Share

Chapter 9

Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya.

"Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang ang lahat. Pinakasalan kita dahil kapalit ng pagpapakasal ko sa 'yo ay ang kaligtasan ni Nanay. Pero hindi ibig sabihin no'n ay mukha na akong pera," sabi ko.

Nagkibit-balikat siya at kinuha ang supot. "Fine. Hindi mo naman 'to kailangan dahil binigyan ka ni Lolo ng pera, right?" Itinapon niya sa basurahan ang mga pagkain. Kumukulo ang dugo ko sa galit habang pinagmamasdan siyang isarado ang basurahan. "Ano ba ang meron sa 'yo at bakit gustong-gusto ka ni Lolo para sa akin? We don't even know kung saan ka galing. Basta-basta ka na lang pumasok sa mga buhay namin. He forced me to marry you. Hindi niya man lang ako hinayaang pumili kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko."

"Sa tingin m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Halaaa thank you so much po. 🥹
goodnovel comment avatar
Alona Tayag Sunga
salamat sa magandang kwento n ibinabahagi mo sa amen mabuhay ang lahat ng manunulat.........️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status