Kourtney "Love tama na yan. Weeding Anniversary natin to o." Sita naman na dito ni Alex sa amasona nitong asawa. Nakita ko naman na napa irap pa muna ito bago tumahimik na rin naman. "Tika sino nga ba yang kasama mo hmmm? Sya na ba ang the one?" pag change topic naman ni Alex at tanong sa akin. Napa ngiti naman ako dahil doon. Pero bigla din naman nawala at sumeryoso na ako kaagad. "Hahaha patawa ka talaga Alex. Hindi no. Ito nga pala si Marco friend ko at the same time e ka sosyo ko din sa negosyo. Marco sila Alex at Agata nga pala." pakilala ko naman sa kanila dito. Todo ang ngiti naman na kaagad ay nakipag kamay itong si Marco sa kanilang mag asawa. Habang may pilyong ngiti ngayon na nala paskil sa labi mg mag asawa at palihim na naka tingin sa akin. "Hmmm siya na ba yung always mo na post?" hindi pa ron tumitigil na tanong ni Alex. "Hayst tigilan mo nga ako Alex. ah basta wala pa rin akong nakikita hanggang ngayon na pwede mag patibok ng puso ko." sumusuko n
Kourtney Halos hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari dahil ngayon nga ay naka tingin na lang ako sa isang particular na tao. Kay Faye na ngayon nga ay agad na binuhat nito ang kanyang kapatid ng lumapit ito sa kanya. Kitang kita ko ang tuwa na naka balandra sa mukha nito habang nakikipag kulitan na ito sa kanyang bunsong kapatid. Kaya naman naka titig lang ako dito at para bang ang lahat ng pagka miss ko dito dahil halos isang buwan ko din na hindi ito nakita ay sinusulit ko na ngayon sa pag tingin ko dito. Maya lang ay mukhang nahalata yata nito na may naka tingin sa kanya kaya naman nag angat ito ng kanyang mukha at sakto na pag angat nito ay sa akin tumama ang kanyang paningin. Nagka titigan pa kami nito ng halos tatlong sigundo lang yata dahil mabilis din na binawi nito ang kanyang tingin sa akin. At parang wala lang nakita ito na ibinaling na nitong muli ang kanyang attention sa kanyang kapatid. Bigla naman akong naka ramdam ng pag sakit ng akong di
Kourtney Agad naman na nilingon ko si Marco na ngayon nga ay naka hawak na sa aking braso. "Bakit?" nag tataka na tanong ko naman dito. "Saan ka pupunta?" tanong naman nito sa akin. "Dyan lang sa loob ng bahay at mag cr lang ako." walang gana na sagot ko dito. "Samahan na kita?" sabi naman niya sa akin. "Huwag na. Saglit din lang naman ako e." sagot ko naman sa kanya. Sana pala di ko na lang sinama ang lalaki na ito ngayon. Mas lalo lang ako naiinis pag ganito na may pa sunod sunod sa akin e. "Samahan na lang kita. para ma kita ko na rin tuloy loob ng bahay nila." pamimilit naman nito. Kaya naman wala na akong nagawa pa kung hindi ang isama ito. Kaya naman tumayo na kami nito habang hawak pa rin nito ako sa braso. Hinayaan ko na lang naman siya. May gusto din kasi akong malaman ngayon kung ano ba ang magiging reaction ni Faye pag ganitong nakita nito na may ibang lalaki ang humahawak sa akin na katulad nito. Dati rati kasi ay galit na galit na ito kaagad at
Kourtney Sa sagutin ko na sana itong si Faye pero bago ko pa nagawa yun ay yung babaeng malandi na naman ang attention nito. "Okay ka lang ba Love?" nag aalala na tanong nito sa malanding babae na ngayon ay gusto ko ng burahin ang pag mu mukha dahil sa galit na akong nararamdaman na ngayon. Alam ko at ramdam na ramdam ko na ngayon ang pamumula ng aking mukha hindi dahil sa init bagkos ay dahil sa galit ito. Sa galit ko ngayon dito sa dalawang taong ito. "Ang sakit ng daliri ko sa paa Faye. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag lakad nito." naiiyak na sagot naman nito kay Faye na agad ay ikina taas ng kilay ko dahil sa narinig kung yun. My god napaka arte talaga at alam ko yung nag e inarte lang naman ito. Para natapakan lang ng takong ko na medyo diniinan ko pa kanina ay hindi na daw makalakad napaka OA talaga. Mas lalo lang niyang pinapainit ang ulo ko. "Ganun ba? Gusto mo sa room ko muna tayo habang hindi mo pa mailakad yang paa mo?" tanong naman dito ni Faye. Nakita ko
