlfriend mo siya? Bakit biglang naging good friends na lang?" seryoso nitong katanungan, wala nang kahit na anong panunukso na mababakasan pa sa kaniyang mukha. "Kasasabi lang din ni May na nakita niya kayong dalawa na nag-aanuhan sa rest room. Ano ang tawag mo ro'n? Friends with benefits?" Mas humigpit ang hawak nito sa manibela, halatang wala na talaga sa huwisyo.Malalim na napabuntong hininga si Nathan. Dapat sana nilang pag-usapan na lang ito nang silang dalawa lang pero dahil nandito na
WALA PANG alas sais ng umaga ay pumasok na si Xandra sa trabaho kasama ng kaniyang bukod tanging kaibigan. Sa katunayan ay alas tres pa lang kanina ay nambulabog na ito sa kanilang bahay upang gisingin siya. Gano'n ka-excited si May sa unang araw ng kaniyang trabaho. Naglilibot pa nga siya ng kaniyang tingin sa bawat sulok ng kompanya at talagang mapagmamasdan sa mga mata niya ang labis na paghanga. Bawat empleyadong nakakasalubong din nila ay binabati niya na parang matagal na niya itong kakilala. Meanwhile, Xandra's attention was drawn by someone. They both diverted their gaze to that specific person. "Cassandra, ipakilala mo naman kami sa kasama mo," anang ng isang lalaking empleyado. Hindi na niya kailangan pang magsalita dahil tama ang kaniyang hinuha na kusang si May na ang magsisimulang mag-ingay para ipahayag ang kaniyang pagkakakilanlan. Maarte pa nitong nilagay ang kaniyang buhok sa likuran ng tainga nito. "Huy, enebe, 'to naman. Nahiya ka pa talagang diretso na sa ak