"What the hell are you talking about? Do not touch me!" nandidiring saad ng babae at tumayo. Lumayo ito sa akin. Ngumiti ako at pilit na pinapakalma ang sarili kasi napaka-OA niya kung maka-react. "I am his wife." "Wife?" Hindi pamakapaniwalang tanong ng babae sa akin habang naiinip na pinagmamasdan silang lahat. Itinaas ko ang kamay ko para ipakita ang wedding ring namin. "We're married," mariin kong sabi at nilingon si Raheel. "If you're done having fun with my husband, I'll take him home now because his grandfather is already calling for him to go home." Napamura ako nang bigla akong itinulak nang dalawang babae nang lalapitan ko sana si Raheel dahil wala na siya sa sarili. Ang clingy niya kapag nalalasing. Napabuga ako ng hangin at pinasadahan sila ng tingin. Nang lingonin ko uli si Raheel, nakahiga na siya sa hita ng babae. Nakapikit na ang mga mata niya. "How can you be his wife if you look like that?" the dark-skinned woman asked with a smile as she pushed me away. Tinin
"Anong nangyari sa apo ko?" nag-aalalang tanong ni Chairman Marcelo pagkauwi namin sa villa. Tumingin siya kina Knight at Logan. "Hinayaan niyo na naman ba siyang uminom?" Hindi makasagot ang mga kaibigan ni Raheel. Nakayuko lang silang dalawa at hindi rin makatingin kay Chairman Marcelo. "Bakit ganiyan ang itsura mo, hija?" tanong ni Chairman sa akin nang lingonin niya ako. "Napalaban lang po. Pagdating ko kasi sa bar naabotan ko si Raheel na pinapalibutan ng mga kababaihan. Lasing na lasing at parang wala na sa sarili. Ayaw nila akong padaanin para kunin si Raheel kaya -" Napatingin ako kina Logan at Knight nang bigla silang tumawa. "Kung nakita niyo lang po kung paano siya makipaglaban kanina, Chairman," saad ni Logan at pilit na pinipigilan ang pagtawa niya. "Para akong nahimasmasan sa alak na nainom ko nang nakita ko siyang nakikipag-away sa mga babaeng kasama ni Raheel sa bar. Ang galing-galing niyo rin mamili ng babaeng para sa apo niyo, Chairman. May asawa na si Raheel at
As we drift off to sleep in a cozy beachfront bungalow, I feel a sense of contentment and gratitude for the experiences of the day. Ang ganda-ganda ng mga isla na napuntahan namin. "Sa couch ako matutulog at dito ka naman sa kama," saad ko pagkapasok namin sa kwarto. "We'll sleep together, Anabelle." "No." "Why?" Inayos niya ang kama. "Naaalibadbaran ako sa mukha mo!" Umupo ako sa couch pagkatapos kong ilagay roon ang aking kumot. Humiga ako at inabala ang sarili sa pagtingin ng mga litrato ko kanina. "Maliligo muna ako," sabi niya. Napatingin ako sa pinto nang isara niya ito ng malakas. Umupo ako habang binubuksan ang social media accounts ko para i-upload ang mga larawan ko kanina. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang naisip ang magiging epekto sa akin kapag in-upload ko ang mga larawan ko. "Upload ko na lang ito kapag hiwalay na kaming dalawa ni Raheel," bulong ko sa sarili. Tumayo ako at binuksan ang TV. Manunuod muna ako ng palabas hanggang sa dalawin ako ng antok.
