Hello po, pa support din po, baka want nyo rin basahin ang isang story ko. THE UNWANTED MARRIAGE. Salamat po.
Nagpalipas muna si Abi ng ilang oras sa apartment ni Lyca. Uuwe siya mamaya sa bahay nila ni Seb para kuhanin ang mga gamit niya at gamit ni baby Gavin. Wala ng dahilan pa para manatili sa bahay na iyon. Hindi pa niya alam ang mangyayari sa kanila ng anak, pero pipilitin niyang bumangon kahit pa wasak na wasak pa ang puso at pagkatao niya. "Besh, tulog na si baby Gavin. Baka pwedeng kumain ka na para makapag pahinga ka na rin. Bukas ka na umuwe para kuhanin ang mga gamit nyo," pukaw na wika ni Lyca sa lumilipad niyang isipan. Malungkot siyang napatingin sa kaibigan. "Thank you, besh ha. Thank you sa pagtulong mo sa aming mag-ina," naluluha niyang sambit sa kaibigan, hindi niya mapigilang maging emosyunal. Wala pa siya sa wisyo kaya si Lyca ang nag-asikaso sa anak niya. Bagay na ipinagpapasalamat niya sa kaibigan. Umupo si Lyca sa likod niya at niyakap siya ng kaibigan. "Ano ka ba naman Abi, pwede bang pabayaan ko kayo? Syempre, hindi, kapatid na ang turing ko sayo noon pa man" a
Muli niyang idinilat ang mga nanlalabong mga mata dala ng luha. Pipirmahan na sana niya ang annulment nila ni Seb, nang marinig niya ang boses ng kapatid nitong si Johnson na bigla na lamang nagsalita mula sa kanyang likuran. Dali-dali niyang pinahid ang ang mga luha sa pisngi at inayos ang sarili. Itinaob niya rin ang annulment paper para hindi ito makita ni Johnson. "Hi, anyare rito?" tanong nito sa kanya at itinuro ang kapatid na sobrang lasing at tulog na tulog sa sofa. Ngunit hindi ito sinagot ni Abi ang tanong nito, bagkus nakisuyo siya sa lalaki. "Ahm, pwede mo ba akong tulungan na dalhin sa kwarto ang kuya mo, ayaw kasi magising eh?" aniya, kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga niya ginising ang lalaki. Pero sa hitsura nito mukhang malabo rin itong magising sa dami ng bote ng alak ang nainom nito. Tumango naman si Johnson. Tinawag ni Abi ang kanilang guard sa gate para tulungan si Johnson na maiakyat sa taas ang kuya nito. "Ayos ka lang ba Abi? May problema ba?"
Sebastian Masakit ang ulo ni Seb kinabukasan pagkagising niya. Para itong mabibiyak sa sobrang sakit. Naalala niya na naparami pala ang nainom niyang alak kagabi. Ang alam din niya ay nakatulog siya sa sofa kagabi sa sobrang kalasingan. At kung paano siya napunta rito sa masters bedroom sa taas ay 'yon ang hindi niya maalala. Hinilot-hilot niya ang sintido dahil kumikirot ito. Gusto man niyang muling ipikit ang mga mata para matulog ay hindi na niya magawa. Napatingin sa gilid ng kama at naalala niya si Abi. Hanggang ngayon nakikinita pa rin niya sa isip ang mukha ng asawa niya. Kung paano ito pasalampak na umiiyak at nasasaktan sa harap niya dahil sa kagaguhang ginawa niya. Alam niya na walang kasing sakit ang nagawa niyang kasalanan dito. At hindi niya alam kung mapapatawad pa ba siya ni Abi sa mga nagawa niya. Pero umaasa siya na darating ang araw na maiintindihan din siya ng asawa sa nagawa niyang pagkakamali. Mahal pa rin naman niya sa Abi at hindi iyon basta-basta mawawa sa
ABIGAIL Ilang araw ang lumipas ay agad na naghanap ng trabaho si Abi. Gustuhin man siyang ipasok ni Lyca sa cafe na pinagtatrabahuan nito ay wala pang bakante. Kaya naman naghanap siya ng ibang maaplayan. Hindi siya pwedeng pumirmi lang sa bahay dahil nakakahiya naman sa kaibigan niya at nakikitira lamang sila rito. Kahit pa sinasabi nitong saka na siya magtrabaho kapag talagang okay na siya. Pero hindi pwede iyon lalo pa at may batang umaasa sa kanya. Kailangan niyang maging matatag at matapang para kay baby Gavin. Kahit anong trabaho ay ayos lang sa kanya ang mahalga ay marangal. Sanay siya sa hirap kaya lahat kakayanin niya para sa kanila ng anak niya. Nakapagtapos naman siya ng college sa kursong business administration. At meron din naman siyang experience sa pagiging sekretarya noon sa probinsya. Lumuwas siya sa manila galing probinsya para maghanap ng mas malaking sahod. Nag-apply din siya noon na maging secretary sa mga malalaking kompanya sa manila pero laging walang bak
