Agata Faye Maingat at dahan dahan na inalis ko ito sa aking ibabaw. Baka kasi magising na lang ito bigla at mamulatan pa ako nito ay malagot na naman ako sa kanya. Lalo pa nga at galit pa naman ito sa akin kagabi pa sa Hindi talaga malinaw na dahilan at ayaw ko ng dagdagan pa ang bagay na yun. At isa pa ay gusto ko ng bumangon dahil nga diba sabi ko may lakad pa ako. Kailangan na makapag luto muna ako ng e dadala ko kay Love. Doon pa lang ako naka hinga ng maluwag ng maalis ko na ito sa aking ibabaw na hindi ito nagigising. Balak ko na sana na tuluyan ng tumayo pero bago ko pa magawa yun ay bigla na lang pumulupot ang braso nito sa aking katawan at pati na rin ang kanyang hita ay iniyakap din sa akin kaya naman ngayon ay halos hindi na ako maka galaw pa. Putek naman oh. Ano bang torture itong ginagawa mo sa akin. I mean oo masarap na torture. Pero ang kapalit ay masakit din. Paano ko maalis ito ngayon sa akin kung oarang koala itong naka yakap na sa akin. Halos di ko na nga m
Agata Faye Pagka bili ko ng cookies ay nag mamadali na akong bumalik sa kotse ko at nag drive na akong muli pa punta sa bahay nila Love. Hindi ko pa check ngayon ang phone ko dahil alam ko na panay na ang chat at call sa akin nitong si Love. Di bali kapag nasa kanila na lang ako saka ako mag e explain sa kanya kung bakit late na ako naka punta. Mag 12 pa lang naman e. Pero nagugutom na ako sa totoo lang kasi naman sanay akong kumain ng almusal tapos ngayon ay tanghalian na. Ni hindi man lang ako nakapag kape man lang. Pampa gising ko pa naman ang kape. Pero di bali na. Ngayong araw lang naman na ito e. Pag dating ko sa subdivision nila ay agad na akong pina pasok ng guard ng subdivision kahit na ngayon pa lang naman ako makakapunta talaga sa kanila. Hindi naman sa pag yayabang no pero kasi ang parents ko kasi ang may ari ng subdivision na ito e. kaya kilala na ako ng mga tao dito kaya hindi na rin sila nag tanong pa kung ano ang gagawin ko dito na handa pa naman sana akong sag
Agata Faye Nang maibigay ko na dito ang Cookies na dala ko ay mabilis din na hinila na ako nito papasok sa kanilang bahay. Kaya napa sunod na lang ako dito. Ngayon nga ay paakyat na kami sa bahay nila. mukhang balak na nitong sa may kwarto na niya kaagad kami pumunta ah. Wala naman akong imik at sumunod lang ako sa gusto niya. Nang maka rating kami sa room nito ay mabilis na inilapag nito yung cookies na hawak niya sa may table at pahila na pina upo ako nito sa may couch. "alam ba nung Ninang mo na pupunta ka sa akin ngayon?" tanong kaagad nito sa akin. Kaya naman nag tataka na napa tingin na lang ako dito. Bakit mag ta tanong sa akin ng ganyan yan? Ano naman ngayon kung hindi man ako nag paalam doon? Mukhang nahalata naman nito ang aking pag tataka kaya napa tawa ito ng bahagya dahil doon. "Wag ka ng mag lihim pa sa akin Faye alam ko naman na yung Ninang mo ang tinutukoy mo sa mga kwento mo sa akin na mahal mo pero ayaw sa iyo at may edad na ito. Kahit hindi mo sabi
Agata Faye Nang ma e abot ko na dito ang aking phone ay mabilis na nitong binuksan ang camera ng phone ko. mag se selfie daw muna kami bago siya mag live. Mag po post daw muna ito na mag kasama kami ngayon. At dahil hinayaan ko na lang ito sa kanyang gustong gawin ay sunod na lang ako sa mga ginagawa nito. Nag selfie na nga kaming dalawa na meron dyan yung naka yakap ito sa akin at parang hajalikan ako. Meron din yung naka halik din ito sa pisngi ko. Pero hindi naman talaga naka lapat ang labi nito sa pisngi ko. Medyo naka patagilid lang kasi ang kuha kaya mukhang naka halik ito sa akin at saka nag post na ito gamit ang account ko. Hindi ko na inalam pa kung ano ang nilagay niyang caption doon basta hinayaan ko na lang ito sa kanyang ginagawa. Sa isip isip ko ay nag a aksaya ka lang ng effort dahil malamang sa malamang ay wala lang naman doon kay Ninang ang mga pinag gagawa namin na ito ni Love. Nang makapag post na ito ay mabilis na nitong kinuha ang kanyang laptop at manonood da
