Mas naging interesante ako sa kwento ni Rosalyn tungkol kay Alonzo. Pero kahit gusto ko pang pakinggan ang kasunod ng rebelasyong iyon ay hindi naman niya itinuloy at biglang nag change topic.“By the way, gusto mong magtrabaho dito? Para naman malibang ka at hindi mo palaging maisip sina Anna at Nero.”Agad akong tumango. “Iyon nga ang balak ko. Kung may bakante pa naman, Ros.”Malawak ang naging pagngiti niya sa akin. “Siyempre naman no! Kahit wala pang bakante ay talagang babakantehan kita, Mits.”Tipid akong ngumiti.“Huwag kang mag alala, Mits. Hangga't nandito ka ay tutulungan kitang makalimot sa hayop na ex-husband mo na 'yon.”Pagkatapos pakainin ni Rosalyn ang mga anak niya ay binihisan naman niya ang mga ito. Habang pinapanood ko siyang abala sa mga anak niya ay napatitig ako sa mga ito.“Hindi ka takot magpa-abort. Kung hindi mo alam kung saan ka nagkulang at kung bakit ka niya nagawang lokohin. It's because you lack in this aspect, Mitsy. Hindi mo kayang manindigan sa mali
Gusto kong matawa kaso ay baka biglang mawirdohan siya sa akin. Ang mukha niya ay kilala ko pero ang pagkatao niya bilang si Alonzo ay hindi.Umiling ako. “Hindi. Ito ang unang beses na nagkakilala tayo,” sabay ngiti ko ng tipid.Napayuko siya. Saka marahang tumango. Humugot ng malalim na hininga saka naglakad ng mabilis at nilagpasan pa ako. Malalaki ang mga naging hakbang niya na halos tumatakbo na ako makasabay lang sa kanya. Hindi na niya ako muling pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad siyang pumasok sa kwarto niya na tahimik lang.Kumunot ang noo ko habang nakatingala doon.“Galit ba siya? Is he expecting me to know him?”Matapos ang ilang sandali ay nagkibit balikat ako at nagtungo na lamang sa kusina. Oo nga pala at hindi pa ako nakakapag grocery kaya ano itong ginagawa ko sa kusina?“Pero gusto kong kumain ng tinapay na may maraming asukal,” sabay haplos ko pa sa tiyan ko.Naghapunan naman ako kanina pero feeling ko ay hindi iyon sapat at talagang hindi matatahi
Huminto ako sa pag iyak. Umasa ako at naghintay na iluluwa nga niya ang pagkain ko pero hindi nangyari. Kinunutan niya ako ng noo at tiningnan lang.“Kung maka-demand ka, akala mo naman pagkain mo. E inutang mo lang naman 'yan sa akin. Ubusin mo 'yan lahat ah? Saka matulog ka na. Sasabihan ko si Rosalyn bukas na ipa-check up ka.”Nilagpasan niya ako at lalabas na dapat siya ng kusina.“Bakit ako ipapa-check up? E, wala naman akong sakit.”“Tss!”Nagpatuloy siya sa paglabas at nagdire-diretso sa pag akyat patungong kwarto niya. Ako naman ay bumalik na sa pagkain ko. Pero makalipas lang ang ilang sandali ay nawalan na rin ako ng gana at iniligpit ko na lang ang mga pagkain. Kaya kinabukasan ay nakabusangot na mukha ni Alonzo ang bumungad sa akin pagkababa ko ng kusina.Tatanungin ko na dapat siya kung bakit masama ang tingin niya sa akin. Pero mukhang alam ko na agad kung bakit matapos kong mababaan ng tingin ang bukas na ref kung
Tahimik lamang akong nakasunod kay Alonzo habang naglalakad kami papasok ng wet market. Kanina niya pa akong hindi kinakausap. Tinanong niya lang kung anong mga bibilhin ko at nang ipinatingin ko nga sa kanya ang listahan ko ng mga bibilhin ko ay hindi na niya muli pang ibinalik sa akin ang listahan. At siya na nga itong nangunguna lagi sa paglalakad."Alonzo! Nandito ka ulit. Mga bagong dating itong mga karne namin! Anong parte ang gusto mo?" anang medyo may edad na babae sa pwestong unang nilapitan ni Alonzo."Hija, fresh na fresh pa itong mga karne namin. Pili ka lang," sabi rin nito sa akin nang tumabi ako kay Alonzo. "Kikay, tumulong ka nga dito at sunod sunod ang dating ng mga customers.""Kasama ko po siya Aling Nenet," sabi ni Alonzo na siyang nakapagpatigil sa ali."Ka-kasama? Nagkita na ulit kayo ng asawa mo?"Napatingin ako kay Alonzo. Totoo pala talagang may asawa na siya.Mahinanag natawa si Alonzo."Sino?! SI Alonzo?! Nakita na ni Alonzo ang asawa niya?!" malakas na tanon
