Share

Chapter 5

Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko.

"Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo."

"A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi.

"This is Chairman Marcelo of Del Fuego Industries -"

"Good evening po, Chairman. Si Anabelle po ito. Pasensiya na po kung napatawag ako sa ganitong oras."

"Anabelle? Ikaw ba 'yung babaeng tumulong sa akin kanina?"

"Yes po. Ako nga po," nahihiyang saad ko.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, hija? I forgot to ask your name earlier dahil mukhang nagmamadali ka habang ang apo ko namang si Raheel ay hindi makausap ng maayos."

Tiningnan ko si Nanay. "Ayos lang po. Walang problema sa akin 'yon."

"Kumusta na pala ang Nanay mo?"

Hindi ako nakasagot agad. Nanatili lang akong nakatitig kay Nanay habang kinukuskos ang kuko ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Para na ring binenta ko ang sarili ko sa taong mayaman. Dinaig ko pa ang bayarang babae sa gagawin kong desisyon.

"Nandiyan ka pa ba, Ana?"

"Y-Yes, Chairman."

"Nakapagdesisyon ka na ba, hija?"

Napapikit ako sa tanong niya. "Yes po. Kaya po ako tumawag sa inyo dahil -"

"Sinong kausap mo, Lolo?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko ang boses ng apo niya.

"Kaibigan ko lang. Kumusta ang paghahanap niyo kay Andrea? Nakita niyo na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Chairman Marcelo sa apo niya.

"May nakapagsabi sa amin na pumunta raw siya sa ibang bansa. Aalis ako ngayon para hanapin si Andrea -"

"Sa ganitong oras, Raheel? You can't leave the country without my permission!"

"But Grandpa, I need to find her!" sigaw ni Raheel.

"Hindi ka pa rin ba natatauhan, Raheel? Ayaw niya sa 'yo! She doesn't love you. Ginagamit ka lang niya. Huwag kang maging bulag dahil lang sa pag-ibig, hijo. Kung mahal ka niya, hindi siya aalis ng bansa lalo na't sa susunod na araw na ang kasal ninyo!"

Ilang minuto rin silang nagsisigawan sa kabilang linya. Pinipilit ni Raheel si Chairman Marcelo na payagan siyang lumabas ng bansa para hanapin ang fiance niya.

"You will not leave the house, Raheel. Kung susuwayin mo ang sinabi ko, wala kang makukuhang mana galing sa akin, at hindi kita kikilaning kadugo!"

Napapikit ako nang narinig ang pagkabasag ng isang bagay at ang malakas na pagsarado ng pinto.

"Nandiyan ka pala, hija. Akala ko ay pinatay mo na ang tawag," saad ni Chairman Marcelo. Bumuntong hininga siya. "Narinig mo pa tuloy kaming nag-aaway ng apo ko."

"Pasensiya po kung hindi ko sinasadyang pakinggan ang pinag-usapan niyo."

"Ayos lang, hija. Ako dapat ang humingi ng pasensiya sa 'yo sa inaasal ng apo ko kanina." Tumikhim si Chairman Marcelo. "Saang hospital pala naka-confine ang Nanay mo?"

"Sunrise Medical Center po, Chairman. Ah, Chairman Marcelo, baka po nakakaabala na ako sa inyo, tatawag na lang ulit ako kapag nakapagdesisyon na ako. Pasensiya po sa abala."

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ibaba ang tawag. Isinubsob ko ang mukha ko sa aking mga braso. Akala ko buo na ang desisyon ko na magiging kapalit sa bride ng apo niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong pinanghihinaan ng loob para sabihin kay Chairman Marcelo na pumapayag na ako.

"Ate Anabelle, may naghahanap po sa inyo sa labas."

Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang sinabi ni Lara. Inayos ko muna ang sarili ko bago tumayo upang tingnan ang taong naghahanap sa akin.

Umawang ang labi ko nang nakitang nakatayo si Chairman sa harapan ng pinto habang nakaupo naman sa bankanteng upoan ang apo niya. Nahihiyang nilakihan ko ang pagbukas ng pinto para papasokin sila.

"Magandang araw po, Chairman Marcelo," bati ko. Bumaling ako kay Lara. "Bumili ka muna ng maiinom nila," utos ko sa kaniya na agad niya namang sinunod. "Pasok po kayo, Chairman."

"Pasensiya na, hija, kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo na bibisita kami ngayong araw," sabi ni Chairman Marcelo pagpasok niya sa loob ng kwarto. Tumingin siya kay Nanay at naglakad patungo roon.

Tinupi ko ang bedsheets na nasa sahig. Sinulyapan ko si Raheel. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang nagtama ang dalawa niyang kilay. Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Dr. Santos.

"Good morning, Chairman Marcelo. Ito po ang medical records ni Mrs. Enriquez na hinihingi niyo sa akin," sabi Dr. Santos. May ibinigay siyang papel kay Chairman. Tumingin si Dr. Santos sa akin. May ibinigay rin siyang papel sa akin. "Kailangan niyo po itong pirmahan para sa operasiyon ng Nanay niyo, Ma'am."

Bumaba ang paningin ko sa papel na ibinigay ni Dr. Santos. "W-Wala pa po akong pera para sa operasiyon ni Nanay, Dok."

"Chairman Marcelo will pay everything. Wala ka ng kailangang bayaran, Ma'am," saad ng doktor.

Lumipat ang paningin ko kay Chairman Marcelo. Nasa kay Nanay ang paningin niya.

"M-Maraming salamat po, Chairman. Pero -"

"Ako na ang bahala sa lahat ng mga gastosin dito sa hospital, hija. Pirmahan mo na lang 'yan para sa operasiyon ng Nanay mo," sabi niya nang hindi man lang lumilingon sa akin.

Lumapit ang isa niyang tauhan sa akin. May ibinigay rin siyang papel. Halos lumuwa ang eyeballs ko nang nabasa ang isang kontrata.

"Ang kailangan mo lang gawin ay pakasalan ang apo ko kapalit ng perang gagamitin sa operasiyon ng Nanay mo," dagdag ni Chairman Marcelo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status