Share

The Billionaire's Son
The Billionaire's Son
Author: Rhea mae

Kabanata 0001

Nilalaro ni Selene ang mga daliri niya habang inaayusan siya ng isang babae. Muli niyang ibinaba ang maiksi niyang palda. Muling lumandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. Wala na siyang ibang maisip na paraan pa, ito na lang ang naiisip niyang gawin.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at tipid na ngumiti.

“Ano bang itsura yan Selene? Nasa lamayan ka ba? para kang binagsakan ng langit at lupa. Kung gusto mong kumita ng malaki ngayong gabi dapat galingan mo, gandahan mo ang ngiti. Ngiti!” anas sa kaniya ni Mailyn, ang babaeng nakilala lang niya. Siya ang nangunguna na recruiter ng mga kababaihan na handang ibenta ang katawan, auction, kung saan pataasan ng bayad para maangkin sila ng isang gabi.

Ngumiti si Selene kay Mailyn.

“Ganiyan dapat! Napakaganda mo kaya sigurado akong tiba-tiba na naman tayo syempre lalo ka na. Basta tandaan mo, ngumiti ka lang, magpasexy ka. Akitin mo sila sa paraang naiisip mo, magpacute ka, seduce them hanggang sa tumaas nang tumaas ang auction sayo dahil kung meron mang mag-uuwi sa atin ng malaking pera, ikaw yun. Commission lang ang kukunin ko kaya galingan mo ha?” natutuwa pang saad ni Mailyn.

Tumango na lang si Selene at muling napabuntong hininga nang iwan siya ni Mailyn para puntahan ang iba pa niyang kasamahang babae. Tiningnan ni Selene ang mga babaeng nandito rin, halos lahat sila ay naghahanda na pero siya abot hanggang langit na ang kaba sa dibdib niya.

Kailan man ay hindi niya naisip na gawin ang ganitong bagay pero sabi nga nila, hindi mo maiiwasang hindi kumapit sa talim kapag ikaw na ang nagigipit. Tumango na lang si Selene sa sarili niya.

“We need to do it Selene, kaya mo ‘to.” pagpapalakas niya sa sarili niya.

“Okay na yang ayos mo. Maganda ka naman na kasi, mas okay yung natural beauty lang dahil dun mas naaakit ang mga customers pero sigurado ka ba talaga sa gagawin mong ito? You’re so beautiful Selene. Sa gagawin mo sisirain mo ang buhay mo.” bakas ang pag-aalala at panghihinayang sa boses ng babae pero nginitian lang siya ni Selene.

“I really need it saka ito naman na rin ang una at huli kong gagawin ito.” sagot niya na ikinatango ng babae sa kaniya.

“Well, I hope too that this will be the last I see you here.” ngumiti na lang sa kaniya si Selene at mas lalong ginapang ng kaba si Selene nang magsalita na si Mailyn.

“Okay girls, ready dahil mag-uumpisa na ang auction. Galingan niyo dahil depende sa galing niyong mang-akit ang iuuwi niyong pera.” Saad niya sa kanilang lahat. Napalunok si Selene pero wala na itong atrasan dahil nandito na siya, ito na lang din ang paraan para makakuha siya ng malaking pera na kakailanganin niya.

Tumayo na siya at sumunod na siya sa mga kasamahan niya. Naiyuko niya ang ulo niya at pinaglalaruan niya na ang mga daliri niya sa sobrang kaba. Ramdam niya na rin ang malamig na pawis sa mga palad niya.

Isa-isa silang umakyta sa stage at tumambad sa kaniya ang maraming kalalakihan. Mas lalo siyang napalunok at kinabahan ng halos lahat sila rito ay may mga edad na. Kung meron mang mga binata kaunti lang.

“Okay unahin na natin si Ms. Marissa.” Saad kaagad ng mc at pinapunta na sa harapan yung Marissa. Pinapanuod lang ni Selene ang mga kasamahan niya lalo na ang unang tinawag. Matamis na ngumiti si Marissa at inumpisahan niya ng magpasexy sa harap nilang lahat.

Sa nakikita pa lang niya hindi niya alam kung kaya niya ba yun.

“Fifty thousand for that lady!” napalunok si Selene, kung maliit lang ang kikitain niya ngayong gabi imposibleng mapaopera niya kaagad ang kapatid niya dahil kung hindi siya makakapag-uwi ng malaking halaga ngayon maaaring babalik na naman siya sa lugar na ito at iyun ang ayaw niyang mangyari.

“Five hundred thousand!” mas nalulula na si Selene sa presyo na binibitawan ng mga bidders sa mga kasamahan niya. Nagpatuloy ang auction at siya pa ang nasa hulian. Kinakabahan siya dahil paano kung lahat ng mga matataas magbid ay nakuha na ng mga kasamahan niya?

Hindi siya pwedeng mawalan ng pag-asa. Muli niya sanang ibababa ang maiksi niyang palda nang maalala niya ang sinabi ni Mailyn na kailangan nilang magpasexy o magpaganda sa mga customers.