Kourtney "Kourtney akala ko ba mag si cr ka? Halika na." untag sa akin ni Marco. Kaya naman inis na nilingon ko ito. Kainis talaga ang isang to. Panira e. Di na lang manahimik dyan sa sulok o di naman kaya ay nag paiwan na lang dapat talaga ito doon sa may table e. Hindi yang pa epal na naman siya. Nakita na nga na busy pa ako sa dalawang ito e. Tapos e epal siya dyan. Mali talaga na sinama ko siya dito. Wala din naman akong napala dito. "Nakita mo naman siguro na may ginagawa pa ako dito diba." inis na sagot ko dito. Halata na sa mukha ko ngayon ang pagka inis ko sa kanya. Di na ito kayang itago pa ng pagka plastic ko. Dahil talaga naman na sinasagad na rin nito ang pasensya ko dito. Bigla naman na natahimik ito dahil doon. At bahagya na lumayo ito sa akin. "Sige balik na lang ako doon sa may table." nag aalangan pa na sabi niya at nag mamadali na itong umalis sa aming harapan kaya naman dahil doon ay naka hinga na ako ng maluwag dahil kaming tatlo na lang ngayon
Kourtney Sa sagutin ko na sana ito para supalpalin din at ipa mukha sa kanya na wala akong pakialam kung bagay man sila at magka edad man sila ni Faye dahil wala naman siyang magagawa dahil ako naman ang mahal nito. Kaya kahit na mag hubad pa siya sa harap ni Faye ay wala naman itong mapapala dahil nga sa ako lang naman ang mahal na mahal nito na ang sarap lang ipa mukha sa makapal ang mukha na babaeng ito. "Ninang ito na po yung first aid kit." sabi sa akin ni Faye sabay abot nito sa akin na mabilis ko naman na kinuha mula sa kanya. "Doon kana sa labas Faye at walang mag a asikaso sa mga bisita ninyo ako na ang bahala dito." utos ko naman kay Faye. Nakita ko naman ang biglang pag alma ng babaeng makapal ang mukha na sobrang landi na ito. "Faye dito ka lang please." biglang paki usap naman nito kay Faye. Nag alangan naman si Faye kung ano ang gagawin kung ang makikinig ba siya sa pakiusap ng malanding babae na ito o ang makikinig siya sa utos ko sa kanya. "Mabilis lang nam
Agata Faye Kanina ko pa pansin na mukhang bad trip si Ninang sa akin. Hindi ko na alam kung ano na naman ang nagawa ko ditong mali. Sinunod ko naman na ang kanyang gusto na layuan ko na siya dahil sa totoo lang ay ang sakit sakit na kasi ng kanyang ginagawa at ayaw ko na mag mukhang kawawa na lang na palaging naka sunod dito na parang aso tapos ganung treatment lang ang makukuha ko dito. Kaya nga kahit na gusto ko na pag layuin ang dalawang ito dahil sa nasa saktan ako na makitang may ibang humahawak na dito ay hindi ko na lang pinansin at hinayaan ko na lang siya sa gusto nitong gawin. Hindi ko din alam kung na nanadya ba ito na saktan ako dahil dinala pa talaga niya dito ang kanyang lalaki at sa harapan ko pa kung landiin niya ito. Pero dahil wala akong karapatan dito ay hindi ko na lang pinansin pa ang mga ito at ibinaling ko na lang sa aking kaibigan at ka klase ang aking attention na si Love. Ang cute nga e. Lovely ang kanyang pangalan pero sabi nito sa akin ay Love na la
Agata Faye Mabilis naman na tumango ako dito at binuhat na ito kaagad upang dalhin na muna ito sa kwarto ko pansamantala. Medyo nakaka agaw na rin kasi kami ng attention dito na hindi naman talaga kami kung tutuusin ang may gawa. Kahit naman medyo mas mataas ito sa akin ay medyo payat naman ito kaya alam ko na kayang kaya ko itong buhatin. Kaya walang pag alinlangan na binuhat ko na nga ito. Agad naman na ipinasok ko ito sa loob ng bahay upang di na kami maka tawag pa ng pansin. Paakyat na sana kami ng hagdan ng bigla na lang may humarang sa aming daraanan. Kaya naman napa tingin ako dito at nagulat pa ako ng kunti ng makita ko ang parang galit na galit na itsura ni Ninang Kourtney. Kahit nag tataka kung bakit ito ganito ngayon ay nag tanong pa rin ako sa kanya. "Bakit po Ninang Kourtney?" tanong ko dito. Nakita ko pa ang pag kuyom ng kamao nito at mukhang kunting kunti na lang ay mananakit na ito. Medyo naka ramdam ako ng takot dahil doon pero hindi ko na lang pinahalata sa