Agata Faye “Nasaan kang bwisit ka!!!!? Diba sinabi ko na sa iyo na layuan mo na ang malanding mukhang paa na yan!!! Pero bakit napaka tigas ng ulo mo at talagang kasama mo pa siyq ngayon!!! May pa halik halik pa kayong nalalaman!!! Sumagot ka nasaan ka!!!? Galit na galit na sigaw nito sa akin at tanong ng sunod sunod kaya naman mabilis na pinag pawisan ako dahil doon. Kaya kahit todo ang kaba ko ay sinagot ko pa rin ang tanong nito sa akin. “Nandito po ako sa bahay nila Ninang.” Yun na lang ang nasabi ko dito bago bigla na lang nawala ito sa kabilang linya pero bago yin ay narinig ko pa ang malutong na pag mumura nito. Saka ang galit na sabi nitong mag tutuos daw sila ng malanding mukhang paa. Kabado na binaba ko na ang tawag at napa tingin na lang ako kay Love na ngayon ay ang laki laki ng ngiti nito sa akin. “I told ya. Nag se selos sya girl. My god hindi ko alam na nakakakilig pala na makitang pinag se selosan ako nun.” tuwang tuwa pa na sabi nito sa aki . Ni hindi man
Agata Faye Bago ko siya matanong kung bakit naka ngiti pa ito imbis na matakot siya o di naman kaya ay magalit ay bigla na lang akong hinila ni Ninang at mabilis na inilayo kay Love. “Isa Faye, lumayo ka sa babaeng yan kung ayaw mo na ikaw naman ang maka tikim sa akin.” Galit na babala nito kaya naman nanahimik na lang ako sa may tabi niya banda. “Ikulong nyo ang malanding babae na yan. Kidnapped niya ang inaanak ko.” Mabilis na utos naman nito sa mga pulis na kanina pa naguguluhan sa amin sa totoo lang. Medyo nag aalangan pa sila ngayon na sundin ang utos ni Ninang sa kanila. “Ano pang hinihintay nyo. Hulihin nyo na ang babaeng yan at bulukin nyo na sa bilanguan.” Inis ng baling nito sa mga police. Maya lang ay kumilos na rin ang mga ito pero bago pa nila mahawakan si Love ay mabilis na akong nag salita. Hindi na tama ito. “Walang katutuhanan na kidnapped po ako. dahil ako mismo ang pumunta dito sa bahay nila at kaibigan ko itong si Love kaya walang dahilan para h
Agata Faye Kahit ayaw ko pa sana na umuwe ay wala na akong magagawa pa kung ganito na ito sa akin ngayon. Ayaw ko na baka bigla na lang may bumulagta sa amin dito. Hindi ko alam kung si Love yun o ako. Alin man sa aming dalawa nito. Alam na alam ko din na may dala itong baril at ayaw ko na gumawa ito ng bagay na pag sisisihan namin dahil lang sa pag mamatigas ko. Kaya kahit na natatakot sa maaari nitong gawin ay nakuha ko pa rin na mag salita. "Sa kotse ko na lang ako sa sakay Ninang." kinakabahan na sagot ko dito. Hayst bakit ba kasi ganito ito ngayon? Parang ibang tao ngayon ang nakikita ko sa kanya. Oo at palagi itong galit sa akin pero hindi katulad ngayon na galit na galit talaga ito at nagawa pa nga nito na mag dala ng police dito sa bahay nila Love e. Para yun lang ay ganun na kaagad ang kanyang reaction. Para pumunta lang ako dito kila Love ganyan na siya. Hayst hindi ko na talaga ito maintindihan sa totoo lang. "Pag sinabi ko na sa kotse ko ikaw sa sakay sa kot
Agata Faye Mabilis naman na agad ay isinuot ko ang seatbelt at saka kumapit na ng mahigpit sa pwede kong makapitan at pumikit na lang ang tangi kong nagawa dahil alam ko na kapag kinausap ko pa itong si Ninang ay lalo lang itong maiinis kaya hinayaan ko na lang ito sa kanyang gusto. Todo na lang ang aking pagdarasal na sana ay maka uwe na ako sa bahay na walang nangyayari na masama sa akin. Hayst kung bakit ba naman kasi ganito ito. Para Hindi lang sinunod ito ganito na kaagad maka react. Para yun lang e. Wala naman nangyari na masama na dapat ay ikagalit nito. Kay Love lang naman ako pumunta hindi naman kami gumawa nito ng kababalaghan pero ang balik sa akin ng mga nagawa ko na pag suway sa kanya ay ganito. My god. Sana maka uwe ako sa amin ng buhay. Dahil sure ko na pag may nangyari na masama sa amin ay baka kung ano pa ang mangyari kay Mommy at kila Lola. Sobra pa naman kung mag alala ang dalawa na yun. Sobrang praning din kung minsan e. Dahil naka pikit ako ay hindi ko ala