"WIGO?" may pag-aalinlangan na tawag ni Mishelle sa binata mula sa likuran nito."Ano ang ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Gulat at naging aroganti ang tono dahil sa gulat nang malingonan si Mishelle."Ako ang dapat na magtatanong sa iyo niyan." Mataray na sagot ng dalaga dito. Napakamot sa batok si Wigo kahit hindi naman makati iyon."Nagpapahangin ako sa biranda nang makita kitang lumabas ng gate kaya sinundan kita," bawi niya nang maalala na bisita nila ito. " Sagutin ka ng pamilya namin kung may masamang mangyari sa iyo dito sa loob ng aming lupain. Hindi ka dapat lumalabas ng ganitong oras dahil hindi mo kabisado ang paligid."Napatikhim si Wigo upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Walang alam ang dalaga kung sino talaga siya kaya hindi niya ito makontra. "Sorry Miss, habit ko lang ang magpahangin sa labas sa gabi kapag hindi makatulog.""I see," ani Mishelle habang tinititigan ang binata. "What happened to your clothe?" Puna niya sa dumi ng damit nito. Doon niya itin
"Bingi ka ba?" iritabling tanong ni Rovelyn sa lalaking kaharap. Kanina pa niya ito napansin na tila nakikinig ng palihim sa nag-uusap sa loob ng bahay. Tulad niya ay nakasuot din ito ng sumbrero kung kaya ang kissable lips lang nito ang kanyang nasisilayan. Dumoble ang iritasyong nadarama nang ngumisi ito at alam niyang sa kanyang labi ito nakatingin. Tila slow motion na itinuwid ni Wigo ang nakatagilid niyang ulo at inayos ang suot na sumbrero. Muling humulma ang pilyong ngiti sa kanyang labi nang umawang ang labi ng dalaga. "I know that I have irresistible charm, Miss." May halong katotohanan na biro niya sa dalaga nang matulala ito. Mabilis na inalis ng babae ang suot na sumbrero, na siyang bumura sa ngiting nakapaskil sa kanyang mapaglarong labi. Biglang natulero ang isipan at naisip ang tagpong nangyari isang buwan na ang nakaraan."Ikaw?" malakas na naibulalas ni Wigo na ikinatahimik bigla ng mga mga tao sa loob ng bahay. "Uhmmpp!" Nakulong sa kanyang lalamunan ang iba pang
"MALINIS ang pagkain na ito. If you don't mind, you can eat this food and accept my present as your housemate." Basa niya sa papel na nakapatong sa itaas ng pagkain. "W?" clueless niyang basa sa isang letter bilang mapagkilanlan sa taong nag iwan ng pagkain. Hindi siya ang tipong basta na nagtitiwala sa isang tao lalo na kung hindi pa nakilala. Hindi niya rin kabisado pa ang lugar na ito kaya kailangan niya mag doble ingat.Bumalik si Wigo sa bahay na tinutuloyan dahil naiwan niya ang kanyang armas. Sinilip niya muna ang kusina bago dumiritso sa kanyang silid. "A typical brat." Nasambit niya sa kanyang isipan nang mapansin na hindi ginalaw ang pagkain na kanyang iniwan. Nakasara ang silid ng huli at hindi na siya nag-abala na katukin iyon upang tanongin. Nagmamadali siya at hindi pa ito ang oras upang magtagpo muli ang landas nilang dalawa as housemate.Agaw dilim na ang paligid, nagpanggap si Wigo na isa sa trabahador ng farm at tumulong sa pagpakain ng mga kabayo."Deputa! Maglant
"Magkakilala kayo?" Kunot noong tanong ni Mang Kanor sa dalawang nakasalubong."Po?" nagulat si Rovelyn sa tanong ng ginoo. Kilala niya ang huli at ito ang napili niyang maging tour guide sa lugar na iyon."Kanina ko lang po siya nakilala, Manong. Nagkayayaan kami na tumagay sandali for getting to know each other." Kumindat pa si Wigo sa ginoo upang maniwala at bahagya siyang gumiwang sa pagkakatayo. Hanga siya sa babae at naging maagap ito sa pag alalay sa kanya."Papasok na po kami sa loob." Nakangiti ang mga mata ng binata habang ininguso ang bahay na tinutuloyan, ilang dipa lang ang layo sa kinatayuan. Alam niya na alam ng ginoo na iisa ang kanilang tinutuloyan ng babae, kung kaya hindi na nagtanong pa ito kung paano sila nagkakilala ng dalaga."Wala ng ibang tao kaya maari ka nang umalis!" Pahaklit na binaklas ang naka akbay na braso ng binata sa kanyang balikat."Easy," nakangisi na dumistansya si Wigo sa babae. Ang sexy nitong tign
"MAARI ko bang malaman kung sino ang nag rekuminda sa kanya, sa inyo? "Sinabi ni John ang pangalan at itinala ni Wigo iyon. "Kumusta nga pala ang kapatid mo?" Pag-iiba ni Wigo sa usapan. "She's getting better." Kulang sa emosyon na tugon ni John kay Wigo. Naikwento ni John kay Wigo bago pa ito magsimula sa trabaho tungkol sa alitan ng kanyang pamilya at sa kabila. Dati ay maayos ang samahan ng bawat isa. Nagkalamat lamang nang magkahiwalay ang kanyang kapatid at ang apo ni Don Sebastian, one year ago. Galing siya sa ibang bansa at ngayon lang nagpasyang hawakan ang pamamahala ng kanilang lupain dahil kamuntik na itong ma bankrupt."If you don't mind—" pansamantala siyang nag isip habang nakatitig kay John."What is it?" tonong nababagot na tanong ni John sa kausap."Ah, nevermind," matipid siyang ngumiti bago ibinalik ang tingin sa hawak na papel. "I had to go!" Kapagdaka'y tumayo siya at nakipagkamay kay John.