Kinabukasan ay maagang nagising si Abi, para maghanda sa unang araw na pagpasok niya sa mall bilang cashier. Tulog pa ang anak at si Lyca. Nakayakap pa ang anak niya sa ninang nito. Kaya napangiti siya. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang dalawa. Parehong nakanganga pa ang mag-ninang. Maingat siyang lumabas ng silid at dumeretso sa kusina para magluto ng almusal. Pagkatapos magluto ay naligo naman siya. Inihanda na rin niya ang gamit ng anak para hindi na mahirapan pa si aling Belen mamaya. "Hmmn, bango, naamoy mo ba iyon baby Gav? Mukhang masarap ang niluto ni mommy Abi ah," sambit ni Lyca sa anak na hindi naman nakaintindi. Papalapit ang mga ito lamesa at karga-karga ni Lyca ang anak niya. Halatang kagigising lang ng mag-ninang at kinukusot-kusot pa ng anak niya ang mga mata nito. "Sus, nambola pa, akin na nga si baby Gav at maupo ka na rito, para makapag almusal na tayo," natatawang sambit niya. "Aling Belen, kayo na po ang bahala kay baby Gav ha," aniy
Magkahawak kamay sina Abi at Seb na naupo sa loob ng clinic at hinihintay ang pagdating ng doctora. Kinakabahan si Abi at ramdam niyang nilalamig ang mga palad niya kahit pa hawak-hawak na ito ni Seb. Madaming what if ngayon ang gumugulo sa kanyang isipan. What if may sakit siya? What if kaya hindi siya mabuntis-buntis kasi baog siya? Biglang sinalakay ng matinding kaba ang puso niya sa isiping iyon. Huwag naman sana. Tanging dasal niya.Ngayon nila malalaman ang resulta kung bakit sa loob ng dalawang taon ay hindi man lang sila makabuo ng asawa niya. Pareho naman silang healthy sa katawan. Ngayon lang din nila naisipang magpatingin na sa doctor dahil na curious na sila kung bakit hindi siya mabuntis-buntis ng kanyang asawa. Sabay silang napaupo nang tuwid nang umupo na sa harapan nila ang doctora."Ayon sa test na isinagawa namin sayo noong nakaraan linggo. Lumalabas dito sa test na kaya ka hindi mabuntis-buntis ay dahil wala kang kakayahan na mabuntis. I'm sorry to say this to you M
Kinabukasan nagising si Abi na mag-isa na lamang sa kama. Tinignan niya ang oras at alas sais pa lang naman ng umaga. Wala si Seb sa kwarto, maaga yata ngayon nagising ang asawa niya. Mamaya pang eight ng umaga ito pumapasok sa opisina. At five naman ng hapon ay nasa bahay na nila ito. Pumasok muna siya nang banyo para maghilamos at mag toothbrush. Inayos na rin muna niya ang sarili at sinuklay ang magulo niyang buhok.Pati ang kama nila ay inayos na rin ni Abi. Mamaya na siya maglilinis dito pag naka alis na papuntang trabaho si Seb. Ito ang araw-araw niyang routine dahil wala naman silang kasama na kasambahay. Actually kukuha sana si Seb pero siya na ang tumutol dahil sanay naman sya sa hirap. Lumaki kasi siyang mahirap pero nagawa pa rin nama niyang mapagtapos ang sarili niya sa pag-aaral kahit pa mag-isa na lang siya sa buhay. Maaga kasi siyang naulila sa mga magulang. Namatay ang tatay niya sa isang aksidente. Samantalang sumunod naman ang nanay niya makalipas lamang ang anim na
Tagaktak na ang pawis nilang dalawa ni Seb at umaalog na parang bola na dibdib niya habang patuloy itong nagdi drible sa naglalawa niyang lagusan. Mabilis at sagad na sagad. Punong puno ang pagkababae niya."Ughhh... Hubby, please faster...deeper..ohh.." mahabang ungol ni Abi habang pabaling baling ang kanyang ulo sa sarap at mahigpit na nakakapit ang kanyaing kamay sa bedsheet ng kama."Uhmn, hubby, sige pa, ang sarap..ahh," para na siyang nawawala sa sarili. Nahihibang sa sarap."Like this, wife?" ani Seb at biglang hinugot at biglang ibinaon ang pagkalalaki nito, saka muling bumayo ng mabilis."Ughhh..fuck, fuck, fuckshittt ang sarap," mura at ungol ni Seb nang sumabog na ito sa loob niya."Ahhh...ohhh..." ungol niya habang nilalasap ang mainit nitong katas sa kanyang kaloob-looban.***Naalimpungatan si Abi ng gising nang maalala niya si Gavin. Mabilis siyang bumangon at tiningnan ang crib pero wala na doon ang anak niya. Naalala niya ang naging bakbakan nila kagabi ni Seb. Wala n