Kourtney "Kourtney akala ko ba mag si cr ka? Halika na." untag sa akin ni Marco. Kaya naman inis na nilingon ko ito. Kainis talaga ang isang to. Panira e. Di na lang manahimik dyan sa sulok o di naman kaya ay nag paiwan na lang dapat talaga ito doon sa may table e. Hindi yang pa epal na naman siya. Nakita na nga na busy pa ako sa dalawang ito e. Tapos e epal siya dyan. Mali talaga na sinama ko siya dito. Wala din naman akong napala dito. "Nakita mo naman siguro na may ginagawa pa ako dito diba." inis na sagot ko dito. Halata na sa mukha ko ngayon ang pagka inis ko sa kanya. Di na ito kayang itago pa ng pagka plastic ko. Dahil talaga naman na sinasagad na rin nito ang pasensya ko dito. Bigla naman na natahimik ito dahil doon. At bahagya na lumayo ito sa akin. "Sige balik na lang ako doon sa may table." nag aalangan pa na sabi niya at nag mamadali na itong umalis sa aming harapan kaya naman dahil doon ay naka hinga na ako ng maluwag dahil kaming tatlo na lang ngayon
Kourtney Sa sagutin ko na sana ito para supalpalin din at ipa mukha sa kanya na wala akong pakialam kung bagay man sila at magka edad man sila ni Faye dahil wala naman siyang magagawa dahil ako naman ang mahal nito. Kaya kahit na mag hubad pa siya sa harap ni Faye ay wala naman itong mapapala dahil nga sa ako lang naman ang mahal na mahal nito na ang sarap lang ipa mukha sa makapal ang mukha na babaeng ito. "Ninang ito na po yung first aid kit." sabi sa akin ni Faye sabay abot nito sa akin na mabilis ko naman na kinuha mula sa kanya. "Doon kana sa labas Faye at walang mag a asikaso sa mga bisita ninyo ako na ang bahala dito." utos ko naman kay Faye. Nakita ko naman ang biglang pag alma ng babaeng makapal ang mukha na sobrang landi na ito. "Faye dito ka lang please." biglang paki usap naman nito kay Faye. Nag alangan naman si Faye kung ano ang gagawin kung ang makikinig ba siya sa pakiusap ng malanding babae na ito o ang makikinig siya sa utos ko sa kanya. "Mabilis lang nam
Agata Faye Kanina ko pa pansin na mukhang bad trip si Ninang sa akin. Hindi ko na alam kung ano na naman ang nagawa ko ditong mali. Sinunod ko naman na ang kanyang gusto na layuan ko na siya dahil sa totoo lang ay ang sakit sakit na kasi ng kanyang ginagawa at ayaw ko na mag mukhang kawawa na lang na palaging naka sunod dito na parang aso tapos ganung treatment lang ang makukuha ko dito. Kaya nga kahit na gusto ko na pag layuin ang dalawang ito dahil sa nasa saktan ako na makitang may ibang humahawak na dito ay hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko na lang siya sa gusto nitong gawin. Hindi ko din alam kung na nanadya ba ito na saktan ako dahil dinala pa talaga niya dito ang kanyang lalaki at sa harapan ko pa kung landiin niya ito. Pero dahil wala akong karapatan dito ay hindi ko na lang pinansin pa ang mga ito at ibinaling ko na lang sa aking kaibigan at ka klase ang aking attention na si Love. Ang cute nga e. Lovely ang kanyang pangalan pero sabi nito sa akin ay Love na la
Agata Faye Mabilis naman na tumango ako dito at binuhat na ito kaagad upang dalhin na muna ito sa kwarto ko pansamantala. Medyo nakaka agaw na rin kasi kami ng attention dito na hindi naman talaga kami kung tutuusin ang may gawa. Kahit naman medyo mas mataas ito sa akin ay medyo payat naman ito kaya alam ko na kayang kaya ko itong buhatin. Kaya walang pag alinlangan na binuhat ko na nga ito. Agad naman na ipinasok ko ito sa loob ng bahay upang di na kami maka tawag pa ng pansin. Paakyat na sana kami ng hagdan ng bigla na lang may humarang sa aming daraanan. Kaya naman napa tingin ako dito at nagulat pa ako ng kunti ng makita ko ang parang galit na galit na itsura ni Ninang Kourtney. Kahit nag tataka kung bakit ito ganito ngayon ay nag tanong pa rin ako sa kanya. "Bakit po Ninang Kourtney?" tanong ko dito. Nakita ko pa ang pag kuyom ng kamao nito at mukhang kunting kunti na lang ay mananakit na ito. Medyo naka ramdam ako ng takot dahil doon pero hindi ko na lang pinahalata sa