"WHAT the hell do you think you were doing there?" hindi napigilan ni Wigo ang sarili na huwag sitahin ang dalaga pagkapasok nila ng bahay.Dagling napipilan ang dalaga sa inakto ng kanyang housemate. Ramdam niya na galit ito at hindi alam kung bakit."Kung hindi ako dumating ay baka isa ka na lang bangkay ngayon." Hinubad niya ang suot na jacket at pabagsak na ipinatong sa armchair."Kung nagagalit ka dahil inuunahan kita sa pagtuklas ng kaso, well trabaho lang at walang personalan." Naiinis niyang tugon sa binata at hindi na pinansin ang nahamig na concern sa pananalita nito.You're the most impossible woman that I've ever meet!" Pumalapatk si Wigo at tinalikuran ang huli."Look, kung ano man ang ikinagalit mo ay hindi ko ihihingi ng apology. Besides, amanos na tayo. Dalawang beses kitang inilayo sa alanganing sitwasyon at ako naman ay iniligtas mo sa bingit ng kamatayan." Bawi niya upang humaba pa ang pag uusap nila ng binata. Hindi ni
HINDI rin nakatulog si Wigo pagkapasok ng silid. Binabagabag ang kaniyang isipan ng misteryusong kaso na hawak. Palaisipan sa kanya kung bakit ibang pagkatao ang ibinigay sa kanya tungkol sa biktima. Kinuha niya ang kanyang laptop at nagtipa ng mga natuklasan sa pag-iimbistiga. Kailangan niyang pagtagni-tagnihin ang lahat mula sa simula hanggang ngayon. Maging ang profile ni John ay kanyang inalam at nagulat siya sa natuklasan."Hindi maari," nagsalubong ang kanyang mga kilay habang binabasa ang files. "Nakadalawang uwi na siya ng Pinas sa loob ng isang taon?" Kausap niya sa kanyang sarili habang dinu-double check ang arrival date ni John sa Pilipinas. Ang pagkakaalam niya ay sa America nanatili ang huli dahil nagma-master degree ito roon. Pero sa nakikita niya ay galing Hongkong ang lalaki at umuwing Pilipinas pero hindi nagpakita sa pamilya. Tinignan niya ang araw kung kailan nakatakda sana ang kasal ni Mishelle at Julian. "Ahh darn, ano ang motibo sa
Ngayon nagsisi si Wigo kung bakit hindi pa sumang-ayon kay Mang Kanor na sumakay sila sa kabayo. Bigla siyang nakaramdam ng pagod dahil sa haba na rin ng nilakad. Tumataas na rin ang araw kaya masakit na sa balat. Marunong naman siya mangabayo pero never pa nagpatakbo ng mabilis.."Woohhh!"Hindi na nagulat si Wigo nang may humintong kabayo sa kanyang harapan. Ang astig lang talaga tignan ng kaibigan niya kapag sumakay ng kabayo. Ito ang cowgirl ng kanilang grupo na sanay mangabayo."Hop in!" Inabot ni Cris ang kamay sa binata habang nakangiti.Maliksi ang kilos ni Wigo at nakaakyat agad sa likod ng kabayo kahit hindi inabot ang kamay ni Cris.Napangisi si Cris dahil sa ginawa ng kaibigan. Bilang ganti sa pagtanggi sa kaniyang pag-alalay sana dito na makaakyat ay agad niyang pinatakbo ang kabayo, kahit hindi pa nakaupo ng maayos ang binata. Natawa siya nang agad itong yumakap sa kaniyang baywang upang hindi mahulog.Mula sa pinag