Share

07

Chapter 07

NAKATAYO ako ngayon sa harap ng pintuan ng room ni Fabian. Kumatok ako sa pinto at noong marinig ko ang boses ni Fabian ay binuksan ko iyon dala ang tray.

Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama, may suot na salamin nakapantulog at mukhang nagbabasa ng script.

"Sir Fabian," tawag ko. Napatigil si Fabian at napatingin sa akin. Sinabi nito na ibaba na lang sa coffee table 'yong tray.

"Kumain na ba kayo ng dinner sir?" tanong ko after ko ilapag ang tray. Sinabi ni Fabian na nag-lunch siya ng kaunti kanina. Nilipat nito ang script at mukhang nahihirapan mag-focus.

"Anyway, busy ka ba Sonia? Pwede mo ba ako tulungan sa script ko? Kung hindi naman nakakahiya sa iyo," ani ni Fabian at bumuga ng hangin. Sinabi nito na nahihirapan siya sa new project niya.

Nakatingin lang ako kaya napatingin siya then sinabi na dadagdagan niya sweldo ko.

"Papayag ako sir sa isang kondisyon," ani ko. Biglang nagkaroon ng hope sa expression nito at hindi ko maiwasan matawa dahil kamukhang- kamukha talaga nito si France.

"Kumain na muna tayo nina France. Sabayan mo kami sa baba," ani ko. Nagtaka si Fabian kung iyon ang sinasabi ko na kapalit. Agad ako na sumagot ng oo. Ayoko ng dagdag na sweldo dahil sobra-sobra na lagi ang bigay sa akin ng mga Martinez.

Maliit lang na bagay pagtulong kay Fabian sa script. Pagkababa namin sa living room nakita namin si France an nagha-humming at hinihintay ako bumaba para sabayan siya sa pagkain.

Kasunod ko lang si Fabian na agad humila ng upuan at binati ang anak. Naghanda na ako ng dalawa pa na plato at naglagay sa plato ng makakain.

"Nakausap mo si Manager? Hindi naman siya naging rude sa iyo?" tanong ni Fabian. Napangiti ako at agad na umiling. Mabait ang manager ni Fabian at maganda kausap katulad ni Fabian.

"Wala naman kami iba pinag-usapan bukod sa gusto niya bumalik ako sa industry," bulong ko before umupo sa harapan ni Fabian. Nagpapasalamat na lang ako dahil hindi nagtanong si Fabian.

Aminado ako na hindi habang buhay maitatago ko ang nangyari lalo na kina Fabian pero hangga't maari. Kahit kaunti panahon lang gusto ko muna na itago 'yon at sabihin kina Fabian kapag handa na ako.

After ng breakfast at dahil wala naman pasok si France dumiretso ako sa room ni Fabian siyempre kasama si France. Ayaw ng bata na lumalayo sa akin kaya no choice kung hindi isama ito.

Noong nakita nga ito ni Fabian ay sinubukan ni Fabian paalisin ang bata pero ayaw ni France at mas kumapit pa sa akin. Nagsukatan ng tingin ang mag-ama.

"France, how about mag-promise ka sa akin na hindi ka maglilikot habang nandito tayo sa room ni daddy?" ani ko after humarap kay France at lumuhod sa harapan nito.

"But! I want to play too!"

Nagreklamo si France sinabi na inaagaw ng daddy niya ang mommy niya.

"I hate him!"

Nalaglag ang panga ni Fabian dahil doon. Natawa na lang ako 'nong magtalo ang mag-ama.

"Ganito na lang. Maga-act kasi kami ng daddy mo how about mag-act ka din kasabay namin. Si sir Fabian ang big Florence tapos si France si mini Florence. Gagayahin mo France si daddy. What do you think?" tanong ko then tiningnan si Fabian.

"Big Florence and mini Florence?"

I think okay lang naman kay si Fabian. Tinatawanan nito sinabi ko kanina. Napa-pokerface ako.

Agad na nagtatalon si France at sinabi na gusto niya iyon. Tumayo na ako at kinuha ang copy ng script na binigay sa akin ni Fabian.

Nagtaka ako dahil napaka-common ng scene na 'yon. Tiningnan ko si Fabian na napakamot sa pisngi.

Mukhang may idea na siya bakit ko siya tiningnan. Sa first sa page at first scene need niya lang lumapit sa girl— hilahin ito sa wrist then hawakan sa bewang.

"Pa-praktisin lang ba natin iyong conversation or—"

"Walang problema sa conversation as long as mami-maintain natin ang distance kaya ko i-hold ang character ko," putol ni Fabian. Nanatili ako nakatayo sa harapan ni Fabian at tinanong kung anong problema.

Napalunok si Fabian. Nagtataka ako dahil wala ako makita na problema kung ganoon. Marami na ako napanood na series si Fabian at lahat 'yon pumatok dahil sa galing nito sa acting.

Sinabi ni Fabian na hindi siya magaling mag-explain kaya mas mabuti na mag-start na sila.

"Sinabi ko na diba mag-usap tayo!"

Hinila ako ni Fabian siyempre part iyon ng acting at nagkadikit ang katawan namin na dalawa.

Napasinghap si Fabian at bahagya ako naitulak 'nong nagkalapit ang mukha namin.

Flat ko tinanong si Fabian kung need ko na ilagay ang benda sa mukha ko. Hindi ko nilalagay iyon dahil sinabi din ni Fabian na huwag ko na ilagay dahil sila-sila lang naman nandoon.

Napahawak ako sa braso ko. Sigurado ako na hindi part ng acting iyong pagtulak niya sa akin at sobrang awkwardness sa expression ni Fabian.

"No— hindi kasi—"

Napatigil kami dalawa ni Fabian 'nong bigla umiyak si France. Napatingin kami kay France na nagpalahaw bigla ng iyak.

"France!"

Agad ako na lumapit at sinapo ang pisngi ni France.

"Bad ka daddy! I hate you! Sasaktan mo na naman mommy ko!"

Hindi ko alam kung ano ire-react ko 'nong bigla na lang kumawala sa akin di France at pinaghahampas sa hita si Fabian.

Paulit-ulit nito sinasabi na sinasaktan ni Fabian ang mommy niya. Napatayo ako at tiningnan si Fabian na halatang nagulat din.

"France, hindi ko sinasaktan si Sonia," ani ni Fabian at pinipigilan ang anak. Nakaluhod ang lalaki at hawak sa braso ang bata.

Sa pag-aalala na masaktan ni France ang sarili ay agad ko ito kinuha. Binuhat ko ito at pinakalma.

"France, hindi ako sinasaktan ng daddy mo. Acting lang iyon— katulad 'nong sa mga drama," paliwanag ko pero patuloy sa pag-iyak si France at pagwawala nito. Wala na ako idea sa nangyayari dahil nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa gilid ng kama.

Pinipigilan ni Fabian si France at may kinuha ito na injection.

"Sir! Anong ginagawa mo?"

Nataranta ako at hinawakan sa braso si Fabian. May ituturok kasi si Fabian at hindi ko alam kung ano 'yon. Sa pagkakaalala ko walang sakit si France.

"Normal na inhibator lang ito. Kung hindi ko siya tuturukan nito mas malaki ang chance na masaktan ni France ang sarili niya," ani ni Fabian. After maturukan ni France. Inalis din ni Fabian ang pagkakalagay ng nadampot niya na towel sa bibig ni France sa gayon ay hindi nito makagat ang dila nito.

Nahawakan ko ang braso ko. Gusto ko magtanong since ako ang nag-aalaga kay France pero— base sa nangyari kanina mukhang hindi maganda idea na ako una magtanong 'non.

Tumawa si Fabian at nilingon ako. Tinanong ako nito na kinagulat ko.

"Iniisip mo siguro na sinasaktan ko talaga mommy ni France," ani ni Fabian. Naitikom ko ang bibig ko. Kung totoo iyon sigurado talaga nakakagulat.

Pero sino ba ako para husgahan ang isang tao na kakakilala ko pa lang. Kung judgement din naman ang usapan tagilid ako doon lagi.

Patunay na 'yon sa naging desisyon ko pakasalan si Victor. Hindi sapat ang ilang taon na pagsasama para makilala mo ng buo ang isang tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status