Agata Faye "Ninang sa bahay na lang po ako. Tsaka wala din naman kasi akong ga gawin sa condo ko e. Hindi pa naman pasukan at isa pa ay nandoon sa bahay ang mga gamit ko." sagot ko dito. Mas gusto ko na mag stay na lang sa bahay kaysa ang mapa lapit na naman ako sa kanya tapos mag a assume na naman ako na baka sakali ay magka gusto din ito sa akin na sa tingin ko naman ay never na mangyayari ang bagay na yun. "Sa condo ka mag e stay at ayaw ko na makipag pilitan pa sa iyo Agata Faye. Kung ano ang sinabi ko ay yun ang masusunod!!!" galit na sagot naman nito at medyo bumilis na naman ang takbo ng kotse. Mukhang doon niya ibinubuhos ang lahat ng init at galit nito sa buhay. Napa iling na lang ako dahil doon. Kahit kailan talaga ay never akong nanalo dito. Hindi marunong makinig ang isang ito e. Mabuti sana kung asawa ko siya at ka relasyon ko ay malamang na pag sinabi nito ay oo ako kaagad. Kahit na masabihan pa ng under ay wala akong pakialam basta ang mahalaga sa akin ay na
Agata Faye Hanggang sa maka sakay na kami ng elevator ay naka simangot pa rin ito. Pero hindi ko na lang siya pinansin pa. Alam ko naman na . bad trip ito at ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya na hindi ko alam kung paano ko naging kasalanan ang mga bagay na yun. Nang makarating na kami sa unit nito ay mabilis na itong pumasok sa loob nun habang ako naman ay hindi na sumunod pa sa kanya dahil sa unit ko ako pupunta. Ano naman ang gagawin ko sa unit niya diba? Tsaka baka magalit lang ito kapag nakita nito na naka sunod pa rin ako sa kanya. Papasok na sana ako sa unit ko ng may bigla na lang nag salita sa aking likuran. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ako ba talaga ay pinag luluko mo ha Faye?" galit at puno ng pang gigigil na sigaw sa akin ni Ninang Kourtney. Kaya naman bigla akong napa tigil sa pag open ng pinto at mabilis na nilingon ito na ngayon ay galit na galit na naman. Hindi pa ako nakakapag salita ng mabilis na hinawakan nito ang aking kamay at
Agata Faye Natataranta na inilayo ko muna ito sa akin at ngayon nga ay kitang kita ng dalawang mata ko ang hilam sa luha na mukha nito. At parang dinudurog ang puso ko dahil sa nasaksihan ko na itsura nito. Ngayon ko lang kasi ito nakita na umiyak siya ng ganyan at alam ko na dahil yun sa akin at hindi ko kayang patawarin ang sarili ko dahil sa nasaktan ko ang babaeng mahal na mahal ko sa hindi ko malaman na dahilan. "Tahan na please, Ako ang mas higit na nasasaktan kapag ganyan na umiiyak ka." natataranta na pakiusap ko dito habang walang humpay ang pag punas ko sa mukha nito gamit na Ang sarili kong damit. Pero imbis na tumigil ito ay mas lalo lang lumkas ang pag hikbi nito na mas lalo lang ikina durog ng puso ko. Halos gusto ko ng saktan ang aking sarili dahil sa nagawa ko na dahilan ng pag iyak nito. Hindi ko na nakaya pa ang makita itong tigmak ng luha ang mukha nito kaya niyakap ko na lang ito ng mahigpit muli. Ramdam ko naman na ang pagka basa ng aking balikat dahil d
Agata Faye Natigilan naman ito sa sinabi ko sa kanya. Pero maya lang ay nah salita itong muli. "Seryoso kaba talaga dyan sa kakalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin?" seryoso at titig na titig na tanong nito sa akin. Wala naman pag dadalawang isip na mabilis na tumango ako sa kanya. Yun naman talaga ang totoo nag mo move on na ako sa kanya. Pero paano ko magagawa ang bagay na yun kung ganito na panay na naman ang lapit niya sa akin. Nahihirapan na nga ako na mag move on tapos ganyan pa ang kanyang ginagawa. Masyado niyang nililito ang aking nararamdaman. Kita ko naman na parang bigla itong nalungkot at parang may dumaan pang sakit sa mata nito pero mabilis din na nawala yun ng paka titigan ko ito. Baka namalikmata lang siguro ako. Impossible naman na masasaktan ito kung seryoso ako na kalimutan na ang nararamdaman ko dito. Dapat nga na matuwa pa ito dahil sinusunod ko na ang matagal na nitong hiling sa akin na ibaling ko na lang sa iba kung anuman ang nararamdam
