Share

Chapter 5

Kourtney

Kaya walang nagawa kung hindi ang mapa atras na lang ako upang hindi siya basta basta makalapit sa akin.

Pero kung gaano kaliliit ng biyas nito ay siya naman ang bilis nito na naka lapit sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko. At mas lalo lang na lumapit pa ito na halos ay naka yuko na ako sa kanya habang ito ay naka tingala sa akin.

Parang ang awkward pa. Kasi ako ang naka yuko habang siya itong naka tingala. Feeling ko tuloy ay ako pa ang may balak na humalik dito.

Ramdam na ramdam ko na ang kalambutan nito na ngayon nga ay halos wala ng pagitan sa aming dalawa. Sama mo pa ang napaka bangong amoy nito na kahit nag luluto na ito at lahat ay napaka bango pa rin niya.

Amoy na amoy baby Baby niya. Hahaha

Pero bago ko pa ito maitulak ay mabilis na itong umalis sa harapan ko habang hawak na nito yung baso na hindi ko namalayan ay nakuha na pala nito sa kamay ko.

Pangiti ngiti pa itong bumaling sa akin. "Nabitin kaba Tanda?" Nang aasar pang sabi nito sa akin.

Bwisit na tanda na naman yan. Oo alam na alam ko naman na malapit na akong mag menopause pero shit lang kasi. Bakit kailangan pa nitong ipa mukha sa akin ang bagay na yun.

Pero bago pa ako naka sagot sa kanya ay bigla muli itong nag salita. "Saka mo na matitikman muli ang lips ko na ito kapag nakapag decide ka ng maging girlfriend ko. Pero habang hindi mo pa ako sinasagot ay wala munang kiss. Alalahanin mo Hindi ka na bata pa. Pa tanda kana kaya. Kaya habang maaga pa ay dapat mag decide kana." Sabi nito habang pa kindat kindat pa na akala mo ay may sakit sa mata.

Parang gusto kong salungatin ang sinabi nito na hindi naman ako nag expect na hahalikan niya ako pero bago ko masabi yun ay tumalikod na muli ito at ipinag patuloy na ang kanyang pag luluto na para bang wala ako sa kusina at parang walang kabalbalan na ginawa ito kani kanina lang.

Sarap talaga sapakin nito sa totoo lang. Alam mo yun? Para matauhan ito baka kasi lumuwag lang ang turnelyo nito diba. Kaya ako ang madalas ay perwesyuhin nito sa buhay. Hindi ako naniniwala dito na may gusto ito sa akin. Ano ba ang nakita nito sa akin? Eh kung tutuusin ay marami itong maging choices at hindi ko naman masasabi na wala itong itsura kaya ako na lang ang pinag ta tyagaan nitong bwisitin

Infact ay napaka ganda nitong bata sa totoo lang. Kaya nakakapag taka talaga kung bakit ako ang napili nitong bwisitin.

Pero hindi ako nag patalo. Alangan na always na lang siyang panalo at hindi na ako pa palag? Kaya feeling tuloy niya ay kakayan kayanin na lang niya ako. Porket hindi ko pinapatulan mga ginagawa nito.

"As if naman na nag expect ako na hahalikan mo. Duh mamatay na kung sino ang sabik na sabik na matikman ang lips ko na ito." Palaban pero parang may pagka isip bata na sabi ko naman sa kanya.

Ah bahala na basta this time hindi ako mag papatalo sa kanya no.

"Ah kaya pala napa pikit kapa kanina. Pero sige na nga. Kunwari ay hindi ko yun napansin na ginawa mo." Naka ngisi na sagot naman nito.

Kaya tuloy napipi ako bigla dahil doon. Oo nga naman napa pikit nga pala ako kanina. syempre ang alam ko talaga ay hahalikan niya ako. Hindi naman pala. Pero hindi ako nag expect talaga ha. Promise yun.

Hayst Kourtney sabihin mo na lang yan sa pagong. Baka sakali maniwala pa sayo.

"Bwisit ka talagang bata ka kahit kailan. Bakit ba hindi mo na lang ako tigilan at ng matahimik naman ang buhay ko. Puro na lang pag perwesyo ang ginagawa mo e. Porket alam na alam mo na hindi kita papatulan sa lahat ng pam bwi bwisit na ginagawa mo sa akin." galit na tungayaw ko sa kanya.

Bahala na kahit dito man lang ay maka bawi ako dito. Sumo sobra na ito e. Baka akala niya ay mapapalampas ko na lang ang lahat ng ka bwisitan na binibigay nito sa akin.

"Sorry na, ang sarap mo kasing pikunin e. Pero totoo naman ang lahat ng sinasabi ko sa iyo. Na mahal kita at hindi ako mag sa sawa na sabihin sayo at ipa ramdam ang nararamdaman ko." seryoso na sagot naman nito sa akin habang naka tingin sa akin ng matiim

Kung paka titigan mo nga ay may makikita ka doon na kislap sa kanyang mga mata na nag sa sabi na totoo ang sinasabi nito. Pero ayaw ko paniwalaan ang bagay na yun.

Kahit totoo pa man siya o hindi. Hindi talaga kami pwede nito. Kahit na tumanda na lang akong dalaga ay huwag lang siya. Dahil may delikadisa pa naman ako sa aking katawan upang patulan ko ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status