The Billionaire's Substitute Bride

The Billionaire's Substitute Bride

By:  Deigratiamimi  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating
24Chapters
409views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Raheel ang nag-iisang tagapagmana ng Del Fuego Industries. Ikakasal na sana siya ngunit biglang nawala ang bride niya. Siya ay ulila sa magulang at tanging Lolo niya lang ang nag-alaga sa kaniya. Dahil sa malubhang karamdaman ng kaniyang Lolo, mapipilitan siyang pakasalan si Anabelle kapalit ng mana na makukuha niya. Si Anabelle ang babaeng sumagip sa buhay ng Lolo niya nang ito ay nakidnap. Mapipilitan din siyang sundin ang kagustuhan ni Chairman Marcelo na ikasal sa apo nito kapalit ng perang kakailanganin niya para sa operasiyon ng kaniyang ina. Siya ang maging substitute bride ni Raheel. Naganap ang kasal kahit na hindi nila ito gusto. Masasakit na salita at malamig na pagtrato ang natanggap ni Anabelle kay Raheel, ngunit nanatili pa rin siya sa puder ng asawa alang-alang sa kapakanan ng kaniyang ina. Gumuho ang mundo ni Anabelle nang bumalik ang dating fiance ng kaniyang asawa. While Raheel found himself in a situation where he had no choice but to leave his wife he never thought he would in order to heal their souls. Meanwhile, Anabelle found herself running away from him, exhausted from everything.