Agata Faye Pero imbis na maunawaan nito ang ibig kong sabihin at ipa unawa sa kanya ay mas lalo lang itong nagalit sa akin. "Hindi ka ba talaga marunong sumunod sa gusto ko ha Faye? Ganyan na ba katigas ang ulo mo na nag stay ka lang sa inyo ay ganyan kana. Pag sinabi ko sinabi ko na at wala ka ng magagaw pa kung hindi ang sundin ako. Sinasabi ko talaga sa iyo Faye. Huwag mong ubusin ang pasensya ko. Yung ginawa ko doon sa kabit mong babae na yun ay sample lang yun. Hindi pa ako masyadong galit nun. Kaya humanda ka talaga sa akin oras na malaman ko na may babae ka na naman!!!" galit na sigaw nito sa akin sabay tulak pa nito at tuluyan na itong lumayo ng upo. Habang ako ay naka tulala lang na naka tingin dito at pilit na pina process sa utak ko ang sinabi nito sa akin. Pero ano ang dahilan? Anong dahilan at bakit kailangan na layuan ko kung sino man ang gustong makipag lapit sa akin. Bakit magagalit siya ng ganyan kung halimbawa man na malipat sa iba ang pag tingin ko kung h
Agata Faye Imbis na matakot ako sa tanong nito sa akin ay sinalubong ko ang tingin nito sa akin at ngayon nga ay magka titigan na kaming dalawa. Nauna naman na itong nag bawi ng kanyang tingin at tumingin na lang ito sa kabilang banda pero hindi pa rin ito umaalis sa may pintuan at naka harang pa rin ito doon. "Aalis na po ako. Wala naman akong dahilan na mag stay pa dito em Uuwe na lang ako sa bahay at kung concerned ka sa akin ay wala kang dapat na ipag alala dahil sa poder naman ng parents ko ako naka tuloy. Kaya please lang umalis kana po dyan sa may pinto." seryoso na pakiusap ko dito. Pero hindi man lang ito natinag at nandoon pa rin siya na naka balandra kaya naman napa buntong hininga na lang ako dahil doon. "Please lang Ninang, huwag mo naman na akong pahirapan pa o. Wala naman akong ginawang masama sa iyo upang ganituhin mo ako. Kung yung mga pam bwi bwisit ko sa iyo noon ay noon pa yun at hindi ko na gagawin pa ang bagay na yun kaya nga lumalayo na ako sa ito
Nandito ako sa bahay nila Alex dahil birthday ng kanyang panganay na anak na si Agata Faye at inaanak ko ito. Naka upo lang ako dito sa may garden kasi hindi ko feel na makihalubilo sa loob kaya lumabas na muna ako. Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin sa labas si Faye na ngayon nga ay naka titig sa akin ng mariin. Hindi ko alam sa bata na ito at kung bakit ganito ito makatingin sa akin ngayon kaya naman nakipag titigan din ako sa kanya.Sa lahat ng anak nila Alex ay ito ang pinaka maldita. Nakuha nga nito ang mukha ni Alex pero ang ugali ay manang mana naman sa nanay nitong amasona. Maya lang ay bigla na lang nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin sabay sabi ng "akin ka lang ha. Hintayin mo ako na lumaki at pakakasalan kita. Huwag na huwag kang makikipag ligawan sa iba kasi magagalit ako. Hayaan mo pag laki ko ay liligawan na kita. Pero kung mag papaligaw ka sa iba ay hindi kita pa pansinin ng bonggang bonga. Dapat ako lang sa akin lang. Kaya mag iingat ka." seryoso na
Agata Faye Nandito ako ngayon sa isang disco bar na pag aari namin at kanina pa mainit ang ulo ko sa isang maganda pero matanda ng babae na panay ang harot sa kasayawan nito sa dance floor. Kanina pa rin gusto kong tumayo at palayasin na ang lalaki na nag ta take advantage dito. Halata naman na lasing na si tanda kaya di na rin siguro nito alam ang kanyang ginagawa. At bago pa maka chansing na naman ang huklubang lalaki na ito kay tanda ay agad ko ng tinawag ang bouncer na kanina pa paikot ikot dito sa may pwesto ko banda. "Yes Ma'am Faye, may ipapagawa po ba kayo?" Magalang na tanong kaagad nito pagka lapit palang niya. "Gusto kong palayasin mo ang lalaki na yun at e ban na siya sa bar na ito!" Medyo mainit ang ulo na utos ko dito. Hindi na kaya pa ng mata ko na panoorin ang pakikipag landian dito ni Kourtney. Yap si Ninang Kourtney ang tinutukoy ko na matanda pero may asim pa at ako ang uubos ng asim niya na yun. Alam na parang nanay ko na ito kung tutuusin at alam