I shrugged hard as Raheel left the room. I winced in pain after kicking the table."Damn it, Raheel Del Fuego!" I shouted and just lay down on the bed. Gabi na pero hindi pa rin bumabalik si Raheel sa kwarto namin. Halos maubos ko na ang mga pagkaing hinahatid ng mga staffs. Buong araw akong nagkulong sa kwarto dahil hindi ko rin naman kabisado ang lugar na 'to. Mahirap na baka maligaw pa ako. Napalingon ako sa pinto nang napansing may kumakatok. Pinause ko muna ang palabas na pinapanuod ko bago nagtungo roon. Kumunot agad ang noo ko nang nakita sina Logan at Knight na nakaalalay kay Raheel papasok sa loob ng kwarto. Lasing na lasing ito, naaamoy ko pa ang alak na nainom niya. "Nag-away ba kayo? Ang dami niyang nainom," tanong ni Logan pagkatapos nilang ihiga sa kama si Raheel. Agad naman akong umiling. "Hindi naman. Akala ko nga may meeting siya dahil kanina pa siya umalis." Dumapo ang paningin ko sa pang-ibabang labi ni Knight nang napansin maliit na sugat. Pinunasan niya ang d
Napabalikwas ako ng bangon nang naramdaman ko ang malamig na kamay na humawak sa pisngi ko. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Logan. Nakapagbihis na ito. Mabuti na lang at nagbihis ako ng maayos na damit kaninang madaling araw bago bumalik sa pagtulog. Luminga-linga ako sa paligid, hinanap ng mga mata ko si Raheel. Dumapo ang paningin ko sa mesa. Wala na roon ang laptop. "Kanina pa lumabas si Raheel. Pinapasundo ka niya sa akin dahil may kausap pa siya sa baba. Nagulat ba kita?" "Pinapasundo? Bakit? Saan niya tayo pupunta?" Tinakpan ko ang dibdib ko nang napagtantong wala pala akong suot na bra. "It's your honeymoon, right? So, expect na marami kayong pupuntahan sa linggong 'to," sagot ni Logan. Humakbang siya papalapit sa akin. "At pinapabigay niya rin 'to," dagdag ni Logan at ibinigay sa akin ang maliit na paper bag. "Ano 'to?" "Cellphone. Nakita niya kasi na may kalumaan na ang ginagamit mong cellphone. O, sige. Lalabas na ako para makapag-ayos ka na rin. Hihintayin kita s
"Wala kang karapatang insultohin si Tita Therese!" galit na sigaw ni Raheel pagkapasok namin sa loob ng kwarto. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. "Siya ang unang nang-insulto sa akin, Raheel! Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Tanggap ko naman na maraming ayaw sa akin. Ang hindi ko matanggap ay 'yung insultohin ako sa harap ng maraming tao!" "Binibiro ka lang niya, Anabelle! Ganoon siya makipag-usap sa taong ngayon niya lang nakita -" "Pang-iinsulto pa rin ang ginawa niya!" sigaw ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong sigawan siya. "Ang kapal-kapal ng mukha mo! Kahit ikaw ang pinakasalan ko, hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para kay Andrea. Kasal lang tayo sa papel! Wala kang karapatang ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang asawa ko!" "Makapal na kung makapal! Wala akong pakialam. Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko sa taong kagaya niya! Hindi ko ipagkakaila na galing ako sa mahirap na pamilya! Wala pa rin silang karapatang insultohin ako!" "Mag-sor
Hinila ko si Knight papalayo sa lalaki. Ang laki-laki ng ipupusta niya sa laro. "Hindi ako papayag sa isang milyon, Knight. Paano kung matalo niya ako? Sayang ang perang pinangpusta mo sa akin," reklamo ko at nilingon ang lalaki. Nakakrus ang mga braso niya habang pinagmamasdan kaming nag-uusap. "I believe in you, Anabelle. Magaling ka naman maglaro. Tinalo mo nga ako ng anim na beses. At isa pa, pera ko naman ang gagamitin ko," saad ni Knight at binalikan ang lalaki. Napabuga ako ng hangin at sumunod sa kaniya. Kinakabahan ako. Gusto kong umatras sa laro, pero ayokong mapahiya si Knight lalo na't siya ang unang nagsabi kung magkano dapat ang ipupusta. "Sige. Maglalaro ako. Basta kapag natalo ako sa larong 'to, huwag na huwag mo akong sisingilin sa perang sinayang mo." Huminga ako ng malalim bago nilagyan ng pulbo ang mga kamay ko. "You'll play with her for five rounds, Mr. Ronalds. You will play Eight Pool," Knight said. Nanlaki ang mga mata ko. Bumalik uli ako kay Knight. "Eigh
Tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na akong nakauwi kanina. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store bilang cashier. Nagsaing ako ng kanin at nagluto ng hotdog. Binuksan ko ang aking mini refrigerator at kumuha ng karneng manok na nakasilid sa isang plastic. Magluluto ako ng adobong manok para kay Nanay dahil bibisitahin ko siya mamaya bago ako pumunta sa trabaho. Ito ang paborito niyang ulam kaya sisiguradohin kong magugustohan niya ito. Napatalon ako nang may marinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. “Sandali lang!” sigaw ko habang tinatanggal ang suot kong apron. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Aling Maria na nakabusangot ang mukha habang ito’y nakapamewang. Siya ang may ari ng bahay o kwartong inuupahan dito. Kasama niya ang tatlong lalaking karpintero na nagtatrabaho sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Magandang tanghali po,” bati ko ngunit nilampasan niya lang ako. Pumasok siya sa loob ng kwarto at tiningnan ang akin
Nakaramdam ako ng gutom habang naglalakad sa daan. Nakalimutan kong kumain kanina dahil dumating si Aling Maria. Hindi ko rin nadala ang paboritong ulam ni Nanay na niluto ko. May nakita akong maliit na tindahan at naglakad patungo roon. Bumili ako ng limang pirasong tinapay at isang bote ng tubig. Kumakain ako ng tinapay hanggang sa napadpad ako sa isang iskinita kung saan may nakita akong kumpolan ng mga lalaki. Nagtago ako sa likod ng poste at sinusubokang tingnan ang kanilang ginagawa. May nakita akong matandang lalaki na nakahiga sa lupa habang ito’y binubugbog at sinisipa ng mga kalalakihan. “Papatayin ka namin!” sigaw ng isang lalaki. Kinilabotan ako sa aking narinig. Sinuntok niya ang mukha nito at sinipa. Kumuha ako ng mga maliliit na bato at iniligay iyon sa aking bulsa. Nagsuot din ako ng face mask para matakpan ang aking mukha. Kung hindi ako tutulong paniguradong mamamatay ang taong binugbog nila. Ibinato ko sa iba’t-ibang parte ng lugar ang mga bato upang gumawa ng i
"You want me to marry this woman kung hindi ko makikita si Andrea?" Napasinghap ang apo ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan ito ng masama nang nakita ang nakakainsulto niyang pagtingin sa akin. "I will not marry this woman!" "Asa ka rin na magpapakasal ako sa isang tulad mo, 'no!" galit na singhal ko sa kaniya. Bumaling ako sa matanda. "Sir, kung ano man ang trip niyo labas po ako riyan. Huwag niyo po akong isali sa problema ng pamilya niyo. Kung wala po pala kayong kailangan sa akin, maari na po ba akong umalis? May trabaho pa po ako para makaipon pangpaopera sa Nanay ko." "You can stop working today if you'll agree to marry him, hija." "Ano?! Hindi po pwede 'yan, Sir. Kailangan ko ang trabaho ko. Hindi ako hihinto sa pagtatrabaho para upang pakasalan ang apo niyo. Inuulit ko po, labas po ako kung ano man ang problema ng pamilya niyo." "Kita mo 'yan, Lolo? Ayaw niya rin sa akin. Ayaw namin sa isa't isa. Paalisin mo na nga lang ang babaeng 'to! Tingnan mo nga ang itsura niya
Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong araw. Nawalan ako ng matutuloyan at trabaho, pati mga gamit ko ay nawala rin sa akin dahil hindi ko nakuha kanina. Pumara ulit ako ng jeep patungo sa hospital kung saan naka-confine si Nanay. Tiningnan ko ang pera sa loob ng wallet ko. Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang isang libong piso. Paano ko pagkakasyahin ang perang 'to? Maghahanap pa ako ng matitirahan at trabaho. Bibigyan ko pa ng sahod si Lara dahil siya ang nagbabantay kay Nanay habang wala ako. "Kuya, bayad po," sabi ko sabay abot ng isang libong piso. Kumunot ang noo ng jeepney driver nang nakita ang pera ko. "Wala ka bang barya riyan, hija? Bente pesos lang ang makukuha sa pera mo. Mauubos ang perang panukli ko." "Wala po akong barya, Manong. Ito lang talaga ang meron sa 'kin -" "Bayad po, Manong. Ako na lang po ang magbabayad sa pamasahe niya." Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Nahihiyang ibinalik ko na lang sa wallet ang pera ko.