Weeks passed, and I had not seen Raheel return to the mansion after our almost two-week vacation and honeymoon in Japan. Hindi ko alam kung umuuwi ba siya kasi maayos naman ang kwarto niya sa tuwing dadaan ako roon upang i-check kung umuwi ba siya. Kung umuuwi man siya, siguro gabi na siya nakakauwi at maaga rin umaalis. Si Chairman Marcelo naman ay wala rin sa mansiyon, nasa hospital siya for dialysis. Huli kaming nakapag-usap ni Raheel nang nag-island hopping kami. After that night, hindi niya na ako kinausap uli. At nararamdaman ko na naman ang cold treatment niya sa akin. Hindi ko alam kung may maling nasabi ba ako sa kaniya. Nawala ako sa pag-iisip nang napansin ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng bedside table. Agad kong sinagot ang tawag nang nakita ko ang pangalan ni Raheel. "Open the door. I'm home," saad niya na siyang ikinagulat ko. Umahon ako sa kama at tumingin sa pinto. "Home? You mean nandito ka ngayon sa mansiyon?" "Yes. May ibibigay ako sa
Hindi ako makagalaw sa kinatatayoan ko pagkatapos akong iwan ni Raheel sa coffee shop kasama sina Lara at Tita Minerva. Parang nakabalik lang ako sa sarili ko nang hawakan ni Lara ang braso ko. "Ate Ana," malungkot na sambit niya. Napatitig ako ng ilang segundo kay Tita Minerva. Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan ito. "Ikaw ba ang asawa niya, Ana?" nakangising tanong ni Tita Minerva at sumimsim ng sigarilyo. "Hindi mo naman sinabi sa akin na magkakilala pala kayo ng Kuya ni Lara." "Mama!" saway ni Lara sa kaniyang ina. "Bakit, Lara? May masama ba sa sinabi ko? Magkapatid naman talaga kayong dalawa," proud na saad ni Tita Minerva at sinimulang inomin ang kape niya. Tumingin siya sa akin. "Anabelle, total asawa mo naman pala si Raheel, baka pwede mo siyang kausapin tungkol kay Lara. May karapatan din naman ang anak ko dahil may dugo rin siyang Del Fuego. Lumalaki na rin kasi ang gastosin ni Lara sa pag-aaral niya. Hindi ko na kayang tustosan." "Ma, gusto ko lang makilala ang p
Isinangla ko ang cellphone na ibinigay ni Raheel sa akin para may magamit akong pera. Kailangan kong makahanap ng matutuloyan bago gumabi. Wala akong balak gamitin ang credit card na ibinigay sa akin ni Chairman Marcelo. Lalo na ngayon na pinalayas ako ng apo niya. Baka mas lalong pag-isipan ako ng masama ni Raheel. Kahit malakas pa rin ang ulan, hindi pa rin ako huminto sa paghahanap ng murang boarding house o bed space. "Kailangan mong magbayad ng advance payment para sa susunod na buwan, hija," saad ng land lady ng boarding house na nakita ko. "Sige po," sabi ko at ibinigay sa kaniya ang pera pagkatapos kong pirmahan ang kontrata. "Saan ka ba galing? Pinalayas ka ba sa inyo? Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na at baka magkasakit ka pa." Tinulongan ako ni Ate Maricel, ang may-ari ng boarding house, sa pagpasok ng mga gamit ko sa loob ng kwarto. Ngumiti na lang ako kesa piliing sagotin ang tanong ni Ate Maricel. Gusto ko na rin makapagbihis dahil basang-basa ang suot
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi rin ako nakakain ng maayos sa kaiisip kung paano ko mairaraos ang pagbubuntis ko. Maghahanap pa ako ng trabaho, pero ngayong nalaman kong buntis ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Binabalak ko pa naman sanang bumalik sa pag-aaral kapag nakahanap na ako ng trabaho. Nang nakaramdam ako ng gutom ay roon pa lang ako bumangon para magluto. Napabuga ako ng hangin nang nakitang mag-a-alas otso na pala ng gabi at hindi pa ako kumain ng hapunan. Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na may laman ang tiyan ko. Sana panaginip lang ang lahat. Hindi ko aakalain na mabubuntis ako sa ganitong edad. Walang trabaho at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Naagaw uli ang atensiyon ko nang tumunog ang cellphone ko. Napabuga ako ng hangin nang nakita ko na naman ang pangalan ni Chairman Marcelo. Hinayaan ko lang siyang tumawag. Wala akong balak na sagotin ang tawag niya dahil natatakot ako. Kahit walang katotohanan ang mga binibi
"I'm not acting, Raheel. Paniwalaan mo na kung ano man ang gusto mong paniwalaan. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa 'yo," saad ko at nilampasan siya. Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko. "Bitawan mo nga ako!" Napansin ko ang paglapit ni Zeus sa akin. Nakatingin na siya kay Raheel. "You're hurting her." "Huwag kang mangialam dito kung ayaw mong madamay!" saway ni Raheel sa kaniya at mas lalong humigpit ang paghawak niya sa braso ko. "You're hurting her, Mr. Del Fuego!" "I don't fucking care! She's my wife!" sigaw ni Raheel. Saglit na natigilan kaming dalawa ni Zeus. Humugot ako ng malalim na hininga at muling binawi ang braso ko kay Raheel. Napamura ako nang nabawi ko ito. "Ano bang problema mo? Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa akin? Gusto ko ng tahimik na buhay, Raheel! Lumayo na nga ako sa 'yo, 'di ba? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses. Wala akong pakialam kung may n