Agata Faye “Nasaan kang bwisit ka!!!!? Diba sinabi ko na sa iyo na layuan mo na ang malanding mukhang paa na yan!!! Pero bakit napaka tigas ng ulo mo at talagang kasama mo pa siyq ngayon!!! May pa halik halik pa kayong nalalaman!!! Sumagot ka nasaan ka!!!? Galit na galit na sigaw nito sa akin at tanong ng sunod sunod kaya naman mabilis na pinag pawisan ako dahil doon. Kaya kahit todo ang kaba ko ay sinagot ko pa rin ang tanong nito sa akin. “Nandito po ako sa bahay nila Ninang.” Yun na lang ang nasabi ko dito bago bigla na lang nawala ito sa kabilang linya pero bago yin ay narinig ko pa ang malutong na pag mumura nito. Saka ang galit na sabi nitong mag tutuos daw sila ng malanding mukhang paa. Kabado na binaba ko na ang tawag at napa tingin na lang ako kay Love na ngayon ay ang laki laki ng ngiti nito sa akin. “I told ya. Nag se selos sya girl. My god hindi ko alam na nakakakilig pala na makitang pinag se selosan ako nun.” tuwang tuwa pa na sabi nito sa aki . Ni hindi man
Agata Faye Bago ko siya matanong kung bakit naka ngiti pa ito imbis na matakot siya o di naman kaya ay magalit ay bigla na lang akong hinila ni Ninang at mabilis na inilayo kay Love. “Isa Faye, lumayo ka sa babaeng yan kung ayaw mo na ikaw naman ang maka tikim sa akin.” Galit na babala nito kaya naman nanahimik na lang ako sa may tabi niya banda. “Ikulong nyo ang malanding babae na yan. Kidnapped niya ang inaanak ko.” Mabilis na utos naman nito sa mga pulis na kanina pa naguguluhan sa amin sa totoo lang. Medyo nag aalangan pa sila ngayon na sundin ang utos ni Ninang sa kanila. “Ano pang hinihintay nyo. Hulihin nyo na ang babaeng yan at bulukin nyo na sa bilanguan.” Inis ng baling nito sa mga police. Maya lang ay kumilos na rin ang mga ito pero bago pa nila mahawakan si Love ay mabilis na akong nag salita. Hindi na tama ito. “Walang katutuhanan na kidnapped po ako. dahil ako mismo ang pumunta dito sa bahay nila at kaibigan ko itong si Love kaya walang dahilan para h
Agata Faye Kahit ayaw ko pa sana na umuwe ay wala na akong magagawa pa kung ganito na ito sa akin ngayon. Ayaw ko na baka bigla na lang may bumulagta sa amin dito. Hindi ko alam kung si Love yun o ako. Alin man sa aming dalawa nito. Alam na alam ko din na may dala itong baril at ayaw ko na gumawa ito ng bagay na pag sisisihan namin dahil lang sa pag mamatigas ko. Kaya kahit na natatakot sa maaari nitong gawin ay nakuha ko pa rin na mag salita. "Sa kotse ko na lang ako sa sakay Ninang." kinakabahan na sagot ko dito. Hayst bakit ba kasi ganito ito ngayon? Parang ibang tao ngayon ang nakikita ko sa kanya. Oo at palagi itong galit sa akin pero hindi katulad ngayon na galit na galit talaga ito at nagawa pa nga nito na mag dala ng police dito sa bahay nila Love e. Para yun lang ay ganun na kaagad ang kanyang reaction. Para pumunta lang ako dito kila Love ganyan na siya. Hayst hindi ko na talaga ito maintindihan sa totoo lang. "Pag sinabi ko na sa kotse ko ikaw sa sakay sa kot
Agata Faye Mabilis naman na agad ay isinuot ko ang seatbelt at saka kumapit na ng mahigpit sa pwede kong makapitan at pumikit na lang ang tangi kong nagawa dahil alam ko na kapag kinausap ko pa itong si Ninang ay lalo lang itong maiinis kaya hinayaan ko na lang ito sa kanyang gusto. Todo na lang ang aking pagdarasal na sana ay maka uwe na ako sa bahay na walang nangyayari na masama sa akin. Hayst kung bakit ba naman kasi ganito ito. Para Hindi lang sinunod ito ganito na kaagad maka react. Para yun lang e. Wala naman nangyari na masama na dapat ay ikagalit nito. Kay Love lang naman ako pumunta hindi naman kami gumawa nito ng kababalaghan pero ang balik sa akin ng mga nagawa ko na pag suway sa kanya ay ganito. My god. Sana maka uwe ako sa amin ng buhay. Dahil sure ko na pag may nangyari na masama sa amin ay baka kung ano pa ang mangyari kay Mommy at kila Lola. Sobra pa naman kung mag alala ang dalawa na yun. Sobrang praning din kung minsan e. Dahil naka pikit ako ay hindi ko ala