Hindi ko alam kung paano akong nadala nina Rosalyn sa hospital. Tila wala ako sa sarili habang ibinabyahe nila ako at ang tanging kumukuha lamang sa atensyon ko ay ang dugong patuloy na dumadaloy sa paanan ko.I wasn't on my right mind. Parang natauhan lang ako no'ng hinawakan ni Alonzo ng mahigpit ang kamay ko kasabay nang pagbigkas ng doktor sa mga salitang hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikababagsak ng mundo ko."Mabuti na lang at agad niyo siyang naitakbo dito bago pa lumala ang lahat. Salamat pa rin sa Diyos at ligtas ang bata sa sinapupunan niya.Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Buntis? Ako? Ako 'yong buntis. At muntik na akong makunan."Sorry. . ."Napatingin ako kay Alonzo nang banggitin niya 'yon. Sobrang hina ng pagkakasabi niya pero dahil malapit na malapit siya sa akin ay dinig na dinig ko.Nagpaalam ang doktor at nang maisarado ang pintuan ay sunod kong narinig ang marahas na pagbuntonghininga ni Rosalyn. Wala si Eugene dahil na rin sa anak nilang may sakit pa a
“Andyan na sila! Andyan na sila!”Agad akong napalingon sa labas nang marinig ang boses ng mga taong kanina pa nag aabang sa pagdating ng mga mangingisda.“Woah! Ang lalaki naman ng mga huli ninyo ngayon!”“Ang saya! Tiba-tiba na naman tayo nito sa palengke!”Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Sumandal ako roon upang tahimik silang pagmasdan.Si Alonzo ay abala sa pakikipagtawanan sa mga kasamahan niya habang naglilipat ng mga isda sa lagayan ng babaeng bumibili.Bakas sa mukha niya ang tuwa dahil sa mga nahuli.“Asuuus! May nakangiti habang pinagmamasdan si Alonzo. Inlab ka na sa kanya, Mits?”Agad akong umayos ng tayo at nilingon si Rosalyn. Hindi na ako masyadong nagsusuka at medyo unti-unti nang nakakabawi ng lakas ang katawan ko kaya nakakapaglakad-lakad na ako.Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanya. “Hindi no! Natutuwa lang ako kasi ang dami nilang huli ngayon.”“Iyon lang ba talaga o natutuwa ka kasi nakangiti si Alonzo? Yieeee! Umamin ka na kasi! Nafa-fall ka na
“Kumusta ang trabaho?”Aligaga agad ako at nagmadali sa pagpapainit ng mga pagkaing hinanda ko kanina pa. Alas sais pa lang ay nakapaghanda na ako ng hapunan namin pero nanlamig na lang lahat dahil ang tagal umuwi ni Nero.Mag a-ala una na ng madaling araw at ngayon pa siya umuwi. Hindi ko maintindihan. Hindi naman siya ganito nung hindi pa kami ikinakasal. Hindi naman siya late kung umuwi.“Huwag mo nang painitin 'yan. Hindi naman ako kakain,” malamig niyang sabi.Agad akong nahinto sa ginagawang paglalapag ng plato sa lamesa. Tuluyan ko 'yong inilapag bago sinundan si Nero paakyat sa kwarto.“Kumain ka na? Saan ka kumain?”As far as I can ay sinusubukan kong huwag itanong sa kanya kung bakit sunod sunod na ang mga gabi na late siyang umuuwi. Ayaw kong mairita siya sa akin kahit na alam kong karapatan ko naman 'yon. Sinusubukan ko siyang intindihin. Maybe because nag a-adjust pa lamang siya sa buhay na may inuuwiang asawa gabi-gabi.Dalawang buwan pa lang kaming kasal ni Nero. Pagkat
“Hindi ko maintindihan! Paano niya nagawa 'yon? E, hindi ba ay mahal na mahal ka ng asawa mo?”“Iyon nga rin ang akala ko, Ros.”Umiiyak ako habang kausap ang kaibigan kong si Rosalyn sa kabilang linya. Siya lang ang mapagsasabihan ko nitong sakit na nararamdaman ko. Gustuhin ko mang sabihin ito sa mga magulang ko ay hindi ko magawa. Ayaw kong pati sila ay masaktan kapag nalaman nilang ang niloko ako ng asawa ko. Mahal na mahal at botong boto sila kay Nero bilang asawa ko. Ayaw kong kamuhian nila ito. Siguradong masasaktan lang sila. Ayaw kong mangyari 'yon.“Hindi pa rin ako makapaniwala, Mits!”“Kahit naman ako. Ang hirap hirap tanggapin. Kung hindi na pala niya ako mahal, bakit pa kami nagpakasal? Bakit pa siya nag aya ng kasal?”“Kahit isang beses ay hindi ko pa nakikita ang asawa mo. Pero base sa mga kwento mo noon ay mabuting boyfriend naman siya. Bakit kung kailang nagpakasal na kayo, doon pa siya nagloko?”Sa Tagbilaran City nakatira si Rosalyn. 16 years old pa lang kami nang