Share

Chapter 14

Kourtney

Agad na akong pumasok sa banyo at nag shower na ako ng tuluyan. Medyo magaan na ang aking pakiramdam ngayon dahil sa isipin na mag papa ramdam na sa akin si Faye.

Kahit naman kasi ano pa ang sabihin ay ayaw ko na may sama ito ng loob sa akin. Dahil kahit paano ay inaanak ko pa rin ito at ako ang mas matanda sa aming dalawa at dapat na hindi na patulan pa ito. Pero sabi ko nga ay sumusobra na kasi talaga siya kaya hindi na ako nakapag pigil pa.

Pagkatapos ko na makapag shower ay lumabas na rin ako at nag patuyo na ng aking buhok. Panay naman ang tunog ng phone ko pero hindi ko pa rin yun pinapansin. Alam ko naman na si Faye ito e. Sino pa nga ba naman ang tatawag sa akin kung hindi ito lamang.

Nang makapag patuyo na ako ng aking buhok ay saka ko lang kinuha ang aking phone at tinignan kong sino ang makulit na panay ang tawag sa akin kanina.

Agad naman na nawala ang aking ngiti ng makita ko kung sino ang mga tumatawag sa akin kanina.

Ang mga pinsan at kaibigan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Kristina Mendoza
next update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status