Agata Faye Kanina ko pa pansin na mukhang bad trip si Ninang sa akin. Hindi ko na alam kung ano na naman ang nagawa ko ditong mali. Sinunod ko naman na ang kanyang gusto na layuan ko na siya dahil sa totoo lang ay ang sakit sakit na kasi ng kanyang ginagawa at ayaw ko na mag mukhang kawawa na lang na palaging naka sunod dito na parang aso tapos ganung treatment lang ang makukuha ko dito. Kaya nga kahit na gusto ko na pag layuin ang dalawang ito dahil sa nasa saktan ako na makitang may ibang humahawak na dito ay hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko na lang siya sa gusto nitong gawin. Hindi ko din alam kung na nanadya ba ito na saktan ako dahil dinala pa talaga niya dito ang kanyang lalaki at sa harapan ko pa kung landiin niya ito. Pero dahil wala akong karapatan dito ay hindi ko na lang pinansin pa ang mga ito at ibinaling ko na lang sa aking kaibigan at ka klase ang aking attention na si Love. Ang cute nga e. Lovely ang kanyang pangalan pero sabi nito sa akin ay Love na la
Agata Faye Mabilis naman na tumango ako dito at binuhat na ito kaagad upang dalhin na muna ito sa kwarto ko pansamantala. Medyo nakaka agaw na rin kasi kami ng attention dito na hindi naman talaga kami kung tutuusin ang may gawa. Kahit naman medyo mas mataas ito sa akin ay medyo payat naman ito kaya alam ko na kayang kaya ko itong buhatin. Kaya walang pag alinlangan na binuhat ko na nga ito. Agad naman na ipinasok ko ito sa loob ng bahay upang di na kami maka tawag pa ng pansin. Paakyat na sana kami ng hagdan ng bigla na lang may humarang sa aming daraanan. Kaya naman napa tingin ako dito at nagulat pa ako ng kunti ng makita ko ang parang galit na galit na itsura ni Ninang Kourtney. Kahit nag tataka kung bakit ito ganito ngayon ay nag tanong pa rin ako sa kanya. "Bakit po Ninang Kourtney?" tanong ko dito. Nakita ko pa ang pag kuyom ng kamao nito at mukhang kunting kunti na lang ay mananakit na ito. Medyo naka ramdam ako ng takot dahil doon pero hindi ko na lang pinahalata sa
Agata Faye Maya lang ay nakita ko na si Ninang na papunta na ngayon dito sa gawi ko. Kaya naman mabilis na nilapitan ko ito upang kamustahin sa kanya si Love. "Ninang si Love po?" tanong ko dito kaagad pagka lapit ko sa kanya. "Nauna ng umuwe. Magaling naman na daw siya at hindi ko na siyq kailangan na gamutin pa." may inis sa tono na sagot naman nito sa akin. Kaya naman may pag dududa na tinignan ko ito. Impossible na magaling na ito kaagad. Alam ko na masakit yun dahil kitang kita ko na medyo nangingitim na nga yung part na natapakan nito or sinadya nitong tapakan kanina e. Tapos sa sabihin niya sa akin na magaling na daw ito. Pero dahil si Ninang nga pala ito at kung ano ang sinabi nito ay yun na talaga yun kaya nag pasya na lang ako na tignan na lang sa loob si Love at baka kung ano na ang nangyari dito. Nakakahiya naman sa kanya na basta ko na lang siya kasi iniwan dito kanina kay Ninang eh. Ngayon ako nakaramdam ng pagka guilty talaga. Pero bago pa ako makapag lakad
Agata Faye Kaya naman kahit na todo na ang kaba na aking nararamdaman ay lakas loob na nag tanong na ako dito. Kahit ako ay sobrang naguguluhan na talaga sa nangyayari na ito at gusto ko na rin malaman kung bakit siya nag kaka ganyan ngayon. "Ninang Kourtney bakit ka po ba nagagalit? Ano po ba ang nagawa ko na hindi mo nagustuhan?" kinakabahan na tanong ko kaagad dito. Kita ko naman na mas lalo lang yata itong nagalit dahil sa tanong ko na yun sa kanya. "Hindi mo ba talaga alam kung bakit galit na galit ako sa iyo ngayon na bwisit ka ha!!!?? Sino ang Love na yun Faye??? Kayo na ba ng malandi na mukhang paa na yun at Love na ang tawagmo sa kanya!!!?Ganun na lang ba ako kabilis kalimutan at palitan? Dahil halos wala pang isang buwan na tumigil kang man ligaw sa akin tapos ngayon ay napalitan mo na ako kaagad ha!!!? Ako ba talaga ay pinag luluko mong bwisit ka!!!!? Sumagot ka!!!" galit na galit na sigaw nito sa akin. Habang mas lalo lang humigpit ang pagkaka hawak nito sa kwely
