Share

DOS 7

UNO

SUMANDAL ako sa headboard ng kama at pasimpleng tiningnan si Yuji habang nakahiga ito sa sofa. Damn it. Sa lahat naman ng oras, bakit nataon pa ang pag-uwi ko sa paghuhubad niya?

Talagang gumagawa ng paraan ang pagkakataon para lalo akong maulol kay Yuji. Naagaw lang ang atensyon ko ng bagay na bumubukol sa ilalim ng kumot. Mahina akong nagmura.

"You can sleep here if you want."

Bigla siyang bumangon at tumingin sa akin. Mas matalim pa sa kutsilyo ang mga mata nito.

"Why? If I tulog on the bed, will you sleep here on the sofa? No, di ba? So don't kausap me!" Nagdadabog siyang bumalik sa pagtalukbong.

"Bakit galit ka na naman? Okay na tayo kanina, ah?"

Bumangon na naman siya. "Oh my God! After what you gawa? You expect me to be friendly ulit sa iyo?"

"Bakit ano bang ginawa ko? Ako ba ang naghubad sa kuwarto ng iba? Ako ba ang hindi nag-lock ng pinto?"

"This is my kuwarto also! Remember that we are kasal na!"

"Kaya nga. Kasal na tayo kaya kahit maghubad ka pa, may karapatan akong ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status