Na inlove sa isang anak ng dati kong minahal. May pag asa kaya ang pag iibigan naming dalawa nito? o baka matutulad na naman ito sa dati na na inlove lang ako pero walang katugon. Madidiligan pa kaya ang natutuyot kong kweba o tuluyan ng mag me menopause na lang ako at lahat ng walang diligan na mangyayari?
view moreKourtney Sa sagutin ko na sana ito para supalpalin din at ipa mukha sa kanya na wala akong pakialam kung bagay man sila at magka edad man sila ni Faye dahil wala naman siyang magagawa dahil ako naman ang mahal nito. Kaya kahit na mag hubad pa siya sa harap ni Faye ay wala naman itong mapapala dahil nga sa ako lang naman ang mahal na mahal nito na ang sarap lang ipa mukha sa makapal ang mukha na babaeng ito. "Ninang ito na po yung first aid kit." sabi sa akin ni Faye sabay abot nito sa akin na mabilis ko naman na kinuha mula sa kanya. "Doon kana sa labas Faye at walang mag a asikaso sa mga bisita ninyo ako na ang bahala dito." utos ko naman kay Faye. Nakita ko naman ang biglang pag alma ng babaeng makapal ang mukha na sobrang landi na ito. "Faye dito ka lang please." biglang paki usap naman nito kay Faye. Nag alangan naman si Faye kung ano ang gagawin kung ang makikinig ba siya sa pakiusap ng malanding babae na ito o ang makikinig siya sa utos ko sa kanya. "Mabilis lang nam
Kourtney "Kourtney akala ko ba mag si cr ka? Halika na." untag sa akin ni Marco. Kaya naman inis na nilingon ko ito. Kainis talaga ang isang to. Panira e. Di na lang manahimik dyan sa sulok o di naman kaya ay nag paiwan na lang dapat talaga ito doon sa may table e. Hindi yang pa epal na naman siya. Nakita na nga na busy pa ako sa dalawang ito e. Tapos e epal siya dyan. Mali talaga na sinama ko siya dito. Wala din naman akong napala dito. "Nakita mo naman siguro na may ginagawa pa ako dito diba." inis na sagot ko dito. Halata na sa mukha ko ngayon ang pagka inis ko sa kanya. Di na ito kayang itago pa ng pagka plastic ko. Dahil talaga naman na sinasagad na rin nito ang pasensya ko dito. Bigla naman na natahimik ito dahil doon. At bahagya na lumayo ito sa akin. "Sige balik na lang ako doon sa may table." nag aalangan pa na sabi niya at nag mamadali na itong umalis sa aming harapan kaya naman dahil doon ay naka hinga na ako ng maluwag dahil kaming tatlo na lang ngayon
Kourtney Sa sagutin ko na sana itong si Faye pero bago ko pa nagawa yun ay yung babaeng malandi na naman ang attention nito. "Okay ka lang ba Love?" nag aalala na tanong nito sa malanding babae na ngayon ay gusto ko ng burahin ang pag mu mukha dahil sa galit na akong nararamdaman na ngayon. Alam ko at ramdam na ramdam ko na ngayon ang pamumula ng aking mukha hindi dahil sa init bagkos ay dahil sa galit ito. Sa galit ko ngayon dito sa dalawang taong ito. "Ang sakit ng daliri ko sa paa Faye. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag lakad nito." naiiyak na sagot naman nito kay Faye na agad ay ikina taas ng kilay ko dahil sa narinig kung yun. My god napaka arte talaga at alam ko yung nag e inarte lang naman ito. Para natapakan lang ng takong ko na medyo diniinan ko pa kanina ay hindi na daw makalakad napaka OA talaga. Mas lalo lang niyang pinapainit ang ulo ko. "Ganun ba? Gusto mo sa room ko muna tayo habang hindi mo pa mailakad yang paa mo?" tanong naman dito ni Faye. Nakita ko
Kourtney Agad naman na nilingon ko si Marco na ngayon nga ay naka hawak na sa aking braso. "Bakit?" nag tataka na tanong ko naman dito. "Saan ka pupunta?" tanong naman nito sa akin. "Dyan lang sa loob ng bahay at mag cr lang ako." walang gana na sagot ko dito. "Samahan na kita?" sabi naman niya sa akin. "Huwag na. Saglit din lang naman ako e." sagot ko naman sa kanya. Sana pala di ko na lang sinama ang lalaki na ito ngayon. Mas lalo lang ako naiinis pag ganito na may pa sunod sunod sa akin e. "Samahan na lang kita. para ma kita ko na rin tuloy loob ng bahay nila." pamimilit naman nito. Kaya naman wala na akong nagawa pa kung hindi ang isama ito. Kaya naman tumayo na kami nito habang hawak pa rin nito ako sa braso. Hinayaan ko na lang naman siya. May gusto din kasi akong malaman ngayon kung ano ba ang magiging reaction ni Faye pag ganitong nakita nito na may ibang lalaki ang humahawak sa akin na katulad nito. Dati rati kasi ay galit na galit na ito kaagad at