Agata Faye Maya lang ay nakita ko na si Ninang na papunta na ngayon dito sa gawi ko. Kaya naman mabilis na nilapitan ko ito upang kamustahin sa kanya si Love. "Ninang si Love po?" tanong ko dito kaagad pagka lapit ko sa kanya. "Nauna ng umuwe. Magaling naman na daw siya at hindi ko na siyq kailangan na gamutin pa." may inis sa tono na sagot naman nito sa akin. Kaya naman may pag dududa na tinignan ko ito. Impossible na magaling na ito kaagad. Alam ko na masakit yun dahil kitang kita ko na medyo nangingitim na nga yung part na natapakan nito or sinadya nitong tapakan kanina e. Tapos sa sabihin niya sa akin na magaling na daw ito. Pero dahil si Ninang nga pala ito at kung ano ang sinabi nito ay yun na talaga yun kaya nag pasya na lang ako na tignan na lang sa loob si Love at baka kung ano na ang nangyari dito. Nakakahiya naman sa kanya na basta ko na lang siya kasi iniwan dito kanina kay Ninang eh. Ngayon ako nakaramdam ng pagka guilty talaga. Pero bago pa ako makapag lakad
Agata Faye Kaya naman kahit na todo na ang kaba na aking nararamdaman ay lakas loob na nag tanong na ako dito. Kahit ako ay sobrang naguguluhan na talaga sa nangyayari na ito at gusto ko na rin malaman kung bakit siya nag kaka ganyan ngayon. "Ninang Kourtney bakit ka po ba nagagalit? Ano po ba ang nagawa ko na hindi mo nagustuhan?" kinakabahan na tanong ko kaagad dito. Kita ko naman na mas lalo lang yata itong nagalit dahil sa tanong ko na yun sa kanya. "Hindi mo ba talaga alam kung bakit galit na galit ako sa iyo ngayon na bwisit ka ha!!!?? Sino ang Love na yun Faye??? Kayo na ba ng malandi na mukhang paa na yun at Love na ang tawagmo sa kanya!!!?Ganun na lang ba ako kabilis kalimutan at palitan? Dahil halos wala pang isang buwan na tumigil kang man ligaw sa akin tapos ngayon ay napalitan mo na ako kaagad ha!!!? Ako ba talaga ay pinag luluko mong bwisit ka!!!!? Sumagot ka!!!" galit na galit na sigaw nito sa akin. Habang mas lalo lang humigpit ang pagkaka hawak nito sa kwely
Agata Faye Nakita ko naman na kahit paano ay kumalma ito ng kunti dahil sa sinagot ko sa kanya. Kaya naman medyo lumuwag na rin ang pagkaka hawak nito sa kwelyo ng damit ko. Kaya naman doon pa lang ako naka hinga ng maayos. "At kailangan ka pa natuto na makipag kaibigan ha? At saka may kaibigan ba na ganun ka sweet ha? Ako wag mong pinag luluko Faye. Tatamaan ka talaga sa akin." hindi pa rin na niniwala na tanong nito sa akin. Kaya naman di ko maiwasan na hindi mapa isip dahil doon. Bakit ganito siya ngayon? Huwag niyang sabihin sa akin na nag se selos siya dahil kung aking susumahin lahat ng pinag gagawa nito mula kanina sa party hanggang ngayon dito sa room ko ay lumilitaw talaga na nag se selos siya e. Pero hindi e. Bakit naman siya mag se selos diba? E ayaw nga nito sa akin. Ilang taon na akongnag ha hayag ng damdamin ko sa kanya pero never man lang ako nakakita o naka ramdam na may gusto din ito sa akin. Puro na lang pag tanggi at hamak nito sa aking nararamdaman sa
Agata Faye Hindi naman maka paniwala na naka tingin na lang ako ngayon sa kanya ng marinig ko ang sinabi nito sa akin. Habang ito naman ay naka taas ang kilay sa akin at mukhang nag hahamon pa na kung hindi ko siya su sundin ay may gagawin itong hindi ko magugustuhan. Pero hindi naman ako basta basta na lang su sunod sa gusto nito no. Lalo pa nga at alam ko na wala naman akong ginagawang masama. "Parang hindi naman yata makatarungan yang pinapagawa nyo sa akin na yan Ninang. Mabait naman po si Love at tsaka walang dahilan para layuan ko siya. Kaibigan ko yung tao at masasabi ko na mabuti siyang tao kasi ako ang nakaka sama nito at hindi po kayo." sagot ko pa sa kanya. Balak ko pa naman na after ng anniversary nila Mommy na ito ay sa sama ako sa kanya sa kanilang resort sa Bataan. Balak ko na mag vacation muna doon kahit isang linggo man lang upang kahit paano ay malayo ako sa magulong buhay dito sa Manila. Balak ko nga din na hindi muna ga gamit ng phone at mag o open ng soc