Share

CHAPTER 5.

Johnson

"Walang hiya ka talaga Seb. Talagang hinayaan mo akong matulog dito sa kulungan," nanggagalaiting wika ni Johnson sa sarili matapos siyang patayan ng tawag ni Seb.

Wala siyang magawa kundi ang magtiis dito ngayong gabi kasama ang mga mababahong preso rito. Bukas naman ay makakalaya na rin siya.

Umaga na at kanina pa nanghahaba ang leeg ni Johnson sa kakasilip sa rehas na bakal, kung dumating na ba si Seb pero wala pa rin ni anino ng lalaking 'yon. Hanggang sa ilang sandali pa ang lumipas at sa wakas dumating na rin ito.

"Buti naman at dumating ka pa," sarkastikong bungad ni Johnson sa kapatid.

Sinamaan naman ni Seb ng tingin ang kapatid. Kararating niya lang kasama ang abogado niya tapos ito ang bungad ng magaling niyang kapatid. Ito na nga ang may kailangan ito pa ang nagmamadali.

"Galing ko lang sa hospital kasama si attorney. Swerte ka at buhay pa ang taong nasagasaan mo. At pasalamat ka rin dahil pumayag ang pamilya ng biktima na magpabayad," gigil na sabi ni Seb sa kapatid.

"Tsk, kung hindi sana siya tumawid na lang bigla hindi sana siya masagasaan. Kasalanan niya iyon at tatanga tanga sya," pangangatwiran pa nito, kahit mali na ang ginawa ayaw pa ring magpatalo.

Sumasakit ang ulo ni Seb sa kapatid nyang to. Matigas talaga ang ulo nito. Kailan ba ito titino? Kaya nag-aalangan ang daddy nila na pagkatiwalaan ito sa kompanya dahil sa ugali nito.

Matapos niyang bayaran ang bills ni Johnson ay nauna pa itong umalis kaysa sa kanya. Ni hindi na nga ito nakapag paalam pa. Kahit thank you ay wala siyang narinig.

Napa iling-iling na lamang siya.

Sebastian

Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang humingi ng kape sa bago niyang sekretarya at baka sakaling maibsan nito ang sakit ng ulo niys sa kanyang kapatid.

Palagi na lang itong nasa gulo. Noong nakaraan nabalitaan niya na lang na nagwala ito sa isang bar sa sobrang kalasingan at nanira pa ng mga gamit roon. Siya rin ang nag ayos noon sa ginawa nitong gulo.

Hindi naman magawang pabayaan na lang ito dahil nakakabit sa lalaking iyon ang apelyido nila. Ano na lang ang sasabihin ng iba lalo na ng mga ka negosyo nila kapag hinayaan niya itong makulong. Baka isa pa ito sa dahilan na makakasira sa imahe ng kanilang negosyo.

Matapos makarinig ng katok, agad na bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang sekretarya na dala-dala ang mainit na kape.

"Sir, here's your coffee," anito at inilipag sa harap nya ang tasa ng kape.

Tinanguan niya na lamang ang sekretarya niya habang hinihilot pa rin ang ulo niyang sumasakit.

"Sir, masakit ba ulo mo? Gusto mo ba ng masahe?"

Napakunot ang noo niya na napatingin sa babae. Tama ba ang narinig niya?

Ilang araw niya pa lang itong naging sekretarya, ito ang pumalit sa dati niyang sekretary na bigla na lang hindi na pumasok at nag-iwan na lang ng resignation letter.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Maganda ito at maamo ang mukha. Maputi at makinis din, balingkinitan ang katawan at malalaki din ang dibdib na lumuluwa na sa suot nitong damit pang opisina na hapit na hapit sa katawan.

Hindi nya nga namalayan na naka lapit na pala sa kanya ang sekretarya niya. Dahil lumalakbay ang kanyang isip sa kabuuan nito.

"Magaling akong magmasahe, sir," wika nito sa malambing na boses, kasabay niyon ang paglapat ng malambot nitong mga palad sa noo niya.

Napapikit siya sa mga sandaling iyon at ninamnam ang lambot ng mga kamay nitong masuyong minamasahe ang ulo niya. Magaan ang kamay nito at kay sarap sa pakiramdam ang ginagawang pagmasahe sa kanya.

"Uhmmn..." hindi niya napigilan at napaungol siya, dahil medyo gumaan-gaan ang pakiramdam niya.

Naramdaman na lang din nya na unti-unting bumababa ang mga kamay nito sa bandang dibdib niya at masuyong humahaplos doon. Ramdam niya rin ang pagdikit ng dalawang malalambot na bagay sa likod niya.

"Masarap ako magmasahe di ba, sir?" bulong nito sa kanya sa malambing na boses.

Ngunit agad naman siyang bumalik sa katinuan ng magsalita ito. Hinawakan niya ang mga kamay ng babae para patigilin ito.

Hindi maari, mali ito. Baka kung saan pa mapunta itong ginagawa sa kanya.

"That's enough, Sandra. Go back to your work now," utos niya sa babae.

"Hindi mo ba nagustuhan, sir?" anito.

" Sandra, I said go back to your work now!”

"Okay sir," anito at humakbang na papunta sa pintuan. Ngunit napamura siya sa isip ng bigla itong tumuwad at may pinulot na nahulog sa sahig.

Maiksi lang kasi ang suot nitong palda at kita nya halos ang panty nitong suot lalo pa at wala itong suot na stockings!

Maputi ang mga hita ng babae at makinis din ang balat nito. Parang nag-init tuloy ang pakiramdam niya dahil sa nakita. Lumingon pa sa kanya ang sekretarya at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status