Kourtney Halos hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil ngayon nga ay naka tingin na lang ako sa isang particular na tao. Kay Faye na ngayon nga ay agad na binuhat nito ang kanyang kapatid ng lumapit ito sa kanya. Kitang kita ko ang tuwa na naka balandra sa mukha nito habang nakikipag kulitan na ito sa kanyang bunsong kapatid. Kaya naman naka titig lang ako dito at para bang ang lahat ng pagka miss ko dito dahil halos isang buwan ko din na hindi ito nakita ay sinusulit ko na ngayon sa pag tingin ko dito. Maya lang ay mukhang nahalata yata nito na may naka tingin sa kanya kaya naman nag angat ito ng kanyang mukha at sakto na pag angat nito ay sa akin tumama ang kanyang paningin. Nagka titigan pa kami nito ng halos tatlong sigundo lang yata dahil mabilis din na binawi nito ang kanyang tingin sa akin. At parang wala lang nakita ito na ibinaling na nitong muli ang kanyang attention sa kanyang kapatid. Bigla naman akong naka ramdam ng pag sakit ng akong di
Kourtney "Love tama na yan. Weeding Anniversary natin to o." Sita naman na dito ni Alex sa amasona nitong asawa. Nakita ko naman na napa irap pa muna ito bago tumahimik na rin naman. "Tika sino nga ba yang kasama mo hmmm? Sya na ba ang the one?" pag change topic naman ni Alex at tanong sa akin. Napa ngiti naman ako dahil doon. Pero bigla din naman nawala at sumeryoso na ako kaagad. "Hahaha patawa ka talaga Alex. Hindi no. Ito nga pala si Marco friend ko at the same time e ka sosyo ko din sa negosyo. Marco sila Alex at Agata nga pala." pakilala ko naman sa kanila dito. Todo ang ngiti naman na kaagad ay nakipag kamay itong si Marco sa kanilang mag asawa. Habang may pilyong ngiti ngayon na nala paskil sa labi mg mag asawa at palihim na naka tingin sa akin. "Hmmm siya na ba yung always mo na post?" hindi pa ron tumitigil na tanong ni Alex. "Hayst tigilan mo nga ako Alex. ah basta wala pa rin akong nakikita hanggang ngayon na pwede mag patibok ng puso ko." sumusuko n
Kourtney Hindi na ako umimik pa kahit panay pa ang salita at kwento nitong si Marco. Bigla na lang akong nawalan ng gana. Kung kanina ay wala na akong gana ay mas lalo lang nitong dinagdagan yun. Bakit ba kasi naisip ko pang isama ang isang ito kila Faye? Kung alam ko lang na ganitong klase pala ito ng tao ay hindi ko na sana siya sinabihan pa at ako na lang ang mag isa na pumunta doon. Kapal pa ng mukha na mag request na ipakilala ko daw siya sa mag asawa baka daw sakali ay mag invest ang mga ito sa company niya. Pero kung makapag salita kanina about kila Alex ay ganun na lamang. Tapos ngayon ay may hidden agenda pa pala ito. Tumango lang naman ako sa kanya. Pero kahit na ipakilala ko pa siya doon sa mag asawa. Impossible na mag invest ang mga ito sa company niya na isa lang naman pipitsugin. Medyo nag sisi pa nga ako dahil nito ko din lang nalaman na kaya naman pala umatras yung investors nito na mag invest sana sa company niya ay dahil nalaman ng mga ito na hindi na magan
Kourtney Nag pasya na lang ako na mag shower na. Para naman mabawasan kahit kunti ang pagka bad trip na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako dahil sa mga nakita ko. Kung tutuusin ay dapat pa nga akong matuwa dahil mukhang unti unti ay nakakalimutan na nga ako ni Faye pero hindi ganun ang aking nararamdaman e. Ewan ko ba sa aking sarili at kung bakit ako ganito ngayon. Pero ayaw ko ng mag isip pa at baka mas lalo lang ako ma bad trip at matakot sa nararamdaman kong ito. Dahil Hindi pwede na maramdaman ko ito sa kanya. Hindi pwede my god parang anak ko na ito kung tutuusin e. Kulang na nga lang na ako ang mag luwal sa kanya para matawag na anak ko talaga ito. Tapos makaramdam ako ng ganito sa batang yun? Hindi ito pwede at kahit kailan ay hindi talaga pwede na mangyari kung anuman ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya tama lang na lumayo na ito ng tuluyan sa akin. Napahinga na lang ako ng malalim at tuluyan ng pumasok sa bathroom at nag shower na nga ako ng
Kourtney Nang matapos ko na ang mga dapat kong gawin sa office ko ay lumabas na rin ako ng tuluyan at kailangan ko na mag pa ganda ng husto mamaya sa bahay nila Faye. Ayaw ko din naman na mapansin nito na bakit mukhang haggard na haggard ako. Baka mamaya ay isipin pa nito na hindi ako natahimik mula ng hindi na ito mag paramdam sa akin na kahit yun naman ang totoo. Magka matayan na pero hinding hindi ko aaminin sa kanya ang bagay na yun no. Nag bilin na lang ako sa aking secretary at sinabihan na rin ito na wag na siyang mag overtime. At umuwe na rin lang siya ng maaga. Baka bigla na lang kasi akong layasan nito dahil sa sobrang stress nito sa akin na ayaw ko naman na mangyari yun no. Kaya nga kung maaari ay talagang kino control ko ang aking sarili e. Pero may time talaga na hindi ko ma control lalo na kapag si Faye na ang pinag uusapan. Agad na akong tumungo sa may parking lot at agad ng sumakay sa kotse ko. Dadaan na rin ako sa mall upang mag pa salon at tsaka bibili na
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.