Agata Faye Binuksan ko na rin yung soda na binili ko para sa akin at saka ako nag open na rin ng chips. Medyo hindi kasi ako mahilig sa matatamis mas like ko ang mga ganito na medyo maalat e. Saka ako kumain na rin habang naka tingin lang ako sa may unahan at pinapaki ramdaman itong katabi ko na medyo okay na rin ang mood ngayon. Wala naman nag sa salita sa aming dalawa ngayon hanggang sa maubos nito ng chocolate na kinakain niya. Nang mapansin ko na ubos na yun ay agad na kumuha ako ng chips at isinubo yun sa kanya. Ewan ko kung bakit ganun ang ginawa ko. Minsan talaga ay may sariling isip ang mga kamay ko na ito at hindi ko na lang namalayan na may ginagawa na pala ito. Pero bago ko pa mabawi yung kamay ko na naka umang sa may bibig nito dahil nga sa balak kong e subo sa kanya yung chips ay kinain na nito kaagad yun. Hindi ko alam kung sinadya ba niya o hindi lang talaga nito sinasadya na masagi pa ng dila nito ang daliri ko ng kainin nito yung chips na sinusubo. Hindi ko
Agata Faye "Ninang sa bahay na lang po ako. Tsaka wala din naman kasi akong ga gawin sa condo ko e. Hindi pa naman pasukan at isa pa ay nandoon sa bahay ang mga gamit ko." sagot ko dito. Mas gusto ko na mag stay na lang sa bahay kaysa ang mapa lapit na naman ako sa kanya tapos mag a assume na naman ako na baka sakali ay magka gusto din ito sa akin na sa tingin ko naman ay never na mangyayari ang bagay na yun. "Sa condo ka mag e stay at ayaw ko na makipag pilitan pa sa iyo Agata Faye. Kung ano ang sinabi ko ay yun ang masusunod!!!" galit na sagot naman nito at medyo bumilis na naman ang takbo ng kotse. Mukhang doon niya ibinubuhos ang lahat ng init at galit nito sa buhay. Napa iling na lang ako dahil doon. Kahit kailan talaga ay never akong nanalo dito. Hindi marunong makinig ang isang ito e. Mabuti sana kung asawa ko siya at ka relasyon ko ay malamang na pag sinabi nito ay oo ako kaagad. Kahit na masabihan pa ng under ay wala akong pakialam basta ang mahalaga sa akin ay na
Agata Faye Hanggang sa maka sakay na kami ng elevator ay naka simangot pa rin ito. Pero hindi ko na lang siya pinansin pa. Alam ko naman na . bad trip ito at ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya na hindi ko alam kung paano ko naging kasalanan ang mga bagay na yun. Nang makarating na kami sa unit nito ay mabilis na itong pumasok sa loob nun habang ako naman ay hindi na sumunod pa sa kanya dahil sa unit ko ako pupunta. Ano naman ang gagawin ko sa unit niya diba? Tsaka baka magalit lang ito kapag nakita nito na naka sunod pa rin ako sa kanya. Papasok na sana ako sa unit ko ng may bigla na lang nag salita sa aking likuran. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ako ba talaga ay pinag luluko mo ha Faye?" galit at puno ng pang gigigil na sigaw sa akin ni Ninang Kourtney. Kaya naman bigla akong napa tigil sa pag open ng pinto at mabilis na nilingon ito na ngayon ay galit na galit na naman. Hindi pa ako nakakapag salita ng mabilis na hinawakan nito ang aking kamay at
Agata Faye Natataranta na inilayo ko muna ito sa akin at ngayon nga ay kitang kita ng dalawang mata ko ang hilam sa luha na mukha nito. At parang dinudurog ang puso ko dahil sa nasaksihan ko na itsura nito. Ngayon ko lang kasi ito nakita na umiyak siya ng ganyan at alam ko na dahil yun sa akin at hindi ko kayang patawarin ang sarili ko dahil sa nasaktan ko ang babaeng mahal na mahal ko sa hindi ko malaman na dahilan. "Tahan na please, Ako ang mas higit na nasasaktan kapag ganyan na umiiyak ka." natataranta na pakiusap ko dito habang walang humpay ang pag punas ko sa mukha nito gamit na Ang sarili kong damit. Pero imbis na tumigil ito ay mas lalo lang lumkas ang pag hikbi nito na mas lalo lang ikina durog ng puso ko. Halos gusto ko ng saktan ang aking sarili dahil sa nagawa ko na dahilan ng pag iyak nito. Hindi ko na nakaya pa ang makita itong tigmak ng luha ang mukha nito kaya niyakap ko na lang ito ng mahigpit muli. Ramdam ko naman na ang pagka basa ng aking balikat dahil d