Share

Chapter 3

"You want me to marry this woman kung hindi ko makikita si Andrea?" Napasinghap ang apo ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan ito ng masama nang nakita ang nakakainsulto niyang pagtingin sa akin. "I will not marry this woman!"

"Asa ka rin na magpapakasal ako sa isang tulad mo, 'no!" galit na singhal ko sa kaniya. Bumaling ako sa matanda. "Sir, kung ano man ang trip niyo labas po ako riyan. Huwag niyo po akong isali sa problema ng pamilya niyo. Kung wala po pala kayong kailangan sa akin, maari na po ba akong umalis? May trabaho pa po ako para makaipon pangpaopera sa Nanay ko."

"You can stop working today if you'll agree to marry him, hija."

"Ano?! Hindi po pwede 'yan, Sir. Kailangan ko ang trabaho ko. Hindi ako hihinto sa pagtatrabaho para upang pakasalan ang apo niyo. Inuulit ko po, labas po ako kung ano man ang problema ng pamilya niyo."

"Kita mo 'yan, Lolo? Ayaw niya rin sa akin. Ayaw namin sa isa't isa. Paalisin mo na nga lang ang babaeng 'to! Tingnan mo nga ang itsura niya, ang dungis-dungis tapos ito ang napili mong babaeng ipapalit kay Andrea kung hindi namin siya makikita?"

Bumuga ako ng hangin at hindi napigilan ang sariling huwag batokan ang apo niya. Sobra na ang pang-iinsulto niya sa akin.

"What the hell -"

"Wala kang karapatan para insultohin ako. Hindi porket mayaman ka ay may karapatan ka ng insultohin ang pagkatao ko!" Pinagpapalo ko siya ngunit nahuli niya ang mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong itulak. Mabuti na lang sa kama ang bagsak ko.

"I will find my fiance. Sisigurodohin ko na kaniya lang ako ikakasal. I won't marry this freaking woman!" asik ni Raheel.

"That's enough, Raheel!" saway ng Lolo niya.

Napaigtad ako nang narinig ng buo ang boses ng matanda. Galit itong nakatingin sa apo niya. Para namang hinihila ni Raheel ang buong kaluluwa ko sa pagtitig niya sa akin.

"Niligtas niya ang buhay ko. Susuklian ko ang kabutihang nagawa niya sa akin. Kahitbsa ganoong paraan lang -"

"You can pay her, Grandpa. Pera lang naman ang habol niya. Look at her. Hahayaan mo akong makasal sa babaeng 'yan? Hindi kami pwedeng ikasal kung hindi ko mahalagilap si Andrea!"

"Hijo, this not the first time na biglang nawawala si Andrea. Sinabihan na kita na hiwalayan ang babaeng 'yon dahil palagi siyang nali-link sa ibang lalaki. Pero hindi ka nakikinig sa akin!"

"Mag-aaway pa ba kayo? Pwede po ba akong umalis na dahil hinihintay ako ng Nanay ko," singit ko.

Tumingin silang dalawa sa akin. "Pag-isipan mo ng mabuti ang inalok ko sa 'yo, hija. Sagot ko na ang operasiyon ng Nanay mo kung papayag kang pakasalan ang apo ko."

"Lolo!" sambit ni Raheel.

Ibinigay ng matanda ang calling card niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos kong basahin ang pangalan niya.

"Chairman Marcelo Del Fuego?"

Tumango ang matanda. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Sa inyo po ba ang Del Fuego Industries?"

"Hindi ba halata? Basahin mo nga ang nasa likod ng calling card niya. Para ka namang walang pinag-aralan," pang-iinsulto ulit ni Raheel sa akin.

"Raheel!" saway ni Chairman Marcelo sa apo niya. "Call me, hija, kapag nakapag-isip ka na. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talagang pakasalan ang apo ko. Willing din akong tumulong sa Nanay mo."

Isinilid ko sa bulsa ang calling card niya. "Sige po. Mauna na po ako," pagpapaalam ko.

"Huwag na huwag kang magpapakita sa akin baka makakalimotan ko na babae ka," pagbabanta ni Raheel sa akin.

"I*****k mo sa baga mo ang kayamanan niyo! Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang taong kagaya mo!" galit na sigaw ko saka binuksan ang pintuan at padabog na lumabas.

Nakahinga ako ng maluwang paglabas ko ng hospital. Napapikit ako nang napansin ang susi sa sasakyan ng matanda sa loob ng bulsa ko. Ibinigay ko ito sa guwardiya. Siya na lang ang inutosan kong magbigay ng susi kay Chairman Marcelo dahil kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang apo niya.

Sumakay ako ng jeep patungo sa Convenience store kung saan ako nagtatrabaho bilang isang cashier. Habang nasa biyahe ay tinatawagan ko naman ang kasama ko sa trabaho na si Shiela. Napamura ako nang napansing paubos na ang baterya ng cellphone ko. Hindi ko rin dala ang charger nito dahil naiwan ko ito sa iskinita.

"Wala pa rin ba si Anabelle? Anong oras na at marami tayong cuatomers?!" Umaalingawngaw sa labas ng employee's room ang boses ng manager namin. Nakabusangot ang mukha niya nang napansin niya ang pagdating ko. "Papasok ka ba o hindi? Kay bago-bago mo pa sa trabaho pero ang dami mo ng absent sa buwan na 'to!"

"Nagkaproblema po kasi ako sa amin, Manager Kim. Hindi po ako nakapagpaalam na mahuhuli ako sa pagdating dahil unexpected rin ang pagpalayas ng landlady sa kwartong inuupahan ko -"

"I don't need your explanation, Anabelle!" sigaw ng Manager namin.

Napapikit ako sa sobrang hiya nang narinig ko ang pagtawa ng iba kong mga katrabaho.

"Wala ka bang cellphone? Pwede mo naman akong tawagan. Pwede mong tawagan ang ibang kasama mo sa trabaho. Hindi mo ba naisip 'yon?" Nanliliksik ang mata niyang tumingin sa akin.

"Wala po kasi ang contact number sa inyo at sa mga katrabaho -"

"Nagdadahilan ka pa? Hindi ka ba marunong manghingi sa kanila?" Bumuga siya ng hangin habang nakapamewang sa harapan ko. "Cashier ka sa store. Hindi pwedeng palagi na lang ganito, Anabelle. Liliban ka nang hindi nagpapaalam."

"Manager, patawarin niyo po ako. Hindi na po mauulit. Pangako, hindi na po ako mahuhuli."

"Hindi ka na talaga mahuhuli sa trabaho dahil tanggal ka na! Ang dami mong absent, Anabelle! Kung hindi ka a-absent, late ka naman palagi!"

"Manager, huwag niyo naman po akong tanggalin. Kailangan ko ang trabahong 'to. Nasa hospital si Nanay at -"

"You're fired, Anabelle Enriquez!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status