Share

TRES 11

TIANA

HINDI ko alam kung bakit sumama ako kay Tres, pero heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng kitchen ng bahay niya habang pinaghahanda niya ng pagkain.

Maya-maya, lumapit siya sa akin at nilapag ang plato ng carbonara at baso ng ice tea sa harap ko.

"Ang sabi mo, pupunta tayo dito para pag-usapan ang tungkol sa mall."

"And you believe that?"

Sinamaan ko siya ng paningin. Oo nga, Tiana! Pinaniwalaan mo iyon? Tanga ka talaga siguro... o baka gusto mo lang talagang sumama dito!

Mariin akong pumikit habang umiiling. "Bakit mo ba ako dinala dito?"

"Gusto kitang masolo."

Nag-angat ako ng paningin kaya nagtagpo ang mga mata namin. Heto na naman siya, titig na titig sa mukha ko na parang tutunawin ako.

Pinilit kong ibaling sa pagkain ang atensyon. Tinikman ko ang carbonara. As usual, masarap pa rin ang luto ni Tres. Kung may na-miss siguro ako sa kaniya, iyon ang mga luto niya.

"Masarap?"

"Hindi!" pagsisinungaling ko kahit panay subo ako.

"Masarap iyan kahit hindi mo sabihin. Kasing-sarap ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status