Share

Book 9: Chapter 23-Mainit na ganap

"Hindi na ako nagulat sa balita mong ito, pero ang bilis mo naman yata tinarabaho?" makahulogang turan ni Dexter mula sa kabilang linya.

"May bangus kasing umaaligid, sir."

Natawa si Dexter at biglang naalala si Jeydon. Mukhang may bangus talagang kaagaw kapag ang trababo ay bodyguard.

"Masaya ako at makakalabas ka ng buhay riyan sa kabila nang kabalbalan mong ginawa." Biro ni Dexter.

"Madiskarte, 'to, sir." Tumatawa niyang sagot.

"Maiba tayo, ano ulit ang gusto mong hilingin?"

Napatikhim si Wigo bago idinulog ang kailangan. "Kailangan ko pong umuwi muna bukas upang ayusin ang dapat ayusin. Sa sunod na lingo ay kailangan kong samahan si Sir Josh sa ibang bansa."

"Kung ang inaalala mo ay ang maging kapalit mo riyan, pwede mong kontakin si Jay."

"Salamat, sir!"

Agad niyang tinawagan si Jay matapos silang mag-usap ni Dexter. Nakailang ring pa ang cellphone nito bago may sumagot.

"Gabi na, napatawag ka?"

"May naisturbo ba ako?" nakangisi niyang tanong kay Jay.

"Huwag mo akong itulad sa i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status