Share

TRES 10

TRES

MARIIN kong pinikit ang mga mata ko at tumingin sa wedding picture namin ni Tiana na nasa ibabaw ng desk ko. Titig na titig ako sa maamo niyang mukha—ang malaanghel na mukha ng asawa ko.

Ex-wife, to be precise.

Iniisip ko ang mga nangyari at ang pagbabalik ni Tiana sa buhay ko. May punto sina Uno at Dos. Kahit anong tanggi ang gawin ko, alam kong hindi coincidence ang lahat nang nangyayari.

Pero hindi ako naniniwalang magagawa nang kusa ni Tiana ang bagay na iyon. She's too innocent to harm other people. I need to know the truth.

Kailangan kong makausap mismo si Tiana. Patayo na sana ako nang matigilan ako sa napansin. Nakatulala si Raquel sa harap ng desk ko at nakatitig sa akin.

"What?"

She smiled. "Ang guwapo mo sana, sir. Pero madalas kang wala sa sarili."

Bumuntonghininga ako. "After everything that happened, what do you want me to do? Smile? Laugh?"

"Hindi naman." Nagkibit siya ng balikat. "Basta huwag ka lang masyadong natutulala. Lalo na ngayon, bumalik na si Mrs. Santiba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status