Agata Faye Kailangan ko na rin na matapos yun dahil ayaw ko na natatambakan ako ng trabaho at ayaw ko ng dahil doon ay ang company ko ang mag su suffer. Pero ito ako at inuubos ang aking oras upang ipag luto at ang makasama siya. Dahil mas mahalaga ito kaysa sa mga yun. Kaya nga ako nag si sipag sa negosyo kasi ay gusto ko na mas mahigitan pa ang mga narating nito. Gusto ko na ipakita sa kanya na kahit bata pa ako ay kayang kaya ko na siyang buhayin kahit hindi na siya mag trabaho pa dahil ako ang bahala sa future namin at maging ng mga magiging anak namin nito. Para wala siyang maging dahilan or isipin ang ibang tao kung sakali na kaya pinatulan ko lang ito ay upang maka sure ako sa future ko. Kaya nga kahit sa mura kong edad ay kilala na ako sa larangan ng negosyo. Syempre sa tulong na rin ng aking Mama na magaling sa business at siyang mintor ko. Kanino pa ba naman ako mag mamana kung hindi dito. Maya lang ay tuluyan na itong lumabas ng kwarto at parang wala lang
Agata Faye Nandito ako ngayon sa office ko at ang dami kong kailangan na gawin lalo na ang mga paper works na ilang araw ko na rin na hindi nagagawa kasi nga ay busy ako sa school at katatapos lang ng finals namin. Kahit naman matalino ako ay hindi naman ako pabaya sa aking pag aaral no. Ayaw ko naman na may masabi sa akin sila Mama at Mommy. Kahit ba kumikita na ako ng sarili kong pera ay hindi naman ako yung klase ng tao na mag mamalaki na no. At dahil tapos naman na ang finals namin ay medyo hindi na ako pumasok kasi wala na rin naman masyado gagawin pa doon. Wala din naman ako plano na makipag chikahan sa mga classmates ko na puro mga kalandian at kaharutan lang ang alam gawin. Si tanda lang naman ang gusto kung landiin . at ang mag laro pa nga pala ng ML. Na sure ko naman na sa nga Prof ko na okay naman daw ang grades ko at lahat naman ng activity at project ay naipasa ko naman na daw. Ngayon ako naniniwala na sadyang ang hirap ng pakiligin ng mga nasa edad 30 plus na.
"Kumakain na ako at kasama ko si Marco. Sige na kung yun lang ang sasabihin mo ibababa ko na ang call. Masyado ka ng sturbo." Sabi nito sabay patay ng tawag. Para naman biglang tumamlay at na lungkot ang aking pakiramdam at hindi ko maiwasan na hindi masaktan dahil doon. Napa kagat na lang ako ng aking labi upang pigilan ang aking sarili na huwag maluha. Kasama na naman pala niya ang Marco na yun. Mukhang seryoso na siya sa man liligaw niya na yun ah. Kahit na ayaw ko sana na mag isip ng hindi maganda ay hindi ko maiwasan. Paano na hindi ako mag iisip e. Always na niya itong kasama. Halos araw araw na nga yata eh. At labis akong kinakabahan dahil doon. Paano na lang kung sagutin na niya ito bigla? Paano na ako? Paano na ang nararamdaman ko na ito sa kanya? Paano ko pa haharapin ang bawat araw na maiisip ko na may ibang taong humahawak na dito? Paano ko ta tanggapin na may iba ng nag ma may ari dito? Talaga bang wala siyang nararamdaman sa akin? O sadyang takot lang siya? Tako
Agata Faye Sapo ang nasaktan na pisngi na naka tingin lang ako dito at medyo may nalasahan pa ako na parang kalawang. Mukhang nag dugo pa yata sa loob ng bibig ko. "Bakit mo ako sinampal?" Nag tataka na tanong ko dito. Pero sa loob loob ko ay ang sakit na ng puso ko. Kasi naman first time nito na pinag buhatan ako ng kamay. Kung sila Mom at Mama nga ay hindi ako naka tikim ng ganito sa kanila sa kanya pa kaya. Siya ang pinaka huling tao na iisipin ko na sa saktan ako physically. Kaya naman ang sakit lang na isipin na sinampal ako nito. "Tama lang yan sayo!!! Sumo sobra kana Faye! Hindi na makatarungan ang ginagawa mo!!! Bakit ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo at kung guluhin mo at ganituhin ako ay ganun ganun na lang!!! Bakit hindi mo matanggap sa iyong sarili na kahit kailan ay hindi kita papatulan at hindi kita kayang mahalin!!!Ano ang nagawa sayo ni Marco at ganun na lang ang galit mo sa kanya na pati ang nag i isang investors na ilang linggo na niyang nililigawan at s
