Share

Book 7: Chapter 39-Dark

WALANG humpay na pasalamat ng pamilya ni Ted kay Micko matapos ang hearing. Nagkaroon ng reunion sa mansion ng araw ding iyon. Dumating na rin ang ina ni Cloud at maayos na ang pag-iisip kahit papaano.

"Kuya!" umiiyak na yumakap si Ana sa kapatid nang makita ito.

"Ayos ka lang ba? Sinasaktan ka ba ng hayop na iyon noong nasa poder ka niya?" nag-aalalang tanong ni Ted sa kapatid.

Naluluha na umiling si Ana. Nasisigawan siya ni Tony pero hindi naman siya nagawa nitong saktan lalo na at wala siya sa kaniyang sarili. Sobra siyang nagsisi kung bakit naniwala sa panlabas na anyo ni Tony. Hindi niya akalain na ito ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang anak noon. Nang maalala muli ang anak na nasa tabi niya lang ay niyakap niya ito ng mahigpit.

"Lights—ikaw na pala si Cloud ngayon." Mahigpit na hinawakan ni Ted sa balikat ang pamangkin.

"Ayos lang po kahit anong pangalan ang itawag mo sa akin."

Nakangiting tumango si Ted at masaya habang palipat-lipat ang tingin sa kapatid at kay Cloud.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status