Share

Chapter 12

Kinaumagahan, sabay kaming nagtungo sa opisina ni Khael. Pansin ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw namin. Panigurado ay nagtataka sila. Ni minsan ay hindi pa kami naglakad ni Khael sa mga pasilyo ng building na ito nang magkasama. It’s either namamangha ang mga tao na magkasabay kami ngayon o nagtataka sila kung bakit ako ang kasama ni Khael gayong si Blaine na ang ipinaparada niya sa publiko.

Hindi ko na lamang sila pinansin.

Tulad ng sinabi ni Khael, boring din naman sa opisina. Wala akong ibang ginawa kundi makipag-kwentuhan kay Monette nang mabakante siya. Pinag-usapan namin ang tungkol sa mga naging boyfriend niya. Pinanood ko rin si Khael habang nagtatrabaho sa kanyang mesa at nang tuluyan nang maburyo ay nagpaalam na akong aalis.

“Do you want me to drive you to Mindy’s?” tanong ni Khael. Akmang tatayo na sana siya pero umiling ako.

“Hindi na. Kaya ko naman na,” sagot ko.

“Pero buntis ka, Francesca. Delikado mag-commute.”

Napabuntong-hininga na lamang ako. “Khael, ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status