Tinawag na ang mga kasamahan niya at unti-unti na silang nawawala sa stage kasama ng mga lalaking nakakuha sa kanila. Gusto niyang iangat ang ulo niya pero sa tuwing nakikita niya ang tingin sa kaniya ng mga kalalakihan ay nangangatog na sa takot ang tuhod niya.

Natatakot siya kung sino ang makakakuha sa kaniya pero wala rin naman siyang pamimilian.

Kailangan niyang ituloy ito at dahil ito na lang ang paraan para mabilis siyang makahanap ng perang makakapagpaopera sa kapatid niya. Silang dalawa na lang ang natitira, sila na lang ang merona ng isa’t isa kaya hindi niya hahayaang mawala ang kapatid niya dahil wala siyang nagawa.

“And our stunning young lady and face of the night please come forward beautiful lady.” Tawag na sa kaniya ng mc. Ngumiti si Selene at sinusubukang tingnan ang mga customers sa ibaba. Lahat sila ay nakatingin sa kaniya, punong puno ng mga pagnanasa ang kanilang mga mata.

Ramdam niya ang titig sa kaniya at ang pagtingin ng mga ito sa katawan niya na tila ba hinuhuburan na siya sa mga isip nila.

“One million pesos for the lady!” malakas na sigaw ng isang nasa mid 30s na lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Selene sa laki ng bid kaagad sa kaniya. Maging ang mga staff ng club dahil ito ang kauna-unahan na nag-umpisa ang unang bid sa isang milyon.

“Isang milyon, ang laki nun.” Nalulula ring wika ni Mailyn at dahil siya ang nakarecruit kay Selene, tiba-tiba rin ang iuuwi niya.

“1.5 million!” sigaw din ng isa pa. Tiningnan ni Selene ang matanda at halos maubos na ang laway niya sa kakalunok. Sa tingin niya ay nasa 50s na ang matandang lalaki. Nginisian siya ng matanda at punong puno ng pagnanasa na tila ba sisiguraduhin niyang siya ang makakaangkin kay Selene ngayong gabi.

Samantala, tatlong mga binata naman ang nakamasid kay Selene. Seryosong nakatingin sa kaniya ang isang lalaki, ang mga mata niyang tila nag-aapoy.

“Bakit parang it’s her first time?” wika ng kaibigan nila. Pare-pareho silang tamado ng mga alak. Diretso lang ang tingin ng isang lalaki sa kaniya.

“Three million pesos!” sigaw na naman ng matandang lalaki ng may magtaas ng bid sa kaniya kanina. Siguradong wala ng kawala si Selene sa matanda dahil mukhang desidido siya.

Alam niyang mali pero maililigtas niya ba ang kapatid niyang nag-aagaw buhay sa hospital? Minsan lang naman at hindi niya na uulitin pa.

Muling tiningnan ni Selene ang matandang lalaki na handang magwaldas ng malaking pera para sa kaniya. Ang mga ngisi niyang tila ba sinasabing akin ka lang. Tipid na ngumiti si Selene at bumuntong hininga.

“She looks scared,” wika na naman ng binata. Tatlo silang magkakaibigan na nanunuod.

“Three point five million pesos, wala na ba? going once, going twice? Okay, sold!” naipikit ni Selene ang kaniyang mga mata. Isang matandang lalaki ang nanalo sa bid sa kaniya, isang matandang lalaki ang makakasama niya sa loob ng magdamag.

“Axel,” tawag ng mga kaibigan niya sa kaniya nang umalis si Axel. Napapailing na lang si Axel habang tinitingnan niya kanina ang dalaga na tila ba nababalot ng takot.

Bumalik na sila sa likod ng stage at bagsak ang balikat ni Selene na naupo. Siya man ang may pinakamalaking bid ngayong gabi, ito naman ang pinakamatanda.

“Ang galing galing, 3.5 million ang laki ng commission ko sayo!” tuwang tuwa pa ring wika ni Mailyn pero tipid na lang na ngumiti si Selene sa kaniya. Matapos nilang lahat ay tinawag na rin siya dahil isasama na siya ng matandang lalaki kung saan man siya nito dadalhin.

Nauna na si Selene sa isang kwarto sa hotel. Madilim ang paligid, nakaupo na lang siya sa isang sulok at hindi mapigilang hindi mapaiyak. Nanginginig ang buo niyang katawan and she’s not ready to give her virginity.

Pero sa tuwing naiisip niyang malaking pera ang iuuwi niya at mapapaopera niya na ang kapatid niya, nagkakaroon siya ng lakas ng loob.

Mas lalong nanghina ang mga tuhod niya nang may pumasok na sa kwartong kinaroroonan niya. She couldn’t see his face clearly, he rushed into the room, tore off Selene thin clothes and tortured Selene’s virgin like a devil.

“Please be gentle,”

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Jayrose Gayondato
Ang Ganda Po
goodnovel comment avatar
Charlot Espadilla
unlock pls.
goodnovel comment avatar
Charlot Espadilla
parang maganda ang story nya, nakakainlove.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status