Agata Faye "Simple lang. Ibibigay ko na ang matagal mo ng hiling. Gusto mo tigilan na kita diba? So be it. Mula ngayon wala ng tangang ha habol habol sayo na parang aso. Susunod sa mga gusto mo. Nakakapagod ka pa lang mahalin. Akala ko kapag naabot ko or mas nahigitan pa ang mga achievement mo sa buhay ay matatanggap mo na ako. Hindi pala ganun ka simple lang yun. Yung gabi ay ginagawa kong araw para lang maka sabay sa iyo pero hindi pa din pala sapat ang lahat ng yun. Siguro nga ay hindi ka para sa akin. Baka may iba pa dyan na para talaga sa akin at dahil nga sa naka focus lang ako sa iyo ay hindi ko napapansin yun. Malay mo nga ay puppy love lang ito. Sabi mo nga bata pa ako at e enjoy ko lang ang buhay ko. Kung wala ka ng sasabihin pa Ninang ay pwede umalis kana. Pagod na ako sa mag hapon na trabaho ko sa office kaya please lang ayaw ko na Madagdagan pa ang stress ko. Baka nga kung mawala ka na sa akin at kalimutan na kita ng tuluyan ay doon ko mapag tanto na mas may higit pa p
Kourtney Matapos sabihin sa akin ni Faye ang lahat ng yun ay bigla na lang itong umalis sa aking haraoan at mukhang nag tungo na ito sa kanyang kwarto. Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil sa mga pinag sa sabi nito. May part sa akin na gusto itong habulin at pigilan siya at sabihin dito na nabigla lang ako sa nangyari. Pero may part din sa akin na nag sa sabi na hayaan na lang ito at mas maganda nga yun para Hindi na ako nito guluhin pa. Yun ay kung tutuhanin nito ang sinabi niya na titigilan na daw niya ako. Hayst always naman ganyan yan si Faye kapag napag sasabihan ay ganyan ang kanyang ginagawa. Na akala naman nito ay matatakot niya ako sa ganoong bagay. Pero iba kasi ito talaga e. Alam mo yung feel mo na seryoso na ito sa kanyang sinabi na yun. Hindi ko din maiwasan na kabahan dahil doon. Pero pilit ko na lang isinisiksik sa utak ko na tama lang ang aking ginawa dito. Sumo sobra naman na kasi siya talaga e. Kapag hindi ko pa ginawa ang bagay na it
Kourtney Kadarating ko lang sa condo ko ng bigla na lang may nag doorbell. Agad naman akong napa ngiti dahil doon. Dahil malamang sa malamang ay si Faye ito at hindi na kaagad naka tiis ito na hindi ako pansinin. May pag mamadali na iniwan ko muna dito sa kusina ang mga pinamili ko at nag mamadali na pumunta sa may pinto upang buksan iyon. Pero bigla na pang nawala ang aking pag kakangiti ng ang mabungaran ko ay si Marco at hindi si Faye na aking inaasahan. Pero pinilit ko ang aking sarili na ngumiti dito. "Oh Marco napa dalaw ka?" tanong ko naman kaagad dito. Alam na kasi nito ang condo ko. Nung minsan na hinatid niya ako dito at saka binigyan ko na rin kasi siya ng permiso na man ligaw sa akin. Nakita ko na bigla na lang itong napa hawak sa kanyang batok at parang nahihiya na hindi maka tingin sa akin. "eh manliligaw sana." sabay abot nito sa akin ng bouquet ng flowers. Napangiti naman ako dahil doon. Ito ang nagustuhan ko kasi dito e. Medyo mahiyain siya. Hindi ka
Kourtney Agad na akong pumasok sa banyo at nag shower na ako ng tuluyan. Medyo magaan na ang aking pakiramdam ngayon dahil sa isipin na mag papa ramdam na sa akin si Faye. Kahit naman kasi ano pa ang sabihin ay ayaw ko na may sama ito ng loob sa akin. Dahil kahit paano ay inaanak ko pa rin ito at ako ang mas matanda sa aming dalawa at dapat na hindi na patulan pa ito. Pero sabi ko nga ay sumusobra na kasi talaga siya kaya hindi na ako nakapag pigil pa. Pagkatapos ko na makapag shower ay lumabas na rin ako at nag patuyo na ng aking buhok. Panay naman ang tunog ng phone ko pero hindi ko pa rin yun pinapansin. Alam ko naman na si Faye ito e. Sino pa nga ba naman ang tatawag sa akin kung hindi ito lamang. Nang makapag patuyo na ako ng aking buhok ay saka ko lang kinuha ang aking phone at tinignan kong sino ang makulit na panay ang tawag sa akin kanina. Agad naman na nawala ang aking ngiti ng makita ko kung sino ang mga tumatawag sa akin kanina. Ang mga pinsan at kaibigan