Agata Faye Nakita ko naman na kahit paano ay kumalma ito ng kunti dahil sa sinagot ko sa kanya. Kaya naman medyo lumuwag na rin ang pagkaka hawak nito sa kwelyo ng damit ko. Kaya naman doon pa lang ako naka hinga ng maayos. "At kailangan ka pa natuto na makipag kaibigan ha? At saka may kaibigan ba na ganun ka sweet ha? Ako wag mong pinag luluko Faye. Tatamaan ka talaga sa akin." hindi pa rin na niniwala na tanong nito sa akin. Kaya naman di ko maiwasan na hindi mapa isip dahil doon. Bakit ganito siya ngayon? Huwag niyang sabihin sa akin na nag se selos siya dahil kung aking susumahin lahat ng pinag gagawa nito mula kanina sa party hanggang ngayon dito sa room ko ay lumilitaw talaga na nag se selos siya e. Pero hindi e. Bakit naman siya mag se selos diba? E ayaw nga nito sa akin. Ilang taon na akongnag ha hayag ng damdamin ko sa kanya pero never man lang ako nakakita o naka ramdam na may gusto din ito sa akin. Puro na lang pag tanggi at hamak nito sa aking nararamdaman sa
Agata Faye Hindi naman maka paniwala na naka tingin na lang ako ngayon sa kanya ng marinig ko ang sinabi nito sa akin. Habang ito naman ay naka taas ang kilay sa akin at mukhang nag hahamon pa na kung hindi ko siya su sundin ay may gagawin itong hindi ko magugustuhan. Pero hindi naman ako basta basta na lang su sunod sa gusto nito no. Lalo pa nga at alam ko na wala naman akong ginagawang masama. "Parang hindi naman yata makatarungan yang pinapagawa nyo sa akin na yan Ninang. Mabait naman po si Love at tsaka walang dahilan para layuan ko siya. Kaibigan ko yung tao at masasabi ko na mabuti siyang tao kasi ako ang nakaka sama nito at hindi po kayo." sagot ko pa sa kanya. Balak ko pa naman na after ng anniversary nila Mommy na ito ay sa sama ako sa kanya sa kanilang resort sa Bataan. Balak ko na mag vacation muna doon kahit isang linggo man lang upang kahit paano ay malayo ako sa magulong buhay dito sa Manila. Balak ko nga din na hindi muna ga gamit ng phone at mag o open ng soc
Agata Faye Natapos na ang party at lahat ay hindi ko na nakuha pang bumabang muli. Paano naman kasi ay baka kung ano na naman ang gawin nito kapag nakita ako at hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili na hindi na ito mapa tulan pa. Nanood na lang ako ng mga video sa reels at tinawagan ko na rin tuloy si Love at tinanong ito kung okay na ba talaga siya. At nalaman ko nga na tinakot pala ito ni Ninang Kourtney kaya napilitan na lang itong umuwe na paano ay balak daw na tahiin nito ang paa niya at saka alcohol daw ang gagamitin nito sa kanya Kaya naman yun nag madali na daw na umalis ito at kahit na ang sakit sakit pa daw ng paa nito. Kaya nga todo ang aking hingi ng paumanhin sa kanya lalo pa nga at iniwan ko pa ito kay Ninang. Hayst kung alam ko lang na ganun ang kanyang gagawin dito kay Love ay hindi ko na sana iniwan ito mag isa doon. Nakakahiya talaga ang nangyari. Tapos may gana pa itong sabihan ako na layuan ko daw si Love. Hayst iba na talaga ang takbo ng utak ng ba
Agata Faye Bigla naman na nag salubong ang kilay nito dahil sa tanong ko sa kanya na yun. At hindi ko napag handaan ang ginawa nito ng bigla na lang niyang kabigin ang aking batok at bigyan ako ng isang mariin na halik. Dahil sa pagka bigla ko ay hindi na ako naka kilos pa at napa pikit na lang ako ng aking mga mata. Kahit na lasa ko sa labi nito ang alak ay may matimbang pa rin doon ang sensation na dala nito sa akin. Ang tibok ng puso ko ay halos hindi ko na marinig dahil sa sobrang lakas nito. Pati na rin ang aking pag hinga ay hindi ko na rin nagawa kaya naka tulala na lang ako ngayon sa kanya. Maya lang ay binitiwan na rin nito ang labi ko at halos habulin ko pa ang kanyang labi upang pag dikitin itong muli. Magka dikit na ngayon ang aming mga noo habang naka pikit ito kaya naman malaya kong napag ma masdan ang napaka ganda nitong mukha na kahit na may edad na siya ay hindi mo aakalin na matanda na ito dahil napaka baby face niya. Maya lang ay nag salita na ito.