View More
The Billionaire's Substitute Bride Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Deigratiamimi
Finally, available and visible na po ang book na 'yo. Sana suportahan ninyo ang bagong book ko. Thank you!
2024-06-12 20:33:53
1
24 Chapters
Chapter 1
Tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na akong nakauwi kanina. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store bilang cashier. Nagsaing ako ng kanin at nagluto ng hotdog. Binuksan ko ang aking mini refrigerator at kumuha ng karneng manok na nakasilid sa isang plastic. Magluluto ako ng adobong manok para kay Nanay dahil bibisitahin ko siya mamaya bago ako pumunta sa trabaho. Ito ang paborito niyang ulam kaya sisiguradohin kong magugustohan niya ito. Napatalon ako nang may marinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. “Sandali lang!” sigaw ko habang tinatanggal ang suot kong apron. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Aling Maria na nakabusangot ang mukha habang ito’y nakapamewang. Siya ang may ari ng bahay o kwartong inuupahan dito. Kasama niya ang tatlong lalaking karpintero na nagtatrabaho sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Magandang tanghali po,” bati ko ngunit nilampasan niya lang ako. Pumasok siya sa loob ng kwarto at tiningnan ang akin
Read more
Chapter 2
Nakaramdam ako ng gutom habang naglalakad sa daan. Nakalimutan kong kumain kanina dahil dumating si Aling Maria. Hindi ko rin nadala ang paboritong ulam ni Nanay na niluto ko. May nakita akong maliit na tindahan at naglakad patungo roon. Bumili ako ng limang pirasong tinapay at isang bote ng tubig. Kumakain ako ng tinapay hanggang sa napadpad ako sa isang iskinita kung saan may nakita akong kumpolan ng mga lalaki. Nagtago ako sa likod ng poste at sinusubokang tingnan ang kanilang ginagawa. May nakita akong matandang lalaki na nakahiga sa lupa habang ito’y binubugbog at sinisipa ng mga kalalakihan. “Papatayin ka namin!” sigaw ng isang lalaki. Kinilabotan ako sa aking narinig. Sinuntok niya ang mukha nito at sinipa. Kumuha ako ng mga maliliit na bato at iniligay iyon sa aking bulsa. Nagsuot din ako ng face mask para matakpan ang aking mukha. Kung hindi ako tutulong paniguradong mamamatay ang taong binugbog nila. Ibinato ko sa iba’t-ibang parte ng lugar ang mga bato upang gumawa ng i
Read more
Chapter 3
"You want me to marry this woman kung hindi ko makikita si Andrea?" Napasinghap ang apo ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan ito ng masama nang nakita ang nakakainsulto niyang pagtingin sa akin. "I will not marry this woman!" "Asa ka rin na magpapakasal ako sa isang tulad mo, 'no!" galit na singhal ko sa kaniya. Bumaling ako sa matanda. "Sir, kung ano man ang trip niyo labas po ako riyan. Huwag niyo po akong isali sa problema ng pamilya niyo. Kung wala po pala kayong kailangan sa akin, maari na po ba akong umalis? May trabaho pa po ako para makaipon pangpaopera sa Nanay ko." "You can stop working today if you'll agree to marry him, hija." "Ano?! Hindi po pwede 'yan, Sir. Kailangan ko ang trabaho ko. Hindi ako hihinto sa pagtatrabaho para upang pakasalan ang apo niyo. Inuulit ko po, labas po ako kung ano man ang problema ng pamilya niyo." "Kita mo 'yan, Lolo? Ayaw niya rin sa akin. Ayaw namin sa isa't isa. Paalisin mo na nga lang ang babaeng 'to! Tingnan mo nga ang itsura niya
Read more
Chapter 4
Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong araw. Nawalan ako ng matutuloyan at trabaho, pati mga gamit ko ay nawala rin sa akin dahil hindi ko nakuha kanina. Pumara ulit ako ng jeep patungo sa hospital kung saan naka-confine si Nanay. Tiningnan ko ang pera sa loob ng wallet ko. Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang isang libong piso. Paano ko pagkakasyahin ang perang 'to? Maghahanap pa ako ng matitirahan at trabaho. Bibigyan ko pa ng sahod si Lara dahil siya ang nagbabantay kay Nanay habang wala ako. "Kuya, bayad po," sabi ko sabay abot ng isang libong piso. Kumunot ang noo ng jeepney driver nang nakita ang pera ko. "Wala ka bang barya riyan, hija? Bente pesos lang ang makukuha sa pera mo. Mauubos ang perang panukli ko." "Wala po akong barya, Manong. Ito lang talaga ang meron sa 'kin -" "Bayad po, Manong. Ako na lang po ang magbabayad sa pamasahe niya." Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Nahihiyang ibinalik ko na lang sa wallet ang pera ko.
Read more
Chapter 5
Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko. "Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo." "A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi. "This is Chairman Marcelo of Del Fuego Industries -" "Good evening po, Chairman. Si Anabelle po ito. Pasensiya na po kung napatawag ako sa ganitong oras." "Anabelle? Ikaw ba 'yung babaeng tumulong sa akin kanina?" "Yes po. Ako nga po," nahihiyang saad ko. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, hija? I forgot to ask your name earlier dahil mukhang nagmamadali ka habang ang apo ko namang si Raheel ay hindi makausap ng maayos." Tiningnan ko si Nanay. "Ayos lang po. Walang problema sa akin 'yon." "Kumusta na pala ang Nanay mo?" Hindi ako nakasagot agad. Nanatili lang akong nakatitig kay Nanay habang kinukuskos ang kuko ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagaw
Read more
Chapter 6
"Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly.Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ito ni Raheel. Nakatitig siya sa akin na para bang hinihila niya ang kaluluwa ko palabas. Mabilis ang tibok ng puso na siyang nagpadagdag ng kaba ko. Tumingin ang pari sa kaniya. "Raheel, do you take Anabelle to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish until death do you part?"Humigpit ang paghawak niya sa mga kamay ko. Kinakabahan ako habang hinihintay siyang sumagot. Nakasalalay sa mga kamay niya ang buhay ni Nanay. Pagkatapos ng kasal namin ay saka pa ooperahan si Nanay. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Chairman Marcelo. Siguro naiinip na rin siya
Read more
Chapter 7
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at sinuklay-suklay ko ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magsuklay ay roon pa lang ako lumabas ng kwarto para balikan ang ibang panauhin. Pagbaba ko nang hagdanan, nakita ko sina Chairman Marcelo at Raheel na nag-uusap. Sumilip ako sa labas, umuwi na ang ibang guest dahil wala na akong nakita. Nginitian ako ni Chairman Marcelo nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumaway siya sa akin at pinapapunta sa kinaroroonan nila. "Nagustohan mo ba ang mga binili kong damit para sa 'yo?" tanong ni Chairman Marcelo habang sumisimsim siya ng tsaa. Tumango ako at umupo sa tabi ni Raheel. "Maraming salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad ko. May kinuha si Chairman Marcelo sa bulsa
Read more
Chapter 8
Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cabinet, may hinahanap siya roon. Bumalik ako sa pagkakahiga habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. Ginagamot niya ang kaniyang sugat. Ipinikit ko ang mga mata ko matulog dahil maaga pa ako bukas. Pupuntahan ko si Nanay at ibibigay ko rin ang sahod ni Lara. Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong kumalampag sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na kaya tumingin ako sa wall clock. Pasado alas dos pa ng madaling araw. Sinilip ko si Raheel, nakatagilid siya at niyayakap ang sarili. Huminga ako ng malalim bago umahan. Naghanap ako ng kumot sa cabinet at ibinalot ito sa katawan niya. Hinaan ko rin ang aircon para hindi siya gaanong lamigin. Kinabukasan, nagising ako na w
Read more
Chapter 9
Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang ang lahat. Pinakasalan kita dahil kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mukha na akong pera," sabi ko. Nagkibit-balikat siya at kinuha ang supot. "Fine. Hindi mo naman 'to kailangan dahil binigyan ka ni Lolo ng pera, right?" Itinapon niya sa basurahan ang mga pagkain. Kumukulo ang dugo ko sa galit habang pinagmamasdan siyang isarado ang basurahan. "Ano ba ang meron sa 'yo at bakit gustong-gusto ka ni Lolo para sa akin? We don't even know kung saan ka galing. Basta-basta ka na lang pumasok sa mga buhay namin. He forced me to marry you. Hindi niya man lang ako hinayaang pumili kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko." "Sa tingin m
Read more
Chapter 10
Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si Nanay. Ang bilin ng doktor ay huwag daw muna siyang magsasalita. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kahit kating-kati na akong makipag-usap kay Nanay, pinigilan ko ang sarili ko. "Ate Ana, kumain po muna kayo. Pupunta muna ako sa school," sabi ni Lara pagkatapos niyang kumain. "Sige. Ako na ang bahalang maglinis diyan. Baka mahuli ka pa," saad ko. Tumayo ako at kinuha sa kaniya ang mga plato. Habang kumakain, abala rin ako sa kaiisip kung papaano ko sasabihin kay Nanay na ikinasal ako nang wala siya. Ayokong ilihim sa kaniya ang totoo. May karapatan siyang malaman dahil anak niya ako. Pero takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka mabigla siya at
Read more
DMCA.com Protection Status