Niyaya ko si Hope sa Forbidden Forest para mag bakasyon.. Ipinaubaya ko muna kay Elizabeth ang kompanya ng tatlong araw. Pagdating namin sa Forbidden Forest ay sinalubong kami ng masaya at maingay na paligid. Napakaraming tao ngayon dahil Biyernes at bukas ay Sabado na. Naalala ko nung huling punto namin rito. Nakakabadtrip lang. Mabuti nalang at narito si Quiro palagi. Sinalubong ako ni Jasteen. May kasama siyang babae na sa tingin ko ay rito niya lang rin nakilala."Bro! Long time no see!" aniya na kinatawa ko lang. Naalala ko pa noon, bago kami maging close. Nasuntok ko muna siya ng solid. "Yeah.. Kamusta? Kailan ka pa rito?" tanong ko. Ngumisi lang siya."Mag iisang buwan na ako rito, buddy. At sobrang nag eenjoy sa araw araw." aniya sa pilyong boses. Natawa nalang ako sa sinabi niya dahil napaka adik pa rin talaga niya sa ganitong tambayan."Tindi mo ah. Siya, pasok na kami." sabi ko.. Bumati naman si Hope sa kanya bago kami umalis roon."Babaero talaga iyong kaibigan mong 'yo
Hope Point Of ViewNaalipungatan ako nang madaling araw dahil sa pag ungol ni Yuan. Hindi dahil may ginagawa siyang kababalaghan kundi nananaginip siya."Uhmm.. Y-Yam? Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba patay kana?" hindi makapaniwalang sambit ni Yuan. Bakas sa mukha niya ang labis na pagka-gulat. Pinag mamasdan ko lamang siya sa kanyang pag tulog. Pero habang pinakikinggan ko ang mga sinasabi niya nasasaktan ako. Pakiramdam ko unti unti akong dinudurog. Bakit ganoon? Akala ko noong una ayos lang na wala na yung babaeng karibal ko. Dahil wala na naman siya sa mundo. Pero ang hirap pala kapag nasa sitwasyon kana, iyong ikaw yung nasa tabi pero iba yung bukang bibig at hinahanap. Aminadong nararamdaman ko na mahal ako ni Yuan sa mga araw na mag kasama kami. Pero, ang hirap palang mag panggap na masaya. Kaya lang mas mahirap maging totoo habang nasasaktan. Kaya minsan napapaisip ako. Lalo na kapag sobra na, iyon yung uupo ka sa isang sulok at tatanungin mo nalang ang sarili mo nang:
Seryosong nag maneho si Luigi matapos ng mahabang katahimikan."Saan mo ba balak mag punta? Biglaan naman yata? Alam niya ba?" tanong ni Luigi. Hindi ako agad naka sagot at tumingin ako sa may bintana ng kotse niya. Binuksan niya naman iyon at naka-hinga ako ng maluwag. Kanina pa kasi ako nasusuffocate sa aking pag upo. Pakiramdam ko kinakapos na ako ng pag hinga."I want to go abroad. Can you come with me?" sambit ko sa mababang boses. Saglit na natigilan si Luigi bago sumagot."I have a project here in the Philippines pero mas mahalaga ka. Kikitain ko pa rin naman ang Milyones na mawawala once na umatras ako. So, let's go. Kahit saan mo gusto. Sasamahan kita." aniya sa seryosong boses. Nakahinga ako lalo ng maluwag sa sinabi niya. Kahit kailan talaga hindi ako binibigo ni Luigi. Every time na kailangan ko ng tulong at kailangan ko siya never niya akong pinabayaan. Pinaramdam niya sa'kin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Nakilala ko si Luigi dahil mag bestfriend ang magulang namin.
Sa mga nakalipas na araw, nakakaramdam ako ng lungkot pero nawiwili ako sa ginagawa kong pag tatanim at pag didilig ng mga halaman at bulaklak sa Farm ni Luigi. Inabala ko talaga ang sarili ko sa ganoon para hindi ako malungkot masyado.. Isa pa nakilala ko si Nica at Loki. Mga taga Switzerland, napaka witty at napaka helpful ng dalawang bata. Masaya kaming nag tatanim tuwing umaga.. Nadaanan lang nila ako nung isang araw at tuwang fuwa silang makipag kaibigan sa'kin. Nawala ang sobrang pagka-miss ko kina Yohann at Dryce. Nag padala ako sa kanila ng mga gadgets at chocolates. Nag pasalamat naman sila sa'kin. Hindi ko kina-kamusta si Yuan. Pero dahil akala nila ayos kami ni Yuan, panay sila kuwento. Gaya ngayon, nag chat si Yohann sa'kin."Mom, si Daddy panay ang punta ng Bar. Walang ginawa kundi mag inom. Pag tinatanong at pinipigilan naman namin. Parang walang naririnig. Minsan nag kukulong rin sa kwarto. Hindi na siya natutulog sa kwarto niyo.. Sa may guest room na siya nag stay. Pi
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib nang mga oras na iyon.Napaka sarap pala sa pakiramdam maging magulang. Excited na akong lumabas ang baby ko. "Sobrang saya mo yata?" tanong ni Luigi. Nakabalik na ako sa Mansion kasama si Manang Theresa. "Best, I am now a new moms." nakangiti kong sambit. Sabay yakap kay Luigi. Hindi naman siya naka sagot. "Congrats." tipid na sabi ni Luigi. Saka naupo sa may sofa. Uminom siya ng juice at pinag lagay ako ng akin."Samahan mo akong mamili ng mga gamit ni Baby bago ako manganak." nakangiti kong sambit. Tumango nalang siya. "No worries, sasamahan kita. Ikaw pa malakas ka sa'kin." aniya nang nakangiti. After 4 months mag papa-ultrasound na ako ulit. Para malaman kung ano talaga ang gender ni Baby. Kinahapunan..Nag luto lang kami ni Manang ng mga kakainin namin ng Hapunan. Sigurado akong magugustuhan ni Luigi lahat ng putahe dahil talagang paborito niya ang iniluto namin."Thank you, sumasarap ka lalo mag luto ah." puri ni Luigi. Ngumiti lang
Luigi Point Of ViewLumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging buwan. Nalaman na naming lalaki ang anak nila Yuan at Hope. Pinangalanan na agad ito ni Hope na Luhan. Kahit pa may lihim akong pag tingin kay Hope. Hindi ako naghahangad na masuklian niya ang pagmamahal ko. Lalo na at alam kong si Yuan pa rin naman ang mahal niya. Kahit anong gawin ko, wala akong laban roon. Kilala ko si Hope, kapag mahal niya ang isang tao matagal bago siya makalimot. Hindi lang iyon, gaya ni Hope ayoko ring masira ang samahan naming dalawa. Masyado ko siyang mahal, ayokong dumating ang araw na maging kami at ako mismo ang maka-panakit sa kanya. Hindi ako perpektong tao, I have my own flaws at imperfections. Hindi lang ako iyong Luigi na kilala ng lahat na mabait at Knight in Shining Armor. I am the worst, hindi ko nga magawang ipaglaban ang pag mamahal ko kay Hope e.. Masaya na akong nakakasama siya araw araw. Ayos na ako na magkasama kami sa Mansion. Makita lang siyang masaya ay masaya na rin ako
Hope Point Of ViewAfter 2 years..Naisipan namin ni Luigi na umuwi nang Pilipinas. Pero bago iyon, nag tungo muna kami sa London para roon mag liwaliw. I smile at nang makita ang London Bridge at London Eye kakaibang saya at excitement ang aking naramdaman. Napaka sarap sa pakiramdam ang sariwang hanging humahampas sa aking balat. "Mag jacket ka kaya?" concern na sabi ni Luigi. Umiling ako."Naku! Gusto ko ngang nadadampian ng ganitong hangin ang aking katawan e." sabi ko. Napailing nalang siya. Hawak namin ang kamay ni Luhan habang nag lalakad sa may Park.Binilhan namin si Luhan ng masasarap na pagkain. Saka ice cream at naupo kami sa may Bench. "Excited na akong umuwi ng Pilipinas." nakangiti kong sabi."Siguradong excited na rin sila Tito at Tita kapag nakita ang kanilang apo." nakangiting tugon ni Luigi."Can we meet my grandma's and grandpa, Mama?" tanong ni Luhan. Ngumiti ako roon saka niyakap siya."Yes, son. We will. Soon, we just need to stroll here with you." I said. Ser
Yuan Point Of ViewHalos mag ta-tatlong taon rin siyang nawala tapos magki-kita kami para lang sabihin niyang tapos na kami? Damn it! Sobrang tagal kong nag hintay. Sobrang tagal kong pinag sisisihan na sana hindi ko na naiisip pa si Hershey, edi sana hindi ganito. Hindi sana kami nagka-layo ni Hope. Alam mo yung pinaka masakit na good bye? Iyon yung hindi pa naririnig ng tainga mo pero nararamdaman na ng puso mo.Wala na ba talaga kaming pag asa? Hanggang dito nalang ba ang lahat? Tatapusin nalang ba niya ng basta-basta ang aming nasimulan?Bakit ang dali lang para sa kanya mag bitaw ng mga ganoong salita? Parang hindi ko siya nagawang pasayahin noon? Bakit kailangan pang umabot sa Divorce? Nang dahil lang sa pag aakalang mahal ko pa ang ex wife ko? Iiwan niya na ako basta basta? Napaka unfair noon. Pumasok siya sa buhay ko, ginulo niya ang nananahimik kong mundo. Tapos bigla nalang siyang mang iiwan sa ere?"Anong sinabi mo?" malamig kong tanong. Hinawakan ko siya sa may pala-pu