Share

Chapter 1

Agata Faye

Nandito ako ngayon sa isang disco bar na pag aari namin at kanina pa mainit ang ulo ko sa isang maganda pero matanda ng babae na panay ang harot sa kasayawan nito sa dance floor.

Kanina pa rin gusto kong tumayo at palayasin na ang lalaki na nag ta take advantage dito. Halata naman na lasing na si tanda kaya di na rin siguro nito alam ang kanyang ginagawa. At bago pa maka chansing na naman ang huklubang lalaki na ito kay tanda ay agad ko ng tinawag ang bouncer na kanina pa paikot ikot dito sa may pwesto ko banda.

"Yes Ma'am Faye, may ipapagawa po ba kayo?" Magalang na tanong kaagad nito pagka lapit palang niya.

"Gusto kong palayasin mo ang lalaki na yun at e ban na siya sa bar na ito!" Medyo mainit ang ulo na utos ko dito.

Hindi na kaya pa ng mata ko na panoorin ang pakikipag landian dito ni Kourtney. Yap si Ninang Kourtney ang tinutukoy ko na matanda pero may asim pa at ako ang uubos ng asim niya na yun.

Alam na parang nanay ko na ito kung tutuusin at alam ko din ang kwento ng buhay nila nila Mom at Mama. Pero anong magagawa ko. Siya ang tinitibok nitong puso ko. Kung pwede nga lang sana na pigilan ko ay gagawin ko talaga.

Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag iisip na papatulan ang isang itinuturing mo ng pangalawang ina.

Pero hindi ganun ang tingin ko sa kanya. Hindi ko siya kinu consider as may 2nd Mom dahil ang tingin ko sa kanya ay siya ang gagawin kong ina ng mga magiging anak namin.

Kaya dapat na bantayan ko ang alam ko na dapat maging akin. Dahil kapag hindi ko ginawa ito ay baka maunahan ako ng iba na hinding hindi ko papayagan na mangyari ang bagay na yun.

Ako pa. Walang hindi ko nakuha basta nagustuhan ko ang isang bagay. Lalo pa nga at hindi ko lang siya basta gusto kung hindi mahal na mahal ko siya.

Akala ko nga noon ay infatuation lang ang nararamdaman ko na ito sa kanya e. Kaya binabaliwala ko lang. Akala ko ay lilipas din ito. Na baka crush ko lang siya tapos pag lipas ng panahon ay mawawala din itong nararamdaman ko na ito sa kanya. Pero hindi e. Alam ko na iba ito.

Kasi na try ko din na mag ka crush sa iba. Pero ang nararamdaman ko sa kanya ay kakaiba. At napag tanto ko na mahal ko talaga siya at handa akong gawin ang lahat mapa sa akin lang ang isang matandang nilalang na ito na palagi na lang pinapainit ang ulo ko.

Wala din naman akong pakialam kung tumutol man ang parents ko sa aming dalawa. Dahil kung ang Mama ko ay bata pa lang may mga negosyo na siya pwes ako ay ganun din. Kaya hindi nila ako matatakot na kung halimbawa man ay tanggalan nila ako ng mana.

A anhin ko ang makukuha kong kayamanan kung ang kapalit naman nun ay ang aking kaligayahan. Magiging maligaya ba ako sa pera lang? Oo siguro panandalian na kasiyahan lang ang kaya nitong ibigay sa akin. Pero pang habang buhay ang gusto ko. At ito naka tingin na nga ako sa aking kaligayan na ngayon nga ay masama ng naka tingin sa akin

Alam kasi nito ang aking ginawa na pag papalayas sa kanyang kalandian.

Naka ngisi naman na kinindatan ko lang ito sabay taas ng baso na hawak kong may laman na alak.

Mas lalo lang na sumama ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko. Mas lalo yatang nainis ito. Pero nag didiwang naman ang puso ko dahil napalayas ko ang kaharutan nito.

Madilim ang mukha na nakita kong palapit ito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na hindi mapakagat sa aking labi kasi naman itong mata ko ay hindi maalis ang tingin sa napaka hot nitong katawan na parang pagkain na aking paborito na ngayon ay palapit sa akin.

"Hello sexy!" Bati ko kaagad sa kanya pagka lapit pa lang niya dito.

"Sexy mong mukha mo!!" Galit naman na sagot nito sa akin pero mas nginitian ko lang siya ng matamis.

"Sexy ka naman talaga ah. Kita mo nga kahit na matanda kana e ang hot mo pa rin sa paningin ko." Sagot ko dito sabay kagat ng labi at kindat pa dito.

Mas lalo naman na nagalit ito sa ginawa ko.

"Hindi mo ba ako titigilan ha Faye!!? Pati ba naman yung tao na kasayaw ko ay pinalayas mo!!!? Binabastos mo na ako nyan ah.!!!" Galit na galit na sita nito sa akin.

Nakita ko pa na naka kuyom ang kanyang kamao dahil sa gigil at galit nito sa akin. Pero imbis na matakot dito ay bakit iba ang nararamdaman ko? Yun bang parang gusto ko na bigla na lang hilahin ito at dalhin sa isa sa mga kwarto sa taas at parusahan ito sa ibang paraan na pareho kaming mag e enjoy nito.

Bakit ba naman kasi pag ganito na galit siya ay parang mas lalo lang siyang nagiging hot sa paningin ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status