Share

TRES 12

TIANA

HINDI na ako nagpahatid sa driver ni Tres at nagpakuha na lang ng taxi. I can't let him know where I lived. Habang lulan ng sasakyan ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari.

Nasunog ang bahay ni Uno? Hindi naman siguro sina Mama Carmen ang may kagagawan nito? Pero masyadong coincidence kung aksidente lang ang nangyari.

Arson ang isa sa naisip na paraan ni Mama para makapaghiganti kami kay Tres. Sunod-sunod na sunog ang mangyayari, pero iyon ay para sa mga properties lang ni Tres na gusto namin makuha. Hindi kasama ang ibang tao!

Tumigil ang taxing sinasakyan ko nang biglang mag-redlight ang traffic light. Binuksan ko ang window para lumanghap ng sariwang hangin. Para kasi akong nasu-suffocate sa mga nalaman.

Nakatitig lang ako sa malaking glass window ng isang mall nang mapansin ang dalagang lumabas sa entrance kasama ang ilan pang mga babae.

Natulala ako nang matagal. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, pero mukha pa rin nito ang nakikita ko. Pumasok sila sa katabing tind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status