Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang ang lahat. Pinakasalan kita dahil kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mukha na akong pera," sabi ko. Nagkibit-balikat siya at kinuha ang supot. "Fine. Hindi mo naman 'to kailangan dahil binigyan ka ni Lolo ng pera, right?" Itinapon niya sa basurahan ang mga pagkain. Kumukulo ang dugo ko sa galit habang pinagmamasdan siyang isarado ang basurahan. "Ano ba ang meron sa 'yo at bakit gustong-gusto ka ni Lolo para sa akin? We don't even know kung saan ka galing. Basta-basta ka na lang pumasok sa mga buhay namin. He forced me to marry you. Hindi niya man lang ako hinayaang pumili kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko." "Sa tingin m
Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si Nanay. Ang bilin ng doktor ay huwag daw muna siyang magsasalita. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kahit kating-kati na akong makipag-usap kay Nanay, pinigilan ko ang sarili ko. "Ate Ana, kumain po muna kayo. Pupunta muna ako sa school," sabi ni Lara pagkatapos niyang kumain. "Sige. Ako na ang bahalang maglinis diyan. Baka mahuli ka pa," saad ko. Tumayo ako at kinuha sa kaniya ang mga plato. Habang kumakain, abala rin ako sa kaiisip kung papaano ko sasabihin kay Nanay na ikinasal ako nang wala siya. Ayokong ilihim sa kaniya ang totoo. May karapatan siyang malaman dahil anak niya ako. Pero takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Natatakot akong sabihin sa kaniya dahil baka mabigla siya at
Nanatili ako sa labas ng kwarto ni Nanay dahil nagwawala siya kapag nakikita niya ako. Magdadalawang oras na ako sa labas habang hinihintay na kumalma si Nanay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang gunaling siya. Hindi ko aakalain na panunumbat ang makukuha ko sa kaniya matapos kong gawin ang lahat mailigtas lang siya. Hindi ko matanggap na kinamumuhian ako ng sarili kong ina. Ako ang sinisisi niya kung bakit siya itinakwil ng pamilya niya at hindi siya nakatapos sa pag-aaral. "Miss Anabelle..." Agad akong nag-angat ng tingin kay Dr. Santos nang nakita ko siyang lumabas ng kwarto. Tumayo ako at nilapitan siya. "Nakausap ko ang isa sa pamilya ng Nanay mo. Pupunta raw sila rito." "Talaga po? Paano niyo po nalaman ang -" "Ang Nanay mo mismo ang tumawag sa kaniya." Bumuntong si Dr. Santos. "Pinapasabi niya rin pala na ayaw ka raw niyang makita. Hindi raw siya magdadalawang-isip na magpakamatay kung makikita ka niya ulit." Bumagsak ang balikat ko. Para akong binuhosan ng malamig na
Bumaba ako sa kama at inayos pinulot ang damit niya na nasa sahig. Pag-angat ko ng tingin, dumapo ang mga mata ko sa isang papel na nasa drawer niya. Naglakad ako patungo roon para tingnan sana ito, ngunit biglang bumukas ang pinto. "Bakit mo hawak ang damit ko?" tanong ni Raheel. Marahas niyang hinablot ang marumi niyang polo sa kamay ko at itinapon ito sa basurahan. "Don't touch my things." "Hindi ko naman pinapakialaman ang mga gamit mo. Ilalagay ko lang sana sa -" "I don't care, Anabelle. Just don't touch my things. Huwag kang umakto na mapagmahal, mapag-aruga, at mabuting asawa sa akin kapag tayong dalawa lang." "Sorry. Hindi na mauulit. Hindi mo na kailangan pang sabihin ang mga 'yon sa akin." "Mabuti na 'yung alam mo." Naglakad siya patungo sa pinto at binuksan ito. Napatingin ako sa kaniya. "The door is open. Grandpa is not here. You can use the guest to sleep. Ayokong may kasama ako sa kwarto ko." I had no choice but to leave his room and use the guest room. Hindi ko al
Maraming tao sa loob ng kompanya nila. Pakiramdam ko ako lang ang naiiba sa lahat. Ang ganda-ganda ng mga kasuotan nila. Halatang mamahalin ang mga ito. "Your wife is here," saad ng lalaking misteso nang pumasok kami sa opisina ni Raheel. Nakaupo sila sa couch habang nagyoyosi. Kaya ko nalaman na opisina niya ito dahil may nakalagay na office of the CEO sa labas ng pinto. "These are my friends, Anabelle," sabi ni Raheel. Bakas sa tono ng pananalita niya na labag sa loob niya ang pagpunta ko rito. "Kaya pala hindi mo kami inimbitahan sa kasal mo dahil -" Hindi natapos ng lalaking may mahabang buhok ang sasabihin niya nang taponan siya ng masamang tingin ni Raheel. Ngumisi siya at tumayo saka lumapit sa akin. "Logan. You're so beautiful. I hope he will not give you a hell life, Miss Belle." "Shut up, Logan. I had no choice but to marry her para ibigay ni Lolo sa akin ang posisyon." Pinasadahan niya ako ng tingin. "She married me without knowing that she's just ruining her life," s
Nakaupo lang ako sa sulok habang pinagmamasdan ang mga empleyado na umiinom ng alak at sumasayaw pagkatapos ng program. Nagpaalam si Chairman Marcelo sa akin kanina na mauuna siyang umuwi dahil inaantok na siya. Gusto kong sumabay sa kaniya pero hindi siya pumayag dahil hindi pa raw umuuwi si Raheel. Kailangan ko rin raw magpakita sa ibang tao lalo na't marami ang hindi pa nakakilala sa akin. Nagkunwari akong umiinom ng wine nang nakita ko sina Logan at Knight na naglalakad papalapit sa akin. "Where's your husband?" tanong ni Logan at umupo sa harapan ko sabay inom ng wine. "I don't know. I have not you seen him," sagot ko at inilagay sa ibabaw ng mesa ang baso. Nanlaki ang mata ko nang lagyan ni Knight ng alak ang baso ko. "Hindi ka umiinom?" tanong niya nang napansin ang pagtitig ko sa kaniya. Dahan-dahan akong tumango. "Hanggang wine lang ako, Knight," nahihiyang sagot ko. Kinuha niya ang baso at ininom ang alak. Sinalinan niya ito ng wine. Napakagat-labi labi ako bago kinuha
Nagpatulong ako sa driver namin na ipasok si Raheel papasok sa mansiyon. Pati si Kuya Berting ay nahihirapan siyang alalayan si Raheel dahil mabigat ito at may katandaan na siya. Nang nakita kami ng ilang mga bodyguards sa mansiyon, pinagtulongan nilang buhatin paakyat ng hagdanan si Raheel patungo sa kwarto niya. "Maraming salamat po. Pasensiya na rin sa abala," saad ko bago isinara ang pinto. Hinayaan ko na lang si Raheel na matulog kahit marumi ang damit niya. Baka mapagalitan niya na naman ako kung bibihisan ko siya. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naghanap ako ng noodles doon na pwedeng lutoin para kapag magising siya ay makahigop siya ng mainit-init na sabaw. Naabotan ko si Manang Loida sa kusina. Nag-aayos siya ng mga pinamili nilang groceries. "Ako na po ang bahala riyan, Ma'am Magpahinga na po kayo," saad niya nang nakitang sinuot ko ang apron. "Ipagpatuloy niyo lang po ang ginagawa niyo, Manang. Kaya ko na po 'to." Ngumiti ako at sinimulang mag-init ng tu
Sumunod agad ako kay Chairman Marcelo at iniwan sina Raheel at Alona sa kwarto. Inalalayan ko siya sa paglalakad patungo sa kwarto kung saan mino-monitor ang mga CCTV nila rito sa mansiyon. "May hidden camera po ba talaga sa kwartong 'yon, Chairman?" Curious kong tanong sa kaniya pagpasok namin sa loob ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang umiling siya. "I'm just joking, hija. Sino ba naman ang maglalagay ng hidden sa guest room?" Natatawang sagot ni Chairman Marcelo. "Chairman Marcelo, Ma'am Anabelle..." Napalingon ako sa labas nang narinig ang boses ni Alona. Namumutla pa rin ito. Nakasunod naman si Raheel sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan namin. "Patawarin niyo po ako, Chairman Marcelo, Ma'am Anabelle. Nagkamali po ako." May kinuha siya sa loob ng bra niya. "Pumasok po ako sa guest room at kinuha 'to," dagdag niya at ipinakita sa amin ang isang mamahaling kwentas. Napatingin ako kay Raheel nang bigla niyang kunin sa palad